Chapter 49

517 11 0
                                    

Not suitable for young readers.
Read at your own risk!


Third person pov

Masuyong tinitingnan ni Clarence si Lucy habang mahimbing na natutulog sa isang sofa na naroroon.

Kanina nang magising sya ay ang magandang mukha nito ang agad nyang nabungaran.

Agad na kinamusta nito ang kanyang pakiramdam. Pansin pa nya ang pangingilid ng luha sa mga mata nito ngunit bakas naman ang kasiyahan nang magkamalay na sya.

Inabutan siya nito ng isang basong tubig nang humingi sya rito kanina. Tila tuyong-tuyo kasi ang kanyang lalamunan.

Nang makainom ay napatitig na naman sya sa dalaga. Na miss nya ito.

Akala nya ay hindi na nya ito masisilayan pagkatapos ng nangyari.

He's thankful for still being alive!

Natakot din naman sya para sa sariling buhay ngunit mas nangibabaw ang takot nya para sa buhay ng kanyang mag-ina nang makitang naka tutok ang baril na hawak ni Soleia rito.

Tila natigil ang pagtibok ng kanyang puso at hinding-hindi nya kakayanin kung pati ito ay mawawala rin sa kanya.

Kaya wala syang sinayang na sandali at agad na itinakip ang sariling katawan sa dalaga.

To protect and save her from that raging bullet!

Shield her with his own life!

He sighed.

Sinulyapan nya ang isang kamay kung saan may kung anong nakadikit at nakatusok doon. Medyo masakit kasi.

Isang linggo din pala syang nawalan ng malay dahil sa nangyaring iyon.

Nang magkamalay naman sya kanina ay may doktor agad na nag check sa kanya. His vital signs are now in good condition. Another thing to be thankful for. Kailangan lang ng kaunti pang pahinga para mas bumilis ang kanyang recovery ayon sa sumuri.

Muli nyang tinapunan ng tingin ang dalaga.

Alam nyang ilang araw na itong walang maayos na tulog kaya naman pinilit nya itong magpahinga muna matapos umalis saglit ng pinsan nitong si CK upang ikuha ang dalaga ng ilang gamit dahil hindi nila mapilit na umuwi ito sa rest house para roon magpahinga.

Mas pinili ni Lucy na manatili sa ospital na kasama sya.

Napailing na lang sya sa katigasan ng ulo ng dalaga.

Umayos si Clarence nang pagkakahiga sa kama at napangiwi nang kumirot ang tama sa likuran na nakabenda pa.

"T*nginang sugat 'to!", he hissed in pain.

Bahagya syang tumagilid ng higa at huminga ng malalim.

Hindi sadyang napadako naman ang kanyang tingin sa mga hita ng dalaga dahil sa bahagyang pagkakalilis ng bestida nitong suot.

Parang gusto nyang tumayo at hilahin iyon pababa baka biglang may dumating na bisita at makita pa iyon.

Gumalaw sa pagkakahiga ang dalaga at lalong nalantad ang makinis nitong mga hita

"Oh, f*ck!", impit na daing nya.

May parte sa katawan nya ang unti-unting nabubuhay.

His man down there...

Mukhang kailangan na nga nyang magpagaling agad.

He can't wait to touch and feel her soft skin underneath his body.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon