CHAPTER 18

1K 27 0
                                    

INIP na inip si Hexxin sa eroplano. Wala kasing direct flight patungong Maldives kaya imbes na 7 to 8 hours lang ang byahe niya ay umabot 'yon ng 10 hours. Hindi manlang siya naka tulog sa byahe dahil laman ng isip niya ang binata. Naisip niya tuloy na kung sana ay sinama nalang niya si Ria ay hindi siya mabobored.

Ngayon ay hinihintay nalang niya ang van na susundo sa kanya patungo sa islang pinili niyang pag stay-han. Medyo nahihirapan siyang makipag-communicate sa mga ito dahil pili lang ang marunong gumamit ng Ingles. Kailangan niya pang mag search kung ano ang kaniyang gustong sabihin. Napatigil siya ng may lumapit sa kanyang lalaki.

"Hi, are you a Filipina?" tanong nito.

"Yes," sambit niya.

"That's nice. May makakausap ako kahit papano," nakangiting sabi nito.

Hindi siya sumagot hindi dahil sa ayaw niya itong kausap pero dahil hindi siya komportableng makipag-usap kahit kanino.

"Are you here for vacation or business?" muling tanong nito.

"Vacation," sagot niya.

"Same here. I'm James and you are?" tanong na naman nito.

"Hexxin," sagot niya ulit.

"Ang tipid mong sumagot ha? May boyfriend kana ba?" tanong nito.

Nagulat naman siya. Ngunit hindi niya inaasahan na papasok sa isip niya ang imahe ni Wyatt. Napailing siya at tumingin sa binatang nasa harap.

"I'm married," aniya.

Nagulat ito at tumingin pa sa mga daliri niya. Hinahanap siguro ang singsing. May suot siyang singsing, bigay iyon ng ama niya. Iyon ang huling binigay nito sa kanya ng mag edad siyang 20. Parehas sila ng singsing ng mommy niya. Personal kasing pinagawa iyon ng ama niya sa kakilala nito. Sinabi lang naman niya na kasal na siya para lubayan siya nito.

"Where's your husband?" tanong nito.

Nag pasalamat siya ng humito ang isang van sa harap niya. Agad namang bumaba ang driver no'n. Pinag masdan niya ang driver at nasisiguro niyang doble ang edad nito sa kanya. Kasing edad siguro ng mommy niya.

"Assalaamu alaikum! Baddhalu vee thi varah uffaveje," nakangiting bati pa nito at inabot ang kamay para makipag shake hands. Hello! How are you?

Kamot ulo siya dahil hindi niya naitindihan ang salita nito. Kinabahan naman siya dahil baka kung ano ang gawin nito sa kanya at baka minumura na siya nito sa sariling salita.

"I'm so sorry, but I don't know how to speak Dhivehi language," nakangiti rin aniya.

"Ma-affu kurey, Madam. I thought you know how to speak our language because your Momma knows how to speak Dhivehi language." sambit nito. I'm sorry, Madam.

"I don't know that my Mom went here," aniya.

"She went here with your father. They are newly weds and they came here to have their honeymoon. I'm also their driver back then and now your Momma called me and she wants me to accompany you," wika nito.

Napangiti siya ng maisip na dito pala nag honeymoon noon ang magulang niya. Posibleng dito rin siya nabuo. Natawa siya sa naisip.

"What's your name, Sir?" tanong niya.

"You can call me Matthias, Madam Hexxin," nag bow pa ito.

Ngumiti siya rito at nag palitan sila ng numero in case na magkaroon ng emergency o gusto niyang pumunta pa sa ibang lugar. Agad naman nitong kinuha ang maleta niya at siya ay pumasok na sa loob ng Van.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon