CHAPTER 1

3.3K 47 1
                                    

NAKATULALANG nakatingin siya sa karagatan at iniisip ang mga katagang sinabi sa kanya ng ina bago nito ibinaba ang tawag. Narito siya sa tapat ng bahay bakasyunan niya sa Palawan nag-iisip kung paano mawawala ang pag tatampong nararamdaman niya. Nag pakasal ang ina niya na hindi manlang sinasabi sa kanya, isang malaking kalokohan iyon.

Gusto niya rin namang maging masaya ang Mommy niya pero bakit kailangan nitong itago sa kanya iyon? At nais pa nitong umuwi siya sa Manila para doon na manirahan kasama ang step-dad niya raw.

"Mommy, why are you like that?" pagkausap niya sa sarili.

Isa sa mga rason kung bakit ayaw niya pumunta ng Manila sa kadahilanang ayaw niya ng mausok na paligid, ayaw niya ng traffic at puro buildings lang ang makikita. Mas gusto niyang makakita ng matatas na puno at payapang karagatan kaya mas pinipili niyang dito nalang manirahan sa bahay bakasyunan niya.

Napatingin siya sa papalubog na araw. Muli na namang naalala ang kanyang ama na halos tatlong taon na rin wala sa tabi nila. Iniwan lang nito ang kompanya at siya na ang nag palago ng Sebastian's Garage. Nag iisa lamang siyang anak kaya wala siyang choice dahil sa kanya napunta ang kompanya nito, may tiwala naman sa kanya ang ina na papaluguin pa ang iniwang kompanya ng yumaong ama. Mahilig sa mga sasakyan ang kanyang ama at ganoon din siya.

Napatigil siya sa pag iisip ng may tumawag sa kanya. And that's her secretary.

"Yes? What do you need?" sagot niya sa kabilang linya.

[Good afternoon, Ma'am! May meeting po kayong pupuntahan sa Monday, makakapunta po ba kayo?]

I hate meetings! I hate going back to Manila because that's too toxic! I hate city lights and pollution!

"Yeah, sure, anyway who is it? Sinong ime-meet ko?" iritableng tanong niya.

[Si Mr. Ballejo po, Ma'am. He needs to talk to you first before he buys a car, that's what he said.]

"What?! I don't wanna waste my time for that old man, if he doesn't want to buy a car then don't," naiinis na turan niya. Ang matandang 'yon? Aaksayahin ang oras niya para lang bumili ng sasakyan?

[Sorry po, ma'am, naka-oo na po ako eh, natakot po kasi ako sa mga guwardiya niya.]

At tinakot pa ata ng matandang 'yon ang sekretarya niya? How dare him and his stupid guards?!

"Okay fine, I will be there by Monday. Don't stress yourself too much and do your work. Bye," pag putol niya sa linya.

Yeah right! Life is full of shits sometimes. Pumasok na siya sa loob ng kanyang bahay bakasyunan at nag handa para sa dinner upang makapag-impake na rin siya at makatulog ng maayos.

KINABUKASAN tanghali na ng magising siya dahil hindi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil na rin siguro sa tampo na nararamdaman niya muli na naman kasing tumawag ang kanyang ina kagabi.

[Anak, please? Dito kana mag stay, pumayag naman ang Tito Vern mo na dito ka tumira. Siya pa nga ang nag sabi na dito ka nalang sa mansyon niya kaysa mag-isa ka d'yan sa bahay bakasyunan mo, baka mapaano ka pa.]

"Okay fine, I will stay there for only one month because I have a lot of things to do in our company then after, I will go back here in my rest house," she sighed.

Muli na naman niyang naalala ang sinabi ng kaniyang ina. At hindi siya makapaniwala na pumayag siya.

Aminado naman siyang hindi niya matitiis ang kaniyang ina, kaya napapayag din siya nito at saka isang buwan lang talaga siyang mag tatagal doon at babalik siya agad dito.

Tumayo siya sa kama at dumiretso na sa banyo para maligo. Habang nag susuklay ng kaniyang mahaba at makintab na buhok napa-isip siya kung anong itsura ng bagong napangasawa ng kaniyang ina. May sabit rin ba ito? Ilan ang anak? Hiwalay sa dating asawa?

Naputol ang kaniyang pag iisip ng kumalam ang sikmura niya, kailangan na niyang kumain dahil mamayang ala una ng hapon ang flight niya papaunta ng Manila, and it's Sunday today. She needs to be in her office tomorrow morning.



To be continued.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon