CHAPTER 15

1.1K 30 1
                                    

NAPATINGIN siya sa kisame dahil sa biglaang pag alis ni Wyatt sa kuwarto niya. Hindi niya maintindihan kung bakit nakaramdam siya ng selos dahil lang sa nag madali itong puntahan ang girlfriend nito. Ngayo'y parang nagsisisi na siya sa nangyari sa kanila. Nag taksil ang binata nang dahil sa kanya.

Bumangon siya at napaigik sa sakit. Dahan dahan siyang nag lakad patungo sa banyo. Nang makarating doon ay napatingin siya sa damit na suot. Mukhang binihisan siya ng binata at napangiti siya nang dahil doon pero agad din napawi iyon ng maalala kung saan papunta ang binata ngayon.

Hinubad niya ang saplot sa katawan at dumiretso sa bathtub na naroon. Lumipas pa ang minuto ay natapos na siya sa pag ligo. Nag bihis siya at kinuha ang cellphone at bumababa na.

Hindi na gaanong masakit ang nasa pagitan ng hita niya. Pero tuwing mag lalakad siya ay nahihirapan siya. Umayos siya para hindi yon mapansin ng magulang nila. Nang makababa ay wala pa doon ang magulang nila kaya nag paalam nalang siya sa mayordoma na si Aling Lydia at dumiretso na sa sasakyan para makapunta na sa condo nila Ria.

Nang makarating doon ay nag doorbell siya at gulat na gulat si Ria ng makita siya roon. Agad siyang pumasok at nakitang wala roon ang kapatid na si Josh.

"Hoy, sismars! Anong ginagawa mo dito? Ang aga aga. Namiss mo 'ko 'no?" sambit nito.

"Tsk. Nagugutom ako," wika niya.

Agad naman itong pumunta sa kusina at hinandaan siya ng pagkain. Nang matapos ito ay agad siyang umupo sa silya doon at inumpisahan ng kumain. Hindi niya kinibo si Ria at nagpatuloy lang siya sa pagkain.

Nang matapos siyang kumain ay nag inat siya at niligpit niya ang pinagkainan. Ramdam na niyang gustong mag tanong sa kanya ni Ria. Hinayaan lang niya ito. Pagkatapos doon ay umakyat siya sa kwarto nito at nag unat bago nahiga.

Bumukas ang pinto at pumasok doon si Ria. Pinagmamasdan siya nito. Umupo ito sa kama nito at nag salita.

"May gusto ako itanong. Kanina ko pa napapansin na ang tahimik mo simula ng dumating ka dito sa condo ko. Nag tataka kasi ako bakit bigla bigla kang pumunta dito," sambit nito.

"Mag tanong ka nalang, dami mong sinasabi," asik niya sa kaibigan.

"Ano ang nararamdaman mo para kay Wyatt?" napabaling siya dito dahil sa tanong nitong iyon.

Pero napabuntong hininga nalang siya bago sagutin ito.

"Hindi ko alam," ayon lang ang tanging naisagot niya.

"Hindi naman lingid siguro sa kaalaman mo na nagpapakita na ng interes sayo ang step-brother mo pero bakit hindi mo alam ang nararamdaman mo para sa kanya? Ilang beses ko ng napapansin ang mga titig niya sa'yo sa mansyon ninyo noong mga panahong nag stay ako do'n at sinusunod niya ang mga gusto mo. Naroon pa yung sinubuan ka niya gamit ang kutsara niya pero ang sabi ni Ashton ay ayaw ni Wyatt ng ganoon," hindi siya sumagot sa tanong nito kaya nag salita ulit ito pero hindi niya inaasahan ang sasabihin. "Aminin mo nagkakagusto kana nga sa kanya," wika ni Ria.

Tinignan niya muna ang kaibigan bago siya tumingin sa kisame ng kuwarto nito. Aaminin niyang nakaramdam siya ng selos ng bigla nalang mag madali si Wyatt umalis kanina dahil lang sa nabalitaan nitong naaksidente ang nobya.

Nalilito rin siya sa pinapakita nito sa kanya. 'Yung paraan ng pag halik nito sa kanya ay parang nag sasabi na gusto siya nito. 'Yung paraan ng pag haplos nito sa katawan niya ay parang ayaw siya nitong pakawalan. Pero alam niya sa sarili na malabo nga iyon dahil may girlfriend na ito at worst mag asawa ang mommy niya at daddy nito. Madalas siyang mainis sa binata kaya hindi niya alam kung gusto niya ba ito. Muli niyang tinignan si Ria bago siya sumagot.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon