CHAPTER 11

1.2K 30 2
                                    

MAGLALAKAD na sana si Hexxin ng may biglang pumigil sa kanya. Nakita niya kung gaano kasama ang tingin sa kanya ni Wyatt. Ngayon palang ay naiinis na siya dahil hindi siya makakilos ng walang sumusunod sa kanya. Hindi siya kailaman naging komportable sa presensya ng binata. Hindi niya magagawa ang gusto niya kapag ganito. Tinignan niya ang orasan na nakasabit sa dingding ng kusina na iyon.

7:30 PM? Fuck!

Ilang oras pa niya makakasama ang bwisit na ito. Hanggang bukas pa matatapos ng 10 AM ang kabaliwan na ito. Hindi niya alam kung pinaparusahan lang ba siya ni Ria dahil sa pang-aasar nito o may iba pa itong binabalak kagaya ni Ashton.

Bagay nga ang dalawa. Kingina!

Inis siyang binalingan ang binata na kanina pang tahimik at sumusunod lang sa kung saan siya pupunta. Kanina niya pa napapansin ang pananahimik nito at naninibago siya dahil hindi naman ito tumatahimik kapag nandyan siya. Usually dapat sinisigawan na siya nito pero kakaiba ang kinikilos nito.

"Tumayo ka nga d'yan, iinom ako ng tubig," agad naman itong tumayo at sumunod sa kanya. Ikinabigla niya pa ang pag-sunod nito.

"Oh, hijo at hija, bakit kayo naka posas?" tanong sa kanila ng Manang Lydia ang Mayordoma ng mansyon.

"Consequence po, natalo kami sa laro," siya na ang sumagot dahil wala yatang balak sumagot ang binata at nakatingin lang sa kanya.

"Ganoon ba? Maigi 'yan baka sakaling magka-sundo kayong dalawa," tatawa tawang sabi ni Manang Lydia. "Nga pala nasaan ang mga kaibigan ninyo? Ipapatawag ko na para makapag hapunan na kayo." agad naman nitong tinawag ako isang kasambahay.

Napa buntong hininga siya at tumingin sa binata. Nang maintindihan siguro nito ang kaniyang ibig sabihin ay naglakad na sila patungo sa dining table. Umupo sila sa silya habang hinihintay ang mga kaibigan na pumunta rin doon. Naisip na niyang mahihirapan siyang kumain dahil ang kanang kamay niya ang naka posas samantalang ang kay Wyatt ay kaliwa.

"Mahihirapan akong kumain dahil naka posas ang kanang kamay ko."

"Sige, ikaw muna ang kumain bago ako para hindi ka mahirapan," sabi ng binata sa kanya.

Nagulat siya sa sinabi nito. Halatang may kakaiba sa kinikilos ito mula pa kanina. Nakonsensya naman siya na pag hintayin ito.

"Huwag na, sabay na tayo," tugon niya rito.

"Mahihirapan ka kaya ikaw na muna ang kumain," inis niyang tinignan ang binata dahil ang kulit.

"Ang kulit mo 'no?" asik niya rito.

"Edi susubuan kita kung gusto mong sabay tayong kumain," napamaang siya sa sinabi ng binata. Hindi pa siya nakakasagot ng pumasok na sa kusina ang dalawa nilang kaibigan.

"Kumusta? Mukhang nagkaka-igihan tayo dito ah," tumatawa pang sabi ni Ashton.

Hindi siya sumagot at ganoon din si Wyatt. Tinignan niya ang kaibigang si Ria na nakatingin sa mga kamay nila ng binata na naka posas habang nakangisi pa. Nang umangat ang tingin nito sa kanya ay sinamaan niya ito ng tingin. Tumingin din siya kay Ashton na pangisi-ngisi sa kaibigan nitong si Wyatt habang umuupo sa kaharap nilang silya.

"Let's eat, lovebirds," magiliw pa na wika ni Ria.

Muli niya pang sinamaan ng tingin si Ria pero parang hindi naman ito natatakot.

KANINA pa siya tahimik na nakamasid lang kay Hexxin. Nag simula ng sumandok ng pagkain ang dalawa na nasa harap nila. Kanina niya pa rin napapansin ang pag ngisi ni Ashton sa kanya sigurado siyang inaasar na siya nito sa isip nito. Nasa isip na niya ang gagawin sa kaibigan oras na makawala siya sa pagka-posas nila ni Hexxin.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon