EPILOGUE

1.5K 32 4
                                    

NANATILI siya sa condo unit nila Ria. Kinaumagahan ay hinatid siya nito sa airport. Napag desisyonan niyang umuwi muna sa kanyang rest house. Tatawagan nalang niya ang ina at mag dadahilan nalang.

"Sigurado ka bang kaya mong mag isa?" naiiyak na tanong ni Ria.

"Oo naman. Sanay akong mag isa, remember?" nilapitan niya ito at niyakap ng mahigpit.

"Pwede naman akong sumama sa'yo. Pwede akong mag leave ng ilang days o kahit buwan pa," nakikiusap na tinig nito.

Napangiti siya sa sinabi nito. Mas niyakap niya pa ito ng mahigpit at pinigilang maiyak. Kahit ano talagang mangyari ay palaging nariyan si Ria sa tabi niya. Naisip niyang sobrang swerte niya na meron siyang kaibigan na handa siyang damayan sa lahat ng aspeto ng buhay niya, sa ngayon kasi ay mahihirapan kang makahanap ng kaibigan na totoo.

"Ayos lang, ano ka ba? Hindi ko pababayaan ang sarili ko doon," pag kumbinsi niya pa rito.

"Basta tawagan mo ako agad kapag may nangyari. I-update mo ako kapag nakarating ka na doon. Huwag mo rin hayaan na mawala ng signal ang cellphone mo dahil palagi akong tatawag," tuluyan na nga itong umiyak at niyakap siya ng mas mahigpit.

Napangiwi siya sa pag iyak nito at hindi maiwasang matawa. Papunas punas pa ito ng mata na akala mo ay batang iniwan ng ina.

Sa muling sandali ay niyakap niya si Ria at nag paalam na bago pumasok sa loob ng airport. Naging mabilis ang proseso kaya naka sampa siya agad ng eroplano. Nang makasay naalala na naman niya si Wyatt. Napabuntong hininga siya at pinilit nalang na matulog.

Nagising siya dahil sa announcement. Hindi niya namalayan na nakalapag na pala ang eroplano na sinasakyan niya. Hinintay niya ang instruction bago siya tuluyang bumaba.

Pagkagaling ng airport ay sumakay siya ng taxi at dumiretso na sa port. Naramdaman niyang nagugutom na siya.

Nang makasakay na sa yate na naroon naging mabilis ang pag andar nito. Nang makarating sa kanyang bahay ay nag taka siya kung bakit naka bukas ang mga binatana ng rest house niya.

Kumuha siya ng kahoy at dali-daling lumapit sa bahay. Hahampasin na sana niya ang nag bukas ng pinto ngunit nagulat siya sakaniyang nakita.

"Hi, wifey! Sa tingin mo ba matatakasan mo 'ko?" tanong sa kanya ni Wyatt habang nakangisi pa ito.

"Anong ginagawa mo rito? Sino may sabing pwede kang pumasok sa rest house ko? Alam mo bang pwede kitang kasuhan!" galit na sigaw niya rito.

Ngunit parang baliwala rito, tuloy tuloy itong pumasok sa loob ng bahay at sumunod siya rito.

Taka siyang napatingin sa nilapag nitong papel.

"You need to sign this," ani nito.

Lumapit siya rito at kinuha ang envelope binuksan niya ito at nakita ang laman. Gulat siyang na patingin kay Wyatt ng mabasa ang naka sulat doon.

"Pirmahan mo na dahil wala ka nang kawala sa akin. Sa tingin mo hahayaan kong lumaking walang ama ang anak ko?" ngumisi pa ito.

"Hindi ako buntis!" galit na sigaw niya rito.

"Talaga? Pirmahan mo nalang 'yan dahil hindi ako maniniwala sa'yo. Sinabi ni Ashton sa akin na buntis ka, nalaman niya kay Ria," tumalikod ito upang bigyan siya ng upuan.

Umupo naman siya roon at hindi iwasang tignan ng masama ang binata.

"Bakit naman tayo mag papakasal?Tanga ka ba? Kasal ang magulang natin, that means hindi tayo pwede," inis na sabi niya rito.

"Alam na ng parehong magulang natin ang tungkol sa atin at alam na rin nilang buntis ka kaya pirmahan mo na 'yan," ani Wyatt.

"Hindi naman natin mahal ang isa't isa bakit kailangan pa ng ganito? Pwede naman natin pag usapan ang about sa bata," pag tanggi niya sa alok nito.

"Sigurado ka bang hindi natin mahal ang isa't isa?" tatayo na sana siya dahil unti unti itong lumalapit sa kanya. Ngunit nahawakan nito ang kaniyang pala pulsuhan.

"I love you," nakatingin mismo sa mata niyang ani ng binata.

"W-what?" di makapaniwalang ani niya.

"I love you since the day I first saw you. Please say you love me too," nakikiusap na ani nito.

Hindi niya akalaing dadating ang araw na maririnig niyang sabihin ito ng binata sa kanya. Akala niya lalaking walang ama ang anak niya at habang buhay niya itong itatago.

Tinignan niya maigi ang mukha nito. Ang perpektong ilong nito at ang mata nito. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi nito.

"Totoo ba 'yan?" naiiyak na sabi niya rito.

"I love you," muling ulit nito.

At tuluyan na nga siyang naiyak. Niyakap niya ito maigi at saka bumitaw upang mahalikan ito sa labi.

"I love you too," naiiyak parin na sabi niya.

Pinunasan nito ang luha niya at hinalikan ang labi niya. Umaapaw ang kaligayan sa puso niya at hindi niya malaman kung bakit kilig na kilig siya.

"Akala ko dadaanin pa kita sa haras bago mo sabihin sa  akin na mahal mo rin ako. Thank you for loving me," nakangiting ani nito.

"Tsk. Ngayon humanda ka sa akin dahil lahat ng pang iinis mo sa akin babawi ako!" natatawang sambit niya.

Lumipas ang ilang araw ay nanatili lang sila sa rest house niya. Naging mabilis ang lahat sa araw araw na nakasama niya ang binata ay kailanman ay hindi siya nakaramdam ng lungkot. Nakuntento siya sa buhay niya.

Ganito ang pinapangarap niya noon, doon siya bubuo ng sarili niyang pamilya. Hindi nga niya akalaing si Wyatt ang makakasama niyang bumuo ng pamilya.

Sa lahat man ng sakit na mararanasan mo sa buhay may kapalit iyon. Kailangan mo lang matutong mag hintay at mag tiwala dahil lahat ng deserve mo ay kaniyang ibibigay.

Napangiti siya sa lalaking nasa harap niya na ngayon. Nandoon sila sa tapat ng dagat at hinihintay ang pag lubog ng araw.

"I can't wait to see you wearing your wedding dress. I want you to be the mother of my children. I want to spend the rest of my life with you. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ngayon na nandito ka sa tabi ko at magkaka-anak pa tayo. I will always love you," at hinalikan nito ang noo niya.

Tanging ngiti lang sagot niya dahil sa sobrang saya ng kaniyang nararamdaman hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Mahal niya ang lalaking nasa harap niya at mas mamahalin niya pa kagaya ng pag mamahal na kaya niyang ibigay sa kaniyang magiging pamilya.




WAKAS.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon