Chapter 2

945 20 0
                                    

Past...3 years ago

Clarence

Tahimik na pinagmamasdan ko ang bahay-aliwan mula rito sa aking kinapaparadahan. I parked my car not too far from that place kung saan matatanaw mo ang nagkikislapang maliliit na ilaw at ilang babaeng nagkalat sa labas.

May makakapal na kolorete sa mukha at tila kinapos sa tela ang suot. Konting mali lang sa pag-galaw ay siguradong makikitaan na ang mga ito.

Salubong ang kilay na hinayon ko ng tingin ang bukana ng aliwan. Dahil sa bandang gilid ako nakapwesto ay hindi ko masyadong maaninag ang loob niyon bukod pa sa mausok ang lugar.

Usok ba ng sigarilyo iyon o gawa ng smoke machine for effect? I can't easily tell, maliban na lang kung maamoy ko 'yon.

I glance at my wrist watch, it's already past ten in the evening. Simula na ng aliwan kaya naman pala parami ng parami ang mga tao roon.

Napailing ako. I shouldn't be here in the first place. I should be at my condo or anywhere else enjoying my new hot fling but guess where am I now?...in a f*cking province, San Ildefonso! I gasp out loud.

Nandito na rin lang naman ako. I should get moving para matapos na.

Pinasadahan ko ng haplos ang aking buhok. Madalas akong masabihan na kagigising lang dahil dito but it's actually a natural messy wavy hair.

I inherit it from..from that man. Unfortunately, my dad.

Even the hazel color of my hair. I wish I didn't! This will only reminds me of him. Napailing ako.

Matapos kong macheck kung maayos ang sarili ay nagpasya akong puntahan na ang nasabing lugar.

Pagod na bumaba ako ng sasakyan at naglakad palapit. Nanunuot sa ilong ko ang matapang na amoy ng usok ng sigarilyo. Now I know....

Pinasadahan ko ng tingin ang paligid and I am starting to attract attentions from people. Dahil na rin siguro sa banyaga kong anyo.

Women keep staring at me. Nakasunod ang mga matang kakikitaan ng paghanga at ang iba naman ay kuryosidad ang mababasa. Tila mga nagtatanong.

Ano nga naman ba ang ginagawa ng isang katulad ko sa ganitong lugar?

Unless I wanna get laid tonight. Which is true...but not in this place. Hindi iyon ang ipinunta ko rito.

My goal is to find this lady who could help us in finding Max's fiance.
Kung hindi ko lang talaga kaibigan ang isang 'yon ay nuncang pupunta ako sa probinsyang ito.

It's a long drive here from Manila.
Hindi biro ang ilang oras na biyahe papunta rito. To think na kadarating ko pa lang sa bansa kaninang tanghali galing France.

Symon called me and told me about what happened to Max kaya napaaga ang uwi ko rito. He said our friend needs help and that is to find his fiance...Vivien.

Ilang beses na raw nagpabalik-balik sa bayang ito ang kaibigan namin upang hanapin ang fiance nito pero hanggang ngayon ay hindi nito makita.

Tuluyan na ngang nagpakalayo at iniwan si Max. Hindi ko alam na hahantong sa ganito ang dalawa. Last time I saw them, they were both okay and...in love. But now...napabuntong hininga ako sa naisip.

I'm exhausted from a long hours of flight and drive but I need to do this para mapadali na ang pag-hahanap bago pa man mawala sa katinuan ang isang 'yon.

Walang ginawa kundi magpakalasing at walang ibang hinahanap kundi ang schatzi niya ayon na rin sa kwento ni Symon. Poor man...

Nasaan na ba kasi ang fiance nito at maging ang mga hired P. I ay walang makuhang impormasyon kung nasaan na ba talaga ang dalaga.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon