NANG makapasok si Hexxin sa mansyon ay agad na sumalubong sa kaniya ang ina. Pinagmasdan niya ang nag aalalang mukha nito at doon niya lang naisip kung bakit siya sinundo ni Wyatt. Hindi nga pala siya nag paalam sa ina niya. Lumaki man siyang hindi madalas kasama ang magulang niya pero hindi niya nakakalimutan mag sabi sa mga ito kung saan siya pupunta at kung ano ang gagawin niya.
"Anak? Saan kaba galing? Hindi ka manlang nag text," sambit ng ina niya.
"Sorry po. I went to Ria's condo," wika niya.
"Kumain kana ba, hija?" tanong ng ama ni Wyatt.
"Yes po," magalang na sambit niya bago tumingin sa ina niya. "Mom, pwede ba tayong mag usap?"
Agad naman itong tumango. Nag lakad sila patungo sa kaniyang kwarto.
"Ano 'yon, anak? May problema ba?" tanong nito.
"Wala, Mommy. Gusto ko sanang pumunta muna ng ibang bansa," wika niya.
"Ha? Bakit? Darling, what's the matter? Ayaw mo ba rito?" nag aalalang tumingin sa kanya ang ina.
"Mommy, walang problema. Namiss ko lang siguro ang mamuhay sa ibang bansa. I mean, gusto ko lang po mag bakasyon."
"Oh my God, anak! Akala ko kung ano na. Okay, saan mo ba gustong pumunta?" nakangiti na ito.
"Sa Maldives."
"Sure, dear. Ia-arrange ni mommy ang flight mo," magiliw na sabi nito.
"No, Mom. Naayos ko na po kanina. Actually sinabi ko lang sa'yo at para makapag paalam rin ako. Bukas na ng 5 AM ang flight ko," wika niya.
"Bakit ang aga naman? Gusto mo bang tulungan ka ni mommy na mag impake?" nakangiting tanong nito.
"Huwag na po. Ako na bahala," ayon lang ang sinabi niya.
Nag usap pa sila ng mommy niya ng tungkol sa mga kung ano-anong bagay bago ito nag paalam at mag papahinga na. Mukang hinihintay na din ito ng bagong asawa at hindi lang sila iniistorbo. Nang makalabas ito sa kaniyang silid ay agad siyang nag impake.
Kanina habang nasa condo siya ni Ria ay napag-isipan niyang umalis na muna at hindi muna mag pakita sa binata. Baka sakaling kapag umalis siya ay mawala ang nararamdaman niya pa rito. Ayaw niyang magulo ang relasyon ng binata at ng nobya nito. Para sa kanya ay ito na ang pinaka magandang gawin. Hindi niya rin alam kung bakit sa Maldives ang napili niyang puntahan. Siguro ay dahil namimiss niya na ang dagat. Mag ii-stay siya sa Maldives ng isang linggo at pag kabalik sa Pilipinas ay babalik na siya sa Palawan. Hindi niya sinabi kanina kay Ria kung ano ang plano niya dahil siguradong sasama ito.
Nang matapos siyang mag imapake ay nilagay niya sa gilid ang maleta. Lumabas siya patungo sa teresa niya. Pinagmasdan niya ang buwan at napangiti siya. Nabawi ang tingin niya rito ng may tumikhim. Tumingin siya sa kabilang teresa at nakita roon ang binata.
"Are you okay?" tanong nito.
"Tss. Why do you care?" asik niya.
"What I mean is, hindi na masakit?" tanong ulit nito.
Doon lang niya napagtanto kung ano ang tinatanong nito. Hindi na ganoong kasakit ang nasa pagitan ng hita niya. Tinignan niya ng masama ang binata at inirapan ito dahil naalala niya ang sagot nito sa kanya kanina na siya ang unang babaeng nakatalik nito na wala pang karanasan.
"Pwede ba, Kuya? Tigilan mo 'ko?" pag tataray niya pa rito.
"What? Pag tapos ng nangyari sa atin kagabi tatawagin mo akong kuya?" hindi makapaniwalang sambit nito.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Step-Brother
RomantikAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...
