TOTOO ngang kapag masaya ka mabilis matatapos ang araw. Nakahiga sa kama si Hexxin nakaunan siya sa braso ni Wyatt. Kakatapos lang nilang gumawa ng lagim sa ibabaw ng kama. Sasapit na ang alas dos ng umaga pero kakatapos lang nila. Natatawa si Hexxin dahil wala yatang kapaguran ang binata. Sa halos na araw araw nilang ginagawa 'yon ay hindi pwedeng hindi masusundan ang isang round.
Mamayang hapon ay babalik na sila ng Pilipinas. Hindi niya maiwasang mag-isip na kung pag balik ba nila sa reyalidad ay magiging ganito pa rin ba sila. Kung hindi ay siguradong mamimiss niya ang ka-sweetan at kakulitan ng binata. Sa mga nagdaang araw na magkasama sila ay walang oras na hindi sila naging masaya. Minsan ay puro pag tawa lang ang ginagawa nila habang nag uusap. Kakain at mag iinom ng beer.
Niyakap siya ng mahigpit ng binata at napangiti siya. Hinalikan nito ang noo niya na madalas nitong gawin.
"What are you thinking? Hmm?" tanong nito.
"Babalik na tayo sa Pilipinas mamaya," pabulong niyang bigkas.
"Then?" anito.
"Babalik na tayo sa kanya kanya nating buhay," makahulugang sambit niya.
"What do you mean, baby?" malambing na wika nito.
"I mean matatapos na ang masasayang araw natin," aniya.
Napaayos ito ng higa at hinawakan ang baba niya upang iharap. Nasalubong niya ang mga mata nito. Nagulat siya ng halikan siya nito ng mabilis.
"Don't think too much, baby. Mananatili tayong ganito kahit bumalik pa tayo sa Pilipinas. Wala akong balak na pakawalan ka," anito.
"Sinabi ko na sa'yo diba? Hindi tayo pwede, hindi tayo pwedeng manatili sa ganito," sambit niya.
"Kakausapin ko ang mommy mo," determinadong sambit ng binata.
"What? No way," tarantang aniya.
"Sasabihin kong liligawan kita," muli pa nitong hinalikan ang labi niya. "For now baby, let's sleep," pumikit na ito.
Hindi na siya nag salita. Pinag iisipan niya mabuti ang mga sinabi nito. Liligawan? Sa dami nang nangyari sa kanila hindi niya naisip na posible siyang ligawan nito. Oo, gusto siya nito pero wala itong alam sa nararamdaman niya. Kinakatakot niyang baka kapag bumalik na sila ng Pilipinas ay hindi na siya nito pansinin dahil nakuha na nito ang gusto. Natatakot siyang baka bumalik ito sa ex-girlfriend nito kapag nag sawa na sa kanya.
Noong mga nakaraang araw ang sabi niya ay pagkatapos ng bakasyon ay iiwasan na niya ito. Pinag bigyan niya sariling kagustuhan tuloy ngayon ay ayaw na niyang pakawalan ang binata. Mas hihilingan nalang niyang makasama ito habang buhay sa islang yon kaysa bumalik sa mansyon.
Pinakatitigan niya ang mukha ng binatang natutulog na. Hinawakan niya ang pisngi nito at dumukwang siya para mahalikan ito sa labi. Napangiti siya.
"Ang guwapo mo," mahinang aniya.
Nagulat siya ng bigla siyang nito kabigin at mas isiniksik nito ang katawan sa kanya. Humarap siya rito at nakita niya kung gaano ito kaguwapo sa ngiti nito.
"Ikaw ah, nang nanakaw ka ng halik," pang aasar nito sa kanya.
"Tsk," asik siya.
"Anong sabi mo? Ang gwapo ako? Ganito lang naman magiging itsura ng magiging anak natin. Kaya pakasalan mo na ako," anito.
"Mas guwapo si Ashton kaysa sa'yo," aniya.
"What? Baby, mas guwapo ako kaysa do'n. Tignan mo ako," parang bata itong nag iinarte.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Step-Brother
Storie d'amoreAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...
