Chapter 37

471 11 0
                                    

Not suitable for young readers.
Read at your own risk!

Third person pov

Nakatanaw sa dagat ang binata habang kausap sa phone si Symon.

Kanina ay sinubukan nyang kausapin ang dalaga pero ni hindi sya nito pinagbuksan ng pinto kahit anong katok nya.

She keeps on crying at rinig nya iyon mula sa labas ng pinto.

It's killing him.

Hindi nya inaasahan ang sudden outburst nito sa kanya. He wanted to talk to her and tell her that she was wrong.

Yes, mahal nya si Lindsay pero hindi katulad ng pagmamahal na nararamdaman nya ngayon kay Lucy.

Both of them have a place in his heart.

At ipinagkamali ni Lucy iyon bilang pagmamahal lang nya para sa namayapang dalaga.

No one can ever replace Lindsay dahil nag iisa lang iyon. Ganun din naman kay Lucy. They are both different on their own!

No one can replace each of them.

Lindsay is special but Lucy is much more special. Mas matimbang!

At kahit sya ay nagulat sa sarili nang marealized nya ang katotohanan na iyon.

Ngayon nya lang naramdaman ang ganito.

Akala nya rati ay wala ng hihigit kay Lindsay but he was wrong.

He fell hard..really hard!

And the situation now...

It's not all about Lindsay anymore.

His life is now revolving around Lucy.

He's living and breathing for his Lucy.

He's falling too deep for Lucy and he finally admit to himself that he loves her...for real!

Hindi dahil sa malaki ang hawig nito or she reminds him of Lindsay.

He loves her for who she is at hindi dahil sa katauhan ng ibang tao.

And it sucks that Lucy can't believe him. F*ck it!

"Are you still there?", saka lang siya natigil sa malalim na pag iisip nang marinig ang boses ng nasa linya.

"Yeah, still here", sagot nya at napahaplos sa kanyang batok.

"Buti naman at buhay ka pa..di ka na nagsalita, eh", biro ni Symon at nilangkapan ng pagtawa.

"Unfortunately, yes...humihinga pa naman", he sarcastically said.

"Tindi mo rin! Akala ko tumalon ka na dyan, eh. Kailangan mo ng taga tulak?" Napailing na lang sya sa tinuran ng nasa linya. Kaibigan ba talaga nya ito?

Hindi talaga dadaan ang isang araw dito nang hindi ito nang pepeste sa kanila.

Tatak Symon talaga!

"Gusto mong mauna?", balik tanong nya. Kung nasa tabi nya lang ito ay malamang na naitulak na nya sa dagat.

"Chill! Ito naman, di na mabiro. Parehas kayo ni Vermont, eh", sagot ni Symon na ikinangisi na lang nya.

He called him para may mapaglabasan ng sama ng loob.

Hindi nya kasi makontak ang iba. Kaya ito na lang ang pinagtyagaan nyang kausapin.

Somehow ay gumaan naman ang kanyang pakiramdam nang may maka usap sya. Kahit na may pagka bangag nga lang itong kausap.

He sighed.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon