Chapter 41

495 10 0
                                    

Not suitable for young readers.
Read at your own risk!

Lucy

Kinabukasan ay maaga akong nagising kahit na ba hindi ako nakatulog ng maayos sa kakaiyak at kakaisip kay Clarence.

Ni hindi sya natulog dito sa kwarto nya. Hindi tumabi sa'kin.

Sa kaalaman na mas pinili nitong sa ibang silid matulog kesa sa sariling kwarto ay nakakadagdag sa sama ng loob ko.

Kaninang pag gising ko ay mabilis na nag ayos ako ng sarili at lumabas ng silid. Sya ang unang hinanap ko pagkababa.

Manang Beth told me na nasa library si Clarence at kausap si Symon na syang bisita nito nang umagang iyon.

Hindi ko alam kung bakit ang agang naparito ni Symon.

It must be important.

Inaya ako ni Manang na mag breakfast muna. Gusto ko sanang makasabay si Clarence pero naalala kong hindi nga pala kumakain sa umaga iyon.

Ayon kay Manang ay nagpahatid na lang ang binata sa library ng dalawang tasa ng kape na para rito at kay Symon.

Sinimulan ko na lang kainin ang inihandang pagkain sa akin.

Nang matapos ay tumayo ako upang ligpitan ang aking pinagkainan ngunit maagap na kinuha iyon sa akin ni Manang Beth st sinabing sya na ang bahala roon. Nagpasalamat na lang ako.

Umakyat ako pabalik ng silid habang tangan ang isang baso ng tubig.

Pagkapasok ko ay agad na kinuha ko sa bag ang lagayan ng vitamins.

Kumuha ako ng isang tableta at ininom iyon. I almost forgot drinking this.

Hindi ko alam kung tama ba na ganitong oras ako uminom dahil hindi ko alam kung nasan na yung reseta ko. But I decided na tuwing umaga na lang muna uminom.

Vitamins naman iyon..I think it's safe. I'll just ask my ob-gyn on my next check-up to confirm it.

Napaigtad ako nang maramdaman ang pagpulupot ng isang braso sa aking bewang.

Muntikan ko pa mabitawan ang basong tangan sa gulat.

Ni hindi ko namalayan ang pagpasok at paglapit nya.

Ang bag ay nilagay ko muna sa gilid ng kama. Ingat na hindi nya mapansin ang laman noon.

Ang baso ay inilapag ko naman sa katabing lamp table dahil baka tuluyan kong mabitawan.

Ang kamay nito na nakalapat sa aking tyan ay marahang humahaplos habang masuyong sinasamyo ang aking buhok.

He gripped my hair and placed it on the side of my shoulder.

I was stunned when I felt him kissing my nape. "C-Clarence...", mahinang sambit ko nang gumapang papasok sa loob ng damit ko ang kanyang kamay at doon naman nagpatuloy sa paghaplos.

Ang init na hatid ng kanyang palad sa aking balat ay tila nakakapaso.

Ang paghalik nya sa aking batok ay umakyat patungo sa gilid ng aking leeg paakyat sa may tenga.

Napasinghap ako nang bahagyang kagat-kagatin nya ang gilid noon.

Tila may nanulay na kung anong nakakakiliti sa aking buong katawan.

I bit my lower lip nang maramdaman naman ang kaliwa nyang kamay na pumisil sa tapat ng isa kong dibdib. Nailiyad ko ang katawan.

Mas dumiin ang pagkagat ko sa aking ibabang labi na tila magdurugo na iyon sa diin.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon