NAGULAT sila pare-pareho nang makita si Wyatt na nag lalakad patungo sa swimming pool at naka hubad-baro na ito, tanging ang shorts nalang nito ang suot. Hindi niya maiwasang hindi pag masdan ang katawan ng binata parang gusto tuloy niya itong halikan.
Nag mag angat siya ng tingin sumalubong sa kanya ang masamang titig nito na akala mo'y may ginawa kang krimen. Umiwas siya ng tingin sa binata at inilapag nalang ang cellphone sa gilid ng lamesa na naroon.
"Akala ko ba ayaw mo mag swimming? Kikilos kana ba, bro?" nakangisi pang sabi ni Ashton kay Wyatt.
"Can you please shut the fuck up?!" asik ni Wyatt dito.
Iiling iling si Ashton habang nakangisi pa. Tumingin ito kay Ria na akala mo'y nag uusap ang mga mata at pareho pang nakangisi. Binalewala niya iyon at lumusong nalang siya sa pool. Napatigil siya sa pag langoy ng makita ang bulto ng katawan ni Wyatt sa ilalim ng pool. Umahon siya at nakita nga ang binata sa harapan niya. Kita pa rin niya sa mukha nito ang inis. Akmang lalampasan na niya ito ng mag salita ang binata.
"What are you wearing? Gusto mo bang pag piyestahan ng mga guwardiya rito sa mansyon 'yang katawan mo?" asik nito.
"Ano bang paki mo? Women can wear whatever they want! Umalis ka nga sa harapan ko, pwede ka namang lumangoy sa kabilang dulo," inirapan niya pa ito.
"Bakit doon, eh nandito ka? Huwag kang dumikit kay Ashton, tsk." bulong nito sa kanya.
Hindi na niya iyon pinansin dahil hindi naman niya nakuha ang ibig sabihin nito. Bakit ba siya pinapalayo nito kay Ashton? Hindi naman siya dumidikit sa binata. Bumaling siya kay Ria at nakita na naman niya ang mapang-asar nitong mukha. Inirapan lang niya ito at saka dahan dahang lumapit dito. Nang makalapit agad naman itong bumulong sa kanya.
"Kayo ah? May bulungan na naganap. Anong pinag usapan niyo, sismars?" humagikgik pa ito.
"Tss. Anong paki mo? Alam mo bagay kayo ni Ashton," nakita niya sa mukha nito ang pagka-gulat nginisian nalang niya ito.
Umahon si Ashton at nakita niyang kinuha nito bola sa gilid. Agad naman siyang nag taka. Bagay nga ito at si Ria parehong loko-loko.
"Guys! Come on and let's play a game," aya nito. Lahat naman sila ay napabaling dito.
"Ano namang gusto mong laruin?" tanong ni Ria.
"By pair kayong dalawa ni ganda ang sasampa sa balikat namin ni Wyatt tapos sasaluhin niyo lang ang bola na parang nagba-volley ball tayo. Bawal malaglag ang bola sa pool kung sino ang makalaglag ng tatlong beses may consequence sila ng pair niya. Ano? G ba?" ngisi pa nito.
Agad namang pumayag si Ria at ganoon din siya. Tinignan nila si Wyatt na parang hindi naman interesado sa laro nila.
INIS na nilingon ni Wyatt si Ashton dahil kung ano-anong kabaliwan ang naiiisip nito. Napabaling siya dito dahil siya nalang ang hindi pa pumapayag. Napabuntong hininga siya.
"Fine. Let's start this shit," sabi niya.
Agad namang tumawa si Ashton dahil hindi siguro nito akalain na sasali siya sa kabaliwan nito.
"Pumayag na siya. Si Ria ang pair mo, Wyatt. Aangkas sa balikat mo si Ria at akin naman si ganda," napabaling siya rito at agad niyang sinamaan ng tingin. Tatawa tawa pa ito.
"No way. Fuck you, Ashton! Kayo ang pair ni Ria, sa akin si Hexxin," agaran niyang sabi.
Lumapit siya kay Hexxin at hinawakan niya ito sa braso. Agad naman niyang nakita ang pag tawa ni Ashton at Ria. Tinignan niya si Hexxin at halatang nagulat ito sa pag lapit niya.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Step-Brother
Roman d'amourAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...
