CHAPTER 19

1.1K 28 2
                                    

"MOMMY! Bakit mo sinabi kay Wyatt kung nasaan ako?" tanong niya agad ng sagutin nito ang tawag.

[Hi baby! Nandyan na ba si Wyatt?]

"What do you think?" napairap siya.

[Buti nakarating siya d'yan ng maayos. Tinawagan ko si Matthias at kinamusta ko ang byahe niyo. Nabanggit niyang sa iisang cabin kayo matutulog.]

Nag taka siya ng marinig ang pag tili nito. Ipinag sawalang bahala nalang niya iyon.

"Mommy, pauwiin mo na siya," aniya.

[Hinahanap ka niya kasi kaya sinabi ko kung nasaan ka. Hihi, alagaan niyo ang isa't isa, okay? Kahit hindi muna kayo umuwi rito ng isang buwan ay ayos lang. Ako na muna ang bahala sa Sebastian' Garage.]

Hindi na siya sumagot at pinatayan nalang niya ito ng tawag. Sobrang naiinis siya kaya naligo nalang siya.

Kahit natapos na sa pagligo si Hexxin ay inis na inis pa rin siya. Lumayo na nga siya sa binata pero sumunod naman ito sa kanya. Paano niya magagawa ang plano niyang mag move on kung narito ang binata. Naiinis din siya sa mommy niya, bakit nito sinabi kung nasaan siya. Maski nga kay Ria ay hindi niya sinabi dahil baka hanapin siya rito ng binata.

Nag bihis siya ng isang kulay puting dress at sa loob non ay ang kanyang bikini na kulay krema. Nang makapag ayos ay lumabas siya sa banyo at nakitang nakahiga sa kama niya ang binata. Kinuha niya ang unan at ibinato iyon at tumama sa ulo nito.

"Baby..." ani Wyatt.

"Pwede ba? Mag rent ka ng sarili mong cabin. Ayaw kong nandito ka!" sigaw niya.

"No way. Kung nasaan ka nandoon din dapat ako. Ipinagbilin ka sa akin ng Mommy mo," tatawa tawang sabi pa nito.

"At naniwala ka naman? Kaya nga ako umalis ng Pilipinas dahil ayaw kitang makita tapos susundan mo 'ko dito?" asik niya.

Natigilan saglit ang binata at tinignan siya. Pinag aaralan nito ang emosyon sa mukha niya. Tumayo ito sa kama at lumapit sa kanya. Umatras naman siya dahil ayaw niyang lumapit dito.

"Why?" tanong nito.

"Anong why? Basta ayaw kitang makita," sigaw na naman niya rito.

"Tell me. Kapag nalaman ko ang dahilan mo ay aalis ako ora mismo," sambit nito.

"Dahil maling mali ang nangyari sa atin, Wyatt. May girlfriend ka at mag-asawa ang mommy ko at ang daddy mo. Ano nalang sasabihin sa akin ni mommy kapag nalaman niya? Ayaw kong masira ang kasiyahan niya dahil lang sa may nangyari sa atin," wika niya.

"Hindi 'yon mali, Hexxin. Huwag mong pagsisihan ang tapos na. Nagsisisi ka ba na binigay mo ang sarili mo sa akin?" sambit nito.

Napaisip siya. Hindi niya kailanman pinag sisihan 'yon. Kung tutuusin ay naging masaya siya sa sandaling yon. At alam niya sa sarili na kahit kailan ay hindi siya magsisisi. Hindi siya sumagot sa tanong nito. Napayuko siya at pinag pantay ang mga paa.

"Please... Tell me... na hindi mo pinag sisihan," nakikiusap na tinig nito.

"Hindi ko gagawin ang bagay na alam kong pag sisisihan ko rin kinabukasan," hindi niya magawang tumingin dito.

Agad naman nitong inangat ang mukha niya gamit ang dalawang kamay nitong nakahawak sa pisngi niya. Pinag patong nito ang noo niya at noo nito. Tinignan siya nito sa mata at ngumiti. Maya maya pa ay hinalikan siya nito ng mapusok. Hindi na naman niya napigilan ang sarili at tinugunan niya iyon.

Binuhat siya nito at dinala sa kama na naroon. Agad naman itong pumaibabaw sa kanya at sinunggaban na naman ng halik ang labi niya. Ngunit tumigil sila ng may marinig na katok. Napabuntong hininga sila at itinulak niya ang binata para tumayo ito at pag buksan ang pinto. Nang umalis ang binata ay inayos niya ang sarili at napalunok. Tumayo naman siya agad para silipin ang tao sa pinto.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon