CHAPTER 23

1.8K 33 1
                                        

PAGKATAPOS ni Hexxin makausap ang ina ay dumiretso na siya sa kanyang silid. Hindi niya maiwasang hindi mainis kay Wyatt. Kanina sa eroplano ay nagising siya dahil parang hinahalukay ang tiyan niya. Tumayo siya at hindi manlang siya napansin ng binata dahil busy ito sa kausap nitong babae.

Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakakaramdam siya ng selos. Hindi iyon normal para sa kanya. Napapansin niya rin minsan na bigla bigla nalang siyang naiinis sa binata kahit wala naman itong ginawa. Minsan naman ay gustong gusto niyang katabi at naaamoy ito. Naninibago siya sa kanyang kinikilos. Parang naka depende na kasi sa binata lahat ng emosyon niya.

Ipinag sawalang bahala nalang niya ang naisip. Humiga siya sa kama dahil bigla siyang nahilo. Madalas ay ganoon ang pakiramdam niya, may mga umaga pa nga na naduduwal siya.

Nagulat siya ng makitang pumasok ang binata sa silid niya. Tinignan niya ito ng masama dahil sa nararamdaman na naman niya ang inis rito. Lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"What are you doing here?" pagkuway tanong niya.

"Are you mad?" tanong nito.

"No," sagot niya.

Hinalikan siya nito sa noo at nandoon na naman ang pakiramdam na parang may mga paru-paro sa tiyan niya. Pinagmasdan niya ang mukha nito. Hindi niya maiwasang mamangha sa kaguwapuhan nito. Pakiramdam niya tuloy ay gusto lang niya ito palaging makita at higit sa lahat naaamoy.  Tumayo siya sa kama at taka naman itong tumingin sa kanya.

"Where are you going, baby?" tanong nito.

"Empyerno. Sama ka?" pag tataray niya pa dito.

Gulat itong napatingin sa kanya. Ngumisi siya at dumiretso na sa banyo. Parang hinahalukay kasi ang tiyan niya. Nang makapasok siya ay tumingin siya sa salamin. Hinihintay kung matutuloy ba ang pag susuka niya. Napahawak siya sa counter tap na naroon dahil nakaramdam siya ng pagka hilo.

"Hexxin? Are you okay?" pagkatok ng binata sa pinto.

Hindi siya umimik. Pinikit niya lang ang mga mata ng ilang segundo bago naglakad upang buksan ang pinto. Napatingin siya sa mukha ng binata at bakas do'n ang pag aalala. Umiwas siya ng tingin dito at lumabas ng banyo bago isarado ang pinto no'n. Dumiretso siya sa kama at nahiga na.

"Lumabas kana. Matutulog na ako," sambit niya.

"Dito ako matutulog," tugon ng binata.

"What? Why?" nag tatakang tanong niya.

"Why not? Hindi na ako sanay na hindi ka katabi," nakangising anito.

Humiga ito sa tabi niya. Kinumutan siya nito at ganoon rin ang ginawa nito sa sarili. Hindi siya naging komportable kaya tumayo siya upang pagmasdan ito. Kunot noong tumingin naman ito sa kanya.

"Why? I thought inaantok kana?" pagkuway tanong nito.

Hindi na siya sumagot at muling humiga nalang. Tumalikod siya rito at naramdaman niyang yumakap ito sa kanya. Pumikit siya ngunit kahit anong gawin ay hindi sya dinadalaw ng antok.

KATABI nga niya ang dalaga ngunit pakiramdam niya ay napakalayo nito sa kanya. Yakap nga niya ito ngunit pakiramdam niya ay dumidistansya ito sa kanya. Napabuntong hininga siya saka pinilit itong humarap sa kanya.

"Nag seselos ka ba?" tanong niya.

Nakita niyang namula at nailang. Pinagmasdan niya ang maganda nitong mukha.

"No," sagot nito.

"Then why are you being like this?" tanong niya muli.

"Like what?" nag tataka kunwaring tanong nito.

My Ruthless Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon