CHAPTER 2

2.1K 45 5
                                    

LULUWAS siya ng Manila kahit ayaw niya. Napabuntong hininga siya pag sakay palamang sa eroplano. Nilabas niya ang cellphone at tinawagan ang kanyang ina.

"Mom, I'm on my way. I'm already at the airport. Are you sure you will pick me up?" nakapikit niyang tanong.

[Yes anak, actually we are in the airport waiting for you.] napa-bungisngis na turan ng ina niya.

What? Who's with her?

"We?" nakapikit ng tanong niya.

[Oh! I'm sorry, my daughter. Nakalimutan kong sabihin na kasama ko ang step-dad mo. Ayaw niya kasing mag paiwan sa mansyon kaya sumama nalang siya. Is that okay with you?]

Mabilis niyang pinatay ang tawag. Minsan talaga naiinis na siya sa ina niya bigla bigla siyang pinapasabugan ng mga balita na hindi okay sa kanya.

Nakarating siya ng maayos sa airport at agaran niyang nakita ang ina na may mga kasama. Akala ba niya ay step-dad lang niya? Hindi niya alam na may kasama pa itong iba bukod sa sinabi nito.

Yumakap ang ina niya sa kanya. "Anak, I missed you! Oh my daughter! You look extra pretty today."

Ngunit hindi niya pinansin ang sinabi ng ina dahil napatingin siya sa lalaking nakasandal sa sasakyan at nilalaro ang susi sa palad nito habang nakatingin sa kanya. Nakipag labanan siya ng titig dito kung makatingin kasi sa kanya, parang gusto siyang kainin ng buhay.

"Hexxin, this is your step-dad, your Tito Vern and this is his son, Wyatt Alexander," pag papakilala ng ina niya sa dalawang lalaki.

Ah may sabit din? Anak niya pala 'tong feeling guwapo na 'to.

Malapad siyang ngumiti at nag mano sa step-dad daw niya. "Good afternoon, sir!"

Nagulat siya sa pag lapit nito at bigla siyang niyakap. "Hija, you should call me Tito Vern or Daddy. What do you think?"

Mahina siyang natawa at nginitian niya ito mag sasalita na sana siya ng biglang mag salita ang anak nito.

"Let's go home, sa bahay nalang kayo mag kuwentuhan," sabi nito at bigla nalang nag lakad papunta sa pintuan ng sasakyan muli pa siya nitong sinulyapan bago tuluyang pumasok.

Agad naman siyang hinila ng ina at nginitian. Nilagay nila sa compartment ng sasakyan ang dala niyang maleta. Nag alangan pa siya dahil alam niyang mabigat iyon pero hindi na siya kumibo ng makitang mukang malakas pa ang bagong asawa ng kaniyang ina.

Sumakay siya sa sasakyan at nakitang nasa kabilang gilid nakaupo si Wyatt. Napabaling siya sa harapan ng makitang pumasok na ang kanyang ina at ang bago nitong asawa. Umusad ang sasakyan at napasilip siya sa bintana.

Muli siyang napatingin sa harap ng mag salita ang step-dad niya. "Ano ang ginagawa mo sa Palawan? I heard from your Mom na doon ka nag stay for almost two years. I hope you don't mind my question, hija."

"Yes po, I have a rest house there. It's my 18th birthday gift from my father. Actually I stay there because I hate traffics, high buildings, city lights, and pollution," nakangiting tugon niya.

"I told you, honey, she loves nature," natatawang sabi ng ina niya.

"Is that so, hija? Alam mo okay lang naman kung sa bahay ko ikaw tumira. Gusto ka rin kasing makasama ng Mommy mo at wala namang problema sa akin iyon. Saka gusto ko rin talagang magkaroon ng anak na babae para may babantayan kami ng Kuya niya," nakangiting pag kukwento nito.

Muli naman siyang napatingin sa lalaking katabi. May naisip siyang kapilyahan at muling nag salita. "Talaga po? Puwede niyo po akong ituring na anak at ituturing ko rin si Wyatt na parang kuya. What do you think po?" sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya lalo ng makita ang reaksyon ng katabi.

Napabaling ang ina niya sa kanya. "That's good to hear, hija. Right, honey?" tanong nito sa bagong asawa.

"What do you think, Kuya? I'm a good sister you know," sabay kindat niya rito kitang kita niya ang mukha nitong parang gusto na siyang sakmalin ano mang oras.

TUMIGIL ang sinasakyan nila sa isang gate na napakalaki. Kitang kita niya mula sa loob ng sasakyan ang dalawang guwardiyang nag bubukas ng gate. Umusad papasok ang sinasakyan nila hindi niya maiwasang mamangha sa nakita. Matataas na puno at mga halaman sa buong paligid, nasa pinaka gitna ang malaking mansiyon, napakalaki no'n at sa kanan nito ang malaking swimming pool, sa kaliwa naman nakaparada ang mga nag mamahalang sasakyan.

Bumaba siya ng sasakyan ng bumaba na rin ang kanyang ina ganoon din ang ibang kasama. Inikot niya ang tingin, sobrang ganda. Hindi niya napansin na hinihintay sa siya ng step-dad at ina niya sa pintuan ng mansyon. Napabaling siya rito at nagulat siya sa mga katulong na nakapila at nakayuko na parang hinihintay siyang mag lakad papasok. Ngumiti siya sa mga ito at nag lakad na.

"Welcome home, hija! Huwag kang mahihiya sa mga tao dito. Ito si Manang Lydia, siya ang mayordoma rito, kapag may kailangan ka o nagugutom ka mag sabi ka lang sa kanya," turo nito sa babaeng mukhang may edad na.

Ngumiti ito sa kanya, tinignan niya ito ng mabuti bago niya ginawaran ng totoong ngiti. Mukhang mabait ang mayordomang ito kumpara sa ibang napapanood niya sa TV.

Hinila na sya ng kanyang ina. "Come here, anak. Ihahatid muna kita sa kuwarto mo para makapag-pahinga ka kahit saglit."

Napabaling siya sa step-dad niya at ngumiti ito. Ang huling narinig niya ay may inutusan ito upang iakyat ang maleta niya. Umakyat sila ng hagdan patungo sa pangalawang palapag at pumasok sila sa isang napakagarang silid.

"Ito ang magiging kuwarto mo dito, Hexxin. May sarili ditong banyo at may sarili ka ring balkonahe na nakatapat sa swimming pool. Pinili ko talaga 'to para kahit papaano hindi mo masyadong ma-miss ang dagat," lumapit ang ina niya sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. "Alam kong nag tatampo ka sa akin at napipilitan ka lang na lumuwas ng Manila kaya kahit isang buwan ka lang dito pumayag ako kasi gusto kitang makasama. 'Wag kana mag tampo kay Mommy, okay? Masaya ako dito anak. Oh siya, mag pahinga kana at bumaba ka maya-maya para makakain tayo ng hapunan," hinalikan siya neto sa pisngi at tuluyan ng lumabas ng silid.

Napabuntong hininga siya at nag lakad patungo sa balkonahe. Pinagmasdan niya ang kapaligiran hanggang sa napadapo ang mga mata niya sa kabilang balkonahe. Nandoon si Wyatt at nakatingin sa kanya, nakangisi ito.

Aalis na sana siya ng mag salita ito. "Be a good sister and don't do stupid things or else I will kiss you. Welcome to our home, Amanadayle," sinilip niya ito at nakitang pumasok na sa loob ng kuwarto. Napaisip siya kung paano nalaman nito ang second name niya.




To be continued.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon