Chapter 10

555 13 0
                                    

Past...3 years ago

Lucy

"Sakay!", nakasigaw na utos niya nang makalapit ako kaya halos takbuhin ko iyon.

Agad akong umupo at napataas pa ang aking mga balikat nang malakas niyang isinara ang pinto.

Nandoon ang kaba at takot sa aking dibdib na pilit kong nilalabanan. Huminga ako ng malalim.

Nang makasakay siya ay marahas na huminga. Nagpipigil ng galit. Kita ko ang mga ugat niya sa kanyang kamay habang mahigpit na nakahawak sa manibela.

Ni hindi niya ako nililingon. Tahimik lang na nakaupo. Baka nagpapababa lang ng galit..ewan ko, hindi ko alam...

Nagyuko ako ng ulo habang kagat ang ibabang labi.

"Alam kong galing ka kila Mrs. Guzo at sa canteen. Nanggaling ako roon kanina para hanapin ka. Now tell me...magkano ang sinasahod mo sa kanila?", napaangat ako ng tingin sa kanyang pagalit na tanong.

His eyes are fix in front. Nakatingin sa harapan ngunit tagusan naman...

"Magkano ang ibinabayad sa'yo para lang tiisin mo ang paglilinis ng mga kural ng hayop?", mabalasik niyang tanong na ngayon ay titig na titig sa akin.

Pinasadahan pa niya ng tingin ang aking mga kamay.

But I didn't answer him.

Wala siyang karapatang kwestyunin ang trabahong meron ako kahit pa nga ba sideline iyon.

Hindi ko iyon ikinahihiya dahil ikinabubuhay ko 'yon.

He brush his hair using his fingers. "Kung hindi pa ako umuwi ng maaga.. hindi ko malalaman na tinakasan mo na pala si Manang para riyan sa trabaho mo. Great Maddie..just great!" Sarkastikong sabi sabay hampas sa manibela.

"Bakit ba kasi bawal pa 'kong magtrabaho at umuwi rito sa amin? Okay naman na 'ko. Ang tagal ko ng nakalabas sa ospital at ilang linggo na rin akong namamalagi sa bahay mo. Kaya ko naman na...kaya iwanan mo na ko rito. Tutal nagawa ko ng umuwi rito mag-isa." Nagmamakaawa kong sabi pero hindi niya ako pinakinggan.

I just heard him curse.

Ang sunod kong narinig ay ang pagtunog ng makina ng sasakyan.

Minaniobra niya iyon at mabilis na pinaandar palayo.

Napahigpit ang kapit ko sa aking dalang bag.

"Di ba sinabi ko naman sayong ihahatid kita kapag okay ka na...pero hindi pa sa ngayon. Bakit ba hindi ka marunong makinig?!"

Patuloy pa rin sa pagmamaneho ng mabilis.

Sinabihan ko siyang bagalan ang patakbo dahil natatakot akong baka may kung anong mangyari kung patuloy siyang magmamaneho ng mabilis.

Binagalan lamang niya iyon nang tuluyan kaming makalayo.

Yung tipong hindi ko na magagawang tumakas sa kanya.

Huminto kami sa may gilid ng daan. Mangilan-ngilan lang ang napapansin kong sasakyan ang dumaraan.

"Intindihin mo naman ako, Clarence...", simula ko nang makitang medyo mahinahon na siya. "Kailangan ko lang talagang umalis kanina..babalik naman ako, eh", hindi ko na binanggit pa ang tungkol sa pagpapadala ko ng pera kila Tiya.

"Kailangan mong umalis..kasi babalik ka sa pagtatrabaho. Bakit ginugutom ba kita...?"

Napapikit ako sa kanyang tinuran.

Hindi naman niya kasi ako kargo.

Wala siyang responsibilidad sa akin para siya pa ang magpakain o magbigay ng mga kakailanganin ko para mabuhay.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon