Chapter 6

571 14 1
                                    

Past...3 years ago

Lucy

May nauulinigan akong mga tinig na nag-uusap. Hindi ko tiyak kung sino ang mga iyon dahil sa may kahinaan na tila nag-iingat na huwag makalikha ng malakas na ingay.

Pinakiramdaman ko ang sarili. Parang may parte ng katawan ko na tila binugbug sa sakit. Huminga ako ng malalim.

Sigurado akong wala ako sa bahay dahil na rin sa kakaibang amoy na aking nalalanghap.

Teka, nasaan ba 'ko?

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mata. Medyo nasilaw pa ako sa liwanag kaya ilang beses pa akong napapikit-pikit hanggang sa makapag-adjust ako.

Nilibot ko ang aking paningin sa kulay puting kwartong iyon. May nakita akong isang maliit na mesa at dalawang upuan na magkaharap sa bandang sulok. Sa may gilid ko ay parang may maliit na lababo at ilang mga gamit na nakapatas katulad ng mga plato at baso. May microwave din at mini ref...

May nakasarang pinto sa may tabi ng parang kusina na hinuha ko ay siyang banyo ng silid.

Nilingon ko ang kabilang parte ng kwarto. May katamtamang haba ng sofa roon at may flat screen na t.v sa harapan. May lameseta rin doon na may maliit na vase sa gitna na may mga bulaklak.

Ngunit hindi nakalagpas sa aking paningin ang dalawang babaeng nakaupo sa sofa at nag-uusap. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko sila makilala.

Hindi pa nila alam na gising na ako.

Bumaba ang tingin ko sa aking kanang kamay. Pinilit kong igalaw pero napapangiwi ako dahil na rin siguro sa nakatusok na karayom doon.

Pumikit ako at inalala ang nangyari sa akin kung bakit ako narito ngayon sa isang ospital.

Ang nangyari sa aliwan..ang pagtanggal sa akin sa trabaho ni Mama Lou...malakas na ulan..ang mga sugat ko at maging ang pagkawala ko ng malay.

Bigla ang pagmulat ko ng aking mga mata nang maalala ang taong huli kong nakita...

Clarence...mahina kong sambit.

Pero nasaan siya?

"Salamat sa Diyos at gising ka na..."

Napalingon ako sa may-ari ng boses na iyon na tila hindi makapaniwala. Si Mimi. Napangiti ako nang makita siya kasama si Maya. Sila pala ang naririnig ko kanina.

Tumayo at agad nila akong nilapitan.

Kinamusta nila ako at tinanong kung may masakit pa sa akin. Akmang tatawag pa ng doktor si Maya ngunit pinigilan ko.

"A-Ayos lang ako, Maya...", sambit ko sa mahina at paos na tinig. Nakakaramdam pa rin kasi ako ng panghihina pero kaya ko naman.

Pinilit kong bumangon mula sa pagkakahiga kahit nahihirapan pa ako. Inalalayan nila ako hanggang sa medyo mai-angat ko ang katawan upang makaupo.

Humingi na lamang ako ng tubig sa kanila. Tila tuyot na tuyot ang aking lalamunan. Agad namang kumuha si Mimi at inabot sa akin. Ininom ko iyon hanggang sa maubos.

Kinuha ni Mimi ang baso at pinatong sa side table.

Hinawakan niya ang kamay ko. "Pasensya ka na, Lucy kung wala kaming nagawa, ha. Hindi ka namin natulungan nang paalisin ka bigla sa aliwan", malungkot na pahayag ni Mimi. Napatango ako at nakaka-unawang nginitian siya. Alam ko naman iyon. Pero wala naman silang kasalanan sa nangyari sa akin.

Ang dalawang ito ang naging malapit sa akin sa aliwan kaya naman kaibigan na ang turingan namin. I'm blessed to have them bukod pa sa isa kong kaibigan. Matagal ko na nga lang hindi nakikita.

When All I Have is You (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon