GANOON ang naging set up nilang dalawa. Lumipas pa ang mga araw na naging masaya lang si Hexxin. Lahat ng water activity sa resort ay sinubukan nila ni Wyatt. Pansamantala niyang kinalimutan na may girlfriend ito at mag asawa ang mga magulang nila. Gusto niyang i-enjoy ang dalawang linggo na bakasyon, saka na niya iisipin ang consequences ng pagiging masaya nila.
Walang araw na walang nangyari sa kanila ng binata. Halos umaga, tanghali, gabi, o kahit madaling araw ay ginagawa nila iyon. Hindi siya tumatanggi dahil gusto rin naman niya ang pakiramdam. Madalas ng maging sweet si Wyatt sa kanya. Sa nagdaang araw ay palagi silang nanonood ng palabas o kaya naman ay lalangoy sa dagat. Palagi lang silang masaya at hindi niya maiwasang hilingin na sana ay ganoon nalang sila habang buhay. Pero napaka imposible no'n, pagkatapos nito babalik sila sa normal na buhay.
Naisip niya ang pag amin ng binata sa kanya. Nag sabi itong gusto siya nito pero hindi siya naka-react kaya ang ginawa ng binata ay niyakap nalang siya ng mahigpit at sinabing hindi niya kailangan tugunan iyon ng salita kung hindi ganoon ang nararamdaman niya. Natawa siya dahil walang kaalam-alam ang binata na mahal na niya ito. Natakot rin siyang umamin dahil like lang ang nararamdaman nito at hindi love.
Natigil ang pag iisip niya ng may yumakap sa kanya mula sa likuran. Nakaupo siya ngayon sa dulo ng bridge inaabangan ang pag lubog ng araw. Napangiti siya ng yakapin siya ng mahigpit ng binata.
"What are you thinking, baby? Hmm?" tanong nito.
Natawa siya dahil palagi na siya nitong tinatawag sa ganoong endearment. Maski noong nasa mansyon sila ay ganoon ang tawag nito sa kanya. Parang kinikiliti ang puso niya sa sobrang saya.
"Hmm, nothing," tugon niya.
"Bakit palagi mong pinag mamasdan ang pag lubog ng araw?" tanong nito.
"I love sunset more than sunrise. Palatandaan kasi iyon na patapos na ang araw at pwede ka nang mag pahinga sa pagod o sa sakit. Palatandaan din iyon na mapagod ka man sa buong araw ay alam mong meron kang magiging pahinga pagtapos ng nakakapagod na araw. I find it so peaceful and mesmerizing. Minsan palatandaan ko rin iyon na patapos na ang sakit," tugon niya.
"If you love sunset then I love sunrise. That's because alam mong may panibago pang bukas para makapag simula at makabangon ka ulit," wika nito.
Hindi na siya tumugon. Yeah, right. They are like the sunset and the sunrise. Magkaiba ang depinasyon at purpose pero iisa ang hiling.
"You smells so good," at hinalikan pa nito ang leeg niya.
"Sus, palagi mo ng sinasabi 'yan," aniya.
"Because it's true, baby. I can smell you forever," nakangising anito.
"So naniniwala ka sa forever?" tumawa pa siya sa sarili niyang tanong.
Pakiramdam niya ay hindi totoo ang salitang 'forever' hindi dahil sa bitter siya kundi dahil wala naman talagang tatagal sa mundo. Lahat mababago, lahat mapapalitan, lahat luluma, lahat mabubura at lahat mag lalaho. Kahit ang pag mamahal.
Noon natakot na siyang sumubok na mag mahal simula ng lokohin siya ng first boyfriend niya. Sinisi niya ang sarili niya kung bakit siya niloko nito. Dumating pa sa point na dina-down niya ang kanyang sarili. Ilang taon ang lumipas bago siya ulit nagkaroon ng kasintahan. Niloko rin siya nito, ang dahilan ay hindi niya kayang pag bigyan ang gusto nito. Doon siya nag umpisang mapa-isip na kahit anong gawin mong pag mamahal sa isang tao kung sila mismo ay may pagkukulang sa sarili nila na hindi nila kayang punan ay mababaliwa ang pag mamahal mo. Na realize niya na hindi siya ang may kulang, kundi ang mga ex niya mismo na hindi kayang makuntento sa kung ano ang kaya niyang ibigay. Simula noon, hindi na siya nag paligaw pa kailanman dahil sa takot niyang masayang muli ang oras at panahon niya.
BINABASA MO ANG
MY RUTHLESS STEP-BROTHER
RomanceAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...