DENVER POV:
Nandito parin ako ngayon sa saint toptian dahil may gusto lang akong sabihin sa isang tao.
Kunot noo kong tinungo ang office ng dean
Pumasok na ako sa loob, kahit kailan ay wala sa vocabularyo ko ang kumatok. Pipihitin kona sana ang pintuan ng main office ng dean ay napatigil ako dahil may kausap siya.
"Alam ko... Hindi mo alam kung anong pag-iingat ang ginagawa ko para wala siyang malaman... Yes, Ofcourse... Nah, hanggang ngayon pa nga ay hindi niya pa alam...Well, kasalanan to ng ama niya..Oo naman hindi eto mangyayari kung hindi siya nagpapa sipsip sa mga magulang namin dahil diyan nasa kanya na lahat ng kompanya na dapat ay nasa akin. Yes kunting tiis nalang sisirain ko buhay nila hahaha!" Kumunot ang noo ko.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marining ko ang boses niya na tila may kinalaman sa pamilya namin. Ano kaya ang plano niya? At sino ang tinutukoy niya? Nakaramdam ako ng pagka-curiosity at pagka-gulang.
Nong una ay hindi ko maintindihan kung anong pinagsasabi niya, nakaramdam ako ng kaba ng marinig ko na parang may kinalaman eto sa pagkamatay ng kapatid ko. Ngunit hindi ko dapat yun ang kailangan kung isipin. Sino ang kausap niya? Ayaw kung magbintang lalo na kung wala akong ebedensiya.
"B-buenavista.." tila gulat na sambit ni Mrs. Dean ng makita niya kung nakatayo sa harap ng pintuan. "Ka...K-kanina k-kapa ba diyan? Maupo ka muna." Tinuro niya ang upuan ngunit nanatili lang akong nakatayo at tinignan siya na walang emosyon. Ngumise ako.
Nakaramdam ako ng pagtataka.
Ano kaya ang dahilan ng pag-gulat niya? At ano kaya ang koneksyon niya sa kausap niya kanina? Nakaramdam ako ng pagka-curiosity sa taong kausap niya
"Ano ang kailangan mo, kio?" tanong niya. Nakatingin lang ako sakanya ng diretso.
"Hindi ka ba mag-aalok ng inumin?" Sabi ko nakangiti ng sarkastiko.
"Kanina kapa diyan?" di niya maitago ang boses niyang nagka utal.
"Ba't naman kayo gulat na gulat? May dapat ba akong malaman o may sekreto kang hindi ko dapat malaman?"
Nagulat siya."W-wala. Ano kaba naman kio. Kilala mo naman ako diba? Simula nong bata kapa..Pati pamilya mo.." dagdag niya, ang kanyang mga salita ay nagsisimula nang magkamali.
"Wag mokong tawaging kio.." giit kung sabi.
Natigilan siya sinabi ko at ngumite din kalaunan."Pasensya na, sensitive ka pala sa pangalan nayan upo ka muna.." Napakunot ang aking noo, ang aking mga mata ay nakatutok sa kanya, naghihintay ng kahit anong reaksiyon. Kumuha siya ng isang botelya ng tequila at dalawang maliit na baso.
Nagsalin siya bago ibigay saken at agad ko naman tinanggap "Here.."
" Nagpunta lang ako para sabihin sayo na magkakaroon ng JS Prom ang mga estudayante dito pagkatapos ng instramurals"
"O-oo naman!! Walang problema saken yun." Tumango ako. Hindi ako pwede magtagal dito dahil may aasikasuhin pa ako.
hahakbang na sana ako ng.."Kio.." tawag niya kaya lumingon ako.
"Wala ka bang balak patawarin ang anak ko?" tanong niya, ang kanyang mga mata ay puno ng pag-asang makita ang aking reaksiyon.
"Sa tingin mo ba tita? Magagawa kopa rin ang mga bagay na dapat ginagawa namin noong mga bata pa kami. Pagkatapos nang nangyari lahat wala siyang ginawa kundi panoorin lang lahat ang nangyayari sa harapan niya. Sa tingin mo mapapatawad ko siya ha?" tumingin ako sakanya na may poot ang mata at pighati ng damdamin.
Nakaramdam ako ng galit na bumubukas sa aking dibdib, ang aking mga kamay ay nakakuyom sa galit. "Hindi, tita. Hindi ko siya papatwarin. Hindi ko siya papatwarin sa ginawa niya sa kapatid ko."
Nakita ko ang takot sa mga mata ni Mrs. Dean, ang kanyang mga mata ay puno ng luha. "Kio, pakiusap... huwag mong gawin ito. Ang anak ko ay nag-sisi na..."
"Alam kung anak mo siya at may karapatan ka. Pero diko parin lubos maisip bakit hindi niya man lang niya nagawang tulungan ang kapatid ko alam naman niyang sumisigaw siya ng saklolo sa harapan niya. Sa tingin mo may mukha pang ihaharap yung hayop na yun!!" galit kung sigaw kaya napaurong siya.
"Dahil bata pa siya kio, hindi niya alam ang gagawin niya sa mga panahon na yun! Takot din siya na baka patayin siya, ang a--alam lang niya gawin ay tumakas. Alam ko ang nararamdaman mo kio, matagal na yun alam kung masaya na ngayon si karina---" kumuyom ang noo ko at umigting ang panga kaya natigil siya sapagsasalita.
"Wala kang pakealam dahil wala kang alam hanggang hindi ko pa nakukuha ang hustiya para sakapatid ko ay hindi ako titigil hanggat hindi ko nalalaman..Sisiguraduhin ko din mapapatay ko sila."
BLAAAGG!!
Binagsak ko ang malakas na pintuan ng makalabas na ako.
Kuyom parin ang kamao ko at salubong ang kilay. May mga estudyante na tumabi para makadaan ako. Siguro ay natakot saken. Wag lang nila akong sasagarin para hindi ko sila mabuhusan ng galit ko. Wala akong ibang hinangad kundi makuha lamang ang hustiya para sa kapatid ko.
Sa kapatid kung narape dito sa paaralan nato na walang kamuwang muwang na walang puso ang gumawa sakanya.
Binagsak ko ang pintuan ng office ko at humangos na umupo. Niluwagan ko ang necktie at uminom ng tubig.
Yung kanina kaya gano'n nalamang ang asta ko sa dean dahil anak niya eto at kapatid siya ng papa ko. Magkaiba nga lang ng apelyido dahil hindi naman sila totoong magkadugo.
Magkapatid lang sila ng ina pero, kahit kailan ay mabait siya saken hindi siya nagpapakita ng motibo saken. Pero hindi sapat yun para pagkatiwalaan kaagad.
From:63946****
'Can we meet in the luneta park. I just missed you kio'
Isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kung magpatawag ng kio dahil naalala ko ang ginawa niya saken. Isa lang naman ang taong naglakas na loob na tawaging akong kio.
Si jaime.
Matagal na kaming hiwalay pero kung magparamdam akala ko walang ginawa saken simula nong iniwan niya ko pinagpalit sa pesteng vision niya. Which is yung model.
Kontra talaga ako sa decision nayan. Dahil ako yung taong sensitive makakakita na kapag yung girlfriend ay binalendra ang katawan sa maraming tao.
Kaya nga, mas gusto kopa si de vera sa lahat ng babae sa room dahil siya yung babaeng takot makita ang katawan.
.
Fvck!!
Itinabi ko ang cellphone ko at in-off dahil wala akong balak na replyan siya. Kahit makipag balikan pa siya ay wala akong balak na maging kami pa ulet dahil sa matagal na panahon kahit isang katiting na pagmamahal ko sakanya ay nawala na. Ang natira na lang ay galit at pagka disapoint sa sarili ko kung bakit ko pa siya hinintay ng matagal.
Napaupo ako sa upuan ko at pinikit ang mga mata ko, sinusubukan kong alisin ang mga alaala na hindi ko na kailangan. Pero ang mukha niya ay nandoon parin, nakangiti at nagpapaalam sa akin na parang walang nangyari.
Bigla akong tumayo at kinuha ang isang larawan sa tabi sa gilid ko. Si karina, ang kapatid ko na namatay. Ang dahilan kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Ang dahilan kung bakit ko hindi pwedeng mahulog sa pagmamahal ulit.
"Hindi na ulit," bulong ko sa sarili ko. "Hindi na ulit ako mahuhulog sa pagmamahal."
BINABASA MO ANG
WHEN ACCIDENTALLY MET YOU |INCOMPLETE|
Teen FictionEveryone knows my name. I mean hindi lahat. Hindi dahil sa matalino ako, hindi dahil sa mabait ako. Kundi dahil sa ang hilig ko magmura, mahilig din ako manuod sa kpop, yung tipong mapapatingin sila dahil sa suot mo.. Ako 'yung tipo ng estudyanten...
