CHAPTER 13

2K 38 1
                                        

NATAPOS siya sa paglilinis ng kaniyang mukha at nakatingin lang sa kanya si Wyatt. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit naiinis siyang isipin na may nobya na ito. At naiinis din siya kung bakit ang daddy pa nito ang naging bagong asawa ng mommy niya. Pinilig niya ang ulo dahil kung ano ano na naman ang naiisip niya.

Lumabas sila ng banyo at hindi pa rin pinapanasin ang binata. Tumikhim ito at binalingan naman niya ito.

"Mag to-toothbrush ako," sambit nito.

Inis niyang tinignan ito at naglakad siya papunat ulit sa banyo niya. Pagkapasok ay binigyan niya ito ng panibagong toothbrush at inabot pa niya rito ang toothpaste. Nagulat ito sa ginawa niya.

"What?" asik niya.

"Akala ko pupunta tayo sa kwarto ko para makapag toothbrush ako," ngising asong sagot nito.

Hindi na siya kumibo at pinagmasdan nalang ang binata. Totoong guwapo ito, sa lahat siguro ng nakilala niyang lalaki ay kakaiba ang pagka-guwapo nito. Ni kailanman ay hindi siya nagwapuhan sa isang lalaki bukod syempre ang kaniyang ama. Pinagmasdan pa niya kung paano ito mag toothbrush hanggang sa dumapo ang mata niya sa labi nito at napalunok siya. Nag angat siya ng tingin sa salamin at ganoon nalang ang gulat niya ng makitang nakatingin ito sa kanya habang nakangisi.

"Keep your eyes on me," sambit nito bago pinag patuloy ang pag to-toothbrush.

Hindi nalang niya ito pinansin at umiwas na ng tingin. Nang matapos ito ay lumabas na sila ng banyo at hindi niya alam kung anong gagawin niya.

"Matulog na tayo," sabi niya na hindi lumilingon sa binata.

Naglakad naman sila papunta sa kama niya at inayos niya iyon. Nang matapos ay sumampa siya sa kama habang ang binata ay nakatingin lang sa kanya.

"Doon ka sa kanan at dito ako sa kaliwa. "

Agad naman itong sumampa sa kama. Nang makitang ayos na ito ay humiga na siya at kinumutan ang sarili. Tumingin siya sa binata ng makitang nakatingin lang ito sa kanya.

"Ano ba? Mahiga kana," agad naman itong sumunod sa sinabi niya.

Nang makahiga sila ng maayos ay dumapo sa kisame ang kaniyang mga mata. Hindi siya makakilos ng maayos dahil kinakabahan siya. Ni kailanman ay wala siyang nakatabing lalaki sa kama niya maski ang mga naging nobyo niya noon ay hindi niya hinahayaan na tumabi sa kanya sa pagtulog.

Bumaling siya pakaliwa at ganoon nalang ang gulat niya ng biglang mag salita ang binata.

"Nahihirapan ako, nahila mo ang kamay ko," sambit nito.

Nagulat pa siya bago umayos ng higa at tumingin ulit sa kisame. Ramdam niyang sa kisame rin nakatingin ang binata.

"Are you mad?" tanong nito.

Napakunot naman ang kaniyang noo sa naging tanong nito.

"Tss. Saan naman ako magagalit?" balik tanong niya rito.

"Dahil sinagot ko ang tawag ni Micha?" napabaling siya rito dahil sa tanong nitong iyon.

Bakit mo iisipin na galit ako?

"Bakit ako magagalit? Girlfriend mo 'yon at wala akong paki kung sagutin mo man ang tawag niya o hindi," sambit niya.

Ramdam niyang tumingin ito sa kanya. Hindi niya ito matignan pabalik dahil grabe ang kaba niya. Hinintay niyang mag salita ito pero imbes na mag salita ay bumuntong hininga nalang ito. Siya naman ay pumikit nalang at handa ng magpalamon sa antok pero narinig niyang nag salita ito.

My Ruthless Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon