Soleia
Walang lingon na lumabas ng mansion si Soleia at tinungo ang nakaparadang sasakyan sa labas ng gate.
Ni hindi nya pinansin si Manang Beth nang tawagin sya nito.
Sumakay at malakas na isinara ang pinto ng kotse nya sa inis.
Kanina nang dumating sya ay ang babae ang sumalubong sa kanya. Agad niyang hinanap ang binata rito.
Alam nyang ilang araw na mula ng makauwi sa bansa ang binata. Kaya hindi sya maniniwala kung sasabihin ng babae na wala ang binata roon katulad ng palagi nitong sinasabi sa kanya sa tuwing dumadalaw sya sa mansion.
Sinabi nitong kadarating lang ng amo. Kaya naman dali-dali syang umakyat upang makita ang binata. Hindi nya pinansin ang pag tawag at saway sa kanya ng katulong.
She went straight to his room.
Hindi na sya nahirapan na pumasok sa kwarto ng binata dahil nakita niyang naka bukas na iyon.
Hindi na kailangan kumatok pa.
Napangiti sya ng lihim.
Diretsong pumasok sa loob at hinanap ito hanggang sa marinig nya ang lagaslas ng tubig sa banyo.
A dirty plan is running in her head.
Humiga sya sa kama habang hinihintay itong matapos. Sinadyang ipakita ang mga hita. To seduce him.
Akala nya ay magiging madali lang ang lahat.
But her plan failed!
Nang gigigil na napahampas sya sa manibela nang maalala kung paano nito ipamukha sa kanya na si Lucy ang gusto nito.
Akala nya nang mawala si Lindsay ay sya na ang makakapalit dito sa puso ni Zeke.
He may have lots of girls on the side pero sya naman ang madalas na maka ulayaw nito.
Kampante na sana sya na magiging kanya na ito.
But she was wrong..until Lucy.
That b*tch!
Hindi pa sya tapos sa babaeng iyon.
Dahil rito ay iniwan na sya ng binata.
Binalewala!
No string attached nga sila ng binata pero dahil sa Lucy na iyon ay mas lalong nawalan sya ng kapit kay Zeke.
She's already trying to win him slowly..nagbabaka sakaling maging official na sila ng binata.
Okay na sana. Nagagawa na nya ng paunti-unti pero naagaw agad ito ng haliparot na 'yon ng walang ka effort- effort.
Ang lamang nito sa kanya ay dahil lang malaki ang pagkaka hawig nito sa ex fiance ng binata.
Katawan na nga nya ang pinain kanina upang makuha ito pabalik but he still rejected her. Seriously?
Napa irap na lang sya sa hangin.
Pero hindi sya papatalo ng basta- basta. Kaya naman ibinigay niya rito
ang isang bagay na maaaring ikasira ng dalawa.Her captured pictures of Lucy and that guy...
At hindi pa roon nagtatapos iyon...
Kinuha nya ang bag sa kanyang gilid na basta na lang nyang hinagis kanina nang makapasok sa kotse.
Binuksan iyon at kinuha ang isang mini videocam na maingat niyang naitago kanina sa binata.
Siniguradong hindi iyon napansin ng binata nang pasimpleng nyang ibinalik sa loob ng bag.
BINABASA MO ANG
When All I Have is You (Completed)
Roman d'amour"Sakay!", nakasigaw na utos niya. Agad akong umupo at napataas pa ang aking mga balikat nang malakas niyang isinara ang pinto. Nandoon ang kaba at takot sa aking dibdib na pilit kong nilalabanan. Huminga ako ng malalim. Nang makasakay siya ay ni h...