CHAPTER 9

1.3K 31 1
                                    

PUMASOK na siya sa kwarto niya dahil hindi niya mapigilang hindi mainis sa binulong sa kanya ni Ria. Nag paulit-ulit 'yon sa pandinig niya na halos gusto niya ng ihulog ang kaibigan sa teresa dahil sa sobrang inis niya rito. Rinig na rinig niya pa ang pagtawa nito at kinakausap pa rin nito si Wyatt. Pumasok siya sa banyo upang mag hilamos baka sakaling mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Ria.

"Sumagot ka ng maayos, sismars. Obvious ka masyado, eh. Baka kaya ka nagkakaganyan dahil nagkakagusto kana sa step-brother mo?"

Napapikit siya sa sobrang inis dahil muli na namang pumasok sa isip niya ang sinabi ng kaibigan. Masyadong imposibleng magkagusto siya sa bwisit na lalaking iyon. Hindi nga siya makatagal sa isang lugar kapag nandoon ang binata dahil naiirita siya. Ayaw nga niya itong makita at lalong ayaw niyang marinig ang boses nito.

Lumabas siya ng banyo at nakita si Ria na naka-upo sa kama niya habang nakatingin sa kanya at nakangisi. Inismiran niya ito at umupo siya sa bandang dulo ng kama habang binubuksan ang TV. Ayaw niyang marinig ang ano mang sasabihin na naman ni Ria dahil sigurado siyang mang-aasar na naman ito. Nag hanap siya ng papanoorin pero lumipas ang ilang minuto wala parin siyang mahanap na palabas. Napabuntong hininga nalang siya at pinatay ang TV.

"Bakit ka nagkakaganyan? Alam mo, Hexxin, nakakapagtaka ka talaga. Binuksan mo 'yung TV kahit alam naman nating pareho na hindi ka nanonood ng palabas dahil hindi ka nga interesado. Mukhang tama nga ang hinala ko," humalakhak pa ito ng napakalakas. Inis naman siyang binato ito ng throw pillow.

"Walang kwenta 'yang pinagsasabi mo. Hindi ako magkakagusto sa gagong 'yon, okay?" sagot niya kay Ria.

"Bakit ayan agad nasa isip mo? Wala pa nga akong sinasabi." iiling iling pa ito habang tumatawa.

Hindi niya na sinagot ang kaibigan dahil mas lalong hahaba lang ang pag-uusap nila. Bakit ba kasi siya nagpapa-apekto sa mga sinasabi sa kanya ni Ria. Hindi niya gusto si Wyatt at alam niyang hindi niya magugustuhan ang binata kahit kailan. Kung ano-ano lang talaga ang iniisip ni Ria kakapanood ng K-Drama. Palibhasa nasaktan ito sa unang boyfriend nito noong nasa Canada pa sila kaya kinikilig nalang sa love life ng iba.

LUMIPAS ang dalawang araw na hindi umuwi si Wyatt sa mansyon. Halos wala na siyang tulog dahil sa problema ng kumpanya niya. Noong nakaraang araw pa niya itong problema. Bright's Azienda Vinicola, that's the name of his company. Bright is his last name and Azienda Vinicola is an Italian word for winery. They are supplying thousands of club, bar, supermarket, etc,. in sixteen countries. Hindi raw nakarating sa Singapore ang mga wine na pina-deliver ng kompanya niya. Ngayon lamang nangyari iyon. Nade-delay minsan ng ilang oras ang pagde-deliver at ngayon lang umabot sa halos isang linggo ang pagka-delay.

Sumasakit na ang ulo niya kakaisip kung paano nangyari 'yon. Nagpatawag na siya ng board meeting kanina at nakausap na niya ang ilang sa mga tauhan na inutusang mag deliver ng mga wine. Pero iisa lang ang sagot ng mga ito, hindi nila alam. Siya pa ang gumawa ng paraan para ma-deliver ang mga wine sa Singapore. Nakausap niya ang tauhan na pinadala niya doon upang maasikaso ng maayos at ayon dito maayos na na-distribute ang mga wine.

Mabuti at naayos na iyon dahil gusto na niyang umuwi sa mansyon nila para makita na ang babaeng laman ng isip niya sa mga nagdaang araw. Halos walang oras na hindi niya ito naisip. Hindi niya maintindihan ang sarili niya dahil tuwing nakikita niya si Hexxin ay automatic na magiging masaya siya. Gustong-gusto niya tuwing namumula ang pisngi nito kapag nagagalit o napipikon sa kanya.

Napasilip siya sa pintuan ng makitang pumasok doon ang sekretarya niya upang may kuhaning mga papeles sa loob ng opisina niya. Hinayaan niya lang ito. Ramdam na niya noon na may ibang kinikilos ang sekretarya niya. Hindi lang niya iyon pinapansin dahil may tiwala siya rito. Ngunit kanina lang ay aligaga ito kapag tinitignan niya. Oras na nalaman niyang may kinalaman ito sa nangyari ay hindi niya papalampasin iyon.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon