Chapter 3

812 14 0
                                    

Past...3 years ago

Lucy

Abala ako sa pagse-serve ng mga order ng mga bagong dating na customer nang lapitan ako ni Maya. Isa sa mga kasamahan ko ritong waitress sa aliwan.

Pinatapos niya muna ako sa paglalagay ng mga alak sa lamesa bago hilahin sa isang gilid.

"May taong naghahanap sayo sa labas", bulong niya sa'kin na ikinakunot ng noo ko.

"Sino raw?", bahagya ko pang sinilip ang pinto upang mapagsino ang tinutukoy nito. Wala akong inaasahan na taong maghahanap sa'kin.

Maliban na lang kung si Aling Tess iyon na siyang may-ari ng inuupahan naming bahay at maniningil lang. Pero katatapos ko lang magbayad ng renta kaya imposibleng siya' yon.

"Hindi ko kilala. Lalake eh. Tsaka mukhang foreigner..ang gwapo. Ikaw ha, hindi ka nagsasabi na may afam ka na pala", nanunudyo niyang sabi sa akin habang may kinang sa mga mata. Pabiro pa niya akong kinurot sa tagiliran at mukhang kinikilig pa ang bruha.

"Anong afam ang sinasabi mo d'yan?", dito pa nga lang sa trabaho ay ubos na ang oras ko...pano pa ako makakapaghanap ng afam na sinasabi nito. Lalong kumunot ang aking noo.

"Sus, ikaw naman. Sa'tin-sa'tin lang naman. Saka sabi ni Mimi siya yung lalaking kausap mo kagabi. Namukhaan niya kasi nang magtanong sa kanya si afam kaya pinatawag ka sa' kin. Huwag ka ng mahiya. Nandun siya sa may labas oh", nakangusong muwestra niya pa.

Bumuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano talaga ang sadya ng lalaking iyon sa'kin. Ni hindi ko nga kilala iyon..bigla na lang sumulpot.

At ano na naman ang ginagawa nito dito?

Nilingon ko ang isang customer nang tumawag ito ng waitress upang umorder. Tiningnan ako ni Maya at sinabing siya na ang bahala roon at puntahan ko na lang sa labas ang sinasabi nito.

Tinanguan ko na lang siya at tinungo ang daan palabas matapos makapagpasalamat.

Agad kong nakita ang lalake dahil na rin sa angat ang itsura nito sa karamihan. May kalakihan ang katawan, matangkad, maputi, malago ang may pagka brown nitong buhok at ang mga mata ay...kulay luntian.

Hindi ko iyon masyadong napagtuunan ng pansin nang una ko syang nakita.

Afam nga!

Lintik na yan..pati ako ay nagagaya na kay Maya the bird...

Hindi niya agad ako napansin dahil sa pinagkakaguluhan ito ng mga babae. Mga babaeng haliparot. Talaga nga naman. Halos mapalibutan ito sa kinauupuan. At ito naman ay todo ngiti sa mga iyon at tila enjoy na enjoy pa sa nakukuhang atensyon.

Ang pogi lang?

Pero ang totoo, hindi pogi lang..gwapo itong talaga! Napailing ako sa naisip.

Halatang sanay na sanay ito sa pakikipaglandian. Alam ko ang mga ganitong uri ng lalake eh.

Flirt, F*ck and Go!

Tumikhim ako na nakakuha ng pansin ng mga ito. Tumayo ang lalake na animoy nahuli ng misis sa isang hindi magandang tagpo samantalang ang mga babae ay nagkanya-kanya ng alis. Ito rin yung mga babae kagabi eh..nadagdagan nga lang.

"Bakit nandito ka na naman at bakit mo ako hinahanap?", masungit kong tanong.

Napakamot naman ito sa may batok. "Gusto ko lang..ano kasi..gusto kong kumain. Pwedeng pa-order?"

Inis na lumapit ako at inilabas ang maliit na papel at ballpen sa bulsa ng aking pantalon. "Oorder ka lang pala, bakit ako pa ang hinanap mo? Pwede ka naman magsabi sa ibang waitress." Tiningala ko siya nang hindi ko naringgang sumagot. Only to see him scanning my whole body na para akong isang gamit na kinikilatis niyang mabuti.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon