CHAPTER 8

1.3K 33 1
                                    

LUMIPAS ang ilang oras at naghanda na siya para sa gagawin nila ni Josh mamaya. Ngayon palang natutuwa na siya at gustong-gusto na niyang makita ang mukha ng binata na napipikon. Bumababa siya ng hagdan ng tinawag siya ng katulong dahil may dumating na bisita.

This is it, pancit!

Naglakad siya hanggang sa makarating siya sa sala, nakaupo doon ang magkapatid. Agad siyang nagulat ng tumili si Ria at pumunta sa harap niya upang yakapin siya na napakahigpit. 

"Omg, sis! Namiss kita," sigaw sa kanya ni Ria. 

"Sinungaling! Alam ko tumatakbo d'yan sa utak mo! Akala mo nakalimutan ko na 'yung ginawa mo sa bar?" kumalas ito sa pag yakap sa kanya dahil sa sinabi niya. Tumingin pa ito sa kanya at pinandilatan naman niya ito ng mata. 

"Lasing lang ako no'n! Anyway, bakit mo pinagstay din dito 'yang si kuya?" sa sinabi nito agad siyang napalingon kay Josh at nilapitan ito. 

"What's up?" tumabi pa siya rito ng upo. 

"Dude, baka hindi na 'ko makalabas ng mansyon na ito dahil sa plano mo ha!" sabi sakanya ni Josh.

"Ha? Anong plano? Pa-join naman ako d'yan, solo-solo kayo eh," singit ni Ria.

"Your kuya and I are in a relationship," natawa siya dahil halatang gulat na gulat si Ria.

"What? Kailan pa? Ulol! Ako tigil-tigilan niyong dalawa ha! Alam kong never niyong papatulan ang isa't isa," hindi makapaniwalang sambit ni Ria. 

"I'll tell you later, just play along," ayun na ang huli niyang sinabi. Saka na niya sasabihin kay Ria dahil baka biglang bumaba si Wyatt.

"At pumayag ka naman, Kuya? Ewan ko sainyo! Pareho kayong baliw," ayon lang ang sinabi nito at umalis na papuntang kusina dahil nanghihingi ito ng cake.

Naiwan lang sila ni Josh sa sala at maya-maya pa ay may narinig na silang yabag. Agad siyang humarap kay Josh at hinawakan ang mukha nito upang tumingin sa kanya. Natulala ito sa kanya at saka siya bumulong. 

"I think he's already there, let's start the play." 

Agad naman nakuha ito ni Josh at bigla itong umakbay sa kanya habang tumatawa pa. Ganoon lang din ang ginawa niya na animo'y may pinag-uusapan silang dalawa. Tama nga ang hinala niya dahil bumababa ng hagdan si Wyatt at napatingin sa kanilang dalawa. Tumingin sila sa binata at bakas sa mukha nito ang inis, galit, at selos? 

Umiwas siya ng tingin dito at binalingan si Josh. "Are you hungry, love? Let's go to the kitchen, sundan na natin si Ria dahil baka ubusan ka," pinipigilan niyang matawa dahil baka mahalata sila. 

"Sure , love," pagkasabi nito iyon agad itong tumayo at at inakbayan siya. 

Dumaan sila sa harap ni Wyatt at nginisian niya ito. Nang makarating sila sa kusina nagulat siya ng sumunod ang binata sa kanila. Napabaling siya kay Ria ng malaglag nito ang kutsara. 

"Oh, hello!" bati ni Ria kay Wyatt.

Tumingin lang ito kay Ria at dumiretso na ang binata sa ref at binuksan iyon. Gulat pa siya ng makitang kumuha ito doon ng beer. Sumandal ito sa nakasaradong ref at binuksan ang beer. 

"Ang sabi ni Tita, friend mo lang daw ang pwedeng pumunta rito," nag angat ng tingin sa kanya si Wyatt ng sabihin nito iyon. 

"Ano ngayon kung gusto kong papuntahin rito ang boyfriend ko?" nakapamaywang pa siya ng sagutin niya ang binata.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon