WARNING: MATURE CONTENT! READ AT YOUR OWN RISK. NOT SUITABLE FOR MINORS.
NAGISING si Hexxin at napabalikwas bangon siya ng makita ang katabi. Nakayakap na sa kanya ang binata. Nakatulog pala sila habang nanonood ng TV. Humarap siya rito at pinagmasdan ang mukha nito. Napangiti siya dahil sobrang guwapo nga nito.
Naiinis siya dahil sumunod ito sa kanya. Pero hindi niya maiwasang tanungin ang sarili niya kung bakit ito sumunod sa kanya. Napangisi siya ng maalala ang sinabi ng ina niya na hinahanap raw siya nito.
Hinayaan niya lang itong matulog dahil alam niyang pagod ito sa byahe. Bumangon siya at kinuha ang cellphone niya. Lumabas siya sa teresa na naroon at umupo sa gilid ng swimming pool. Nag check siya ng mga mensahe at nireplyan ang mga importante. In-open niya ang mga social media accounts niya. Nakita niyang may message si Ria sa kanya sa IG. Kaya tinawagan niya ito agad. Sinagot naman nito iyon makalipas ang ilang sandali.
"Hello."
[Sismars! Omg, hindi ka maniniwala sa sasabihin ko sa'yo.]
Nagulat siya ng marinig ang sinabi nito. Tumitili pa ito kaya inalis niya saglit ang cellphone sa tainga.
"Tsk. Ano ba 'yon?"
[Nakita mo ba ang IG story ni Wyatt? Omg talaga sis!]
Napakunot noo siya sa sinabi nito.
"Ano ba kasi 'yon?" napipikon na tanong niya.
[Picture mo habang natutulog. Hala, ang sweet niya, sismars!]
"What?"
[Tang ina! Oo nga, sismars, picture mo habang tulog. Hindi mo ba nakita?]
"King ina, magugulat ba ako ng ganito kung nakita ko na?" asik niya.
[Sus. Kayo ah? Nasaan kayo? Kahapon nag text siya sa akin at tinatanong kung nasaan ka.]
"Oh anong sabi mo?"
[Sabi ko hindi ko alam. Nasaan ka nga ba?]
"Tsk. Huwag kana mag tanong."
[Ano 'yan? Honeymoon?]
Humaba pa ang usapan nila ni Ria. Sinabi niya na rin dito na nasa Maldives siya. Nag tampo ito kunwari na hindi raw ito sinama. Pero kinilig rin ng malamang sinundan siya ni Wyatt. Nang matapos ang tawag ay napatingin siya sa dagat. Muli ay napabuntong hininga dahil sa sinabi ni Ria. Tuloy ay chineck niya ang Instagram feed ni Wyatt. Buti nalang ay hindi iyon naka private. Pinindot niya ang profile nito at lumabas doon ang IG story na sinasabi ni Ria. Nagulat siya dahil picture nga niya iyon. May caption pa na 'surprise'. Tinignan niya ang mukha niya. Natatakpan ang kalahati no'n pero kung tititigan mong maigi ay makikilalang siya nga iyon.
Pumasok siya sa loob at tinignan ang binatang nakahiga sa kama niya. Tulog na tulog ito. Lumapit siya sa side table para ilapag ang cellphone niya. Naisip niyang kunin sa service area ang meryenda nila dahil nagugutom na rin siya.
Lumabas siya ng silid at nag lakad sa tulay na naka konekta sa mga cabin na naroon. Nang makarating siya sa service area ay agad niyang sinabi ang pakay. Agad namang umalis ang crew doon para kunin ang basket na nag lalaman ng meryenda nila. Umupo siya sa gilid at pinagmasdan ang mga chandelier doon.
"Hi, Miss," bati sa kanya ng lalaking umupo sa harap niya.
Napatingin siya sa nag salita no'n. Nakita niyang ito rin 'yung lalaking nag pakilala sa kanya.
"Mukhang meant to be tayo, ah? Akalain mong mag kikita tayo ulit?" sambit pa nito.
Hindi na siya nakasagot ng may umakbay sa kanya.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Step-Brother
RomanceAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...
