CHAPTER 4

2.7K 37 3
                                        




TULUYAN na ngang sumama si Wyatt sa kanya. Wala na rin naman na siyang nagawa dahil kusa na itong sumakay sa kotse niya. Pero hindi niya maiwasang hindi mainis, gusto niya kasing mapag-isa ngayon at gusto niya rin ng katahimikan kahit ngayon lang ulit.

"Ito na ang una at huling beses na sasakay ka sa kotse ko. Ayaw kitang kasama nakakabwisit iyang pag mumukha mo!" sigaw niya rito.

"As if naman na gusto kitang makasama? Nakisabay lang ako dahil wala nga akong dalang sasakyan. Kung ayaw mo akong pasabayin edi sana sinabi mo na kanina pa," angil nito.

"Wow, ah? Parang kasalanan ko pa? Eh ikaw 'tong basta bastang sumasakay sa kotse ko!" sigaw niya rito.

"Pwede bang 'wag kang sumigaw? Tss. Pasalamat ka nalang na hindi kita pinapaalis sa mansyon namin!" angil nito sa kanya.

Itinigil ni Hexxin ang sasakyan at saka pinaka titigan ang binata.

Ayaw niya ba ako sa mansyon nila?

"Huwag kang mag alala, Kuya. Isang buwan lang ang itatagal ko sa mansyon niyo," at saka niya ipinagpatuloy ang pagda-drive. Hindi na ito umimik pero sumama ang loob ni Hexxin dahil sa sinabi nito.

Bakit hindi nalang ito ang umalis sa mansyon na iyon? As if naman na gusto ko rin siyang makasama?

Pinagpatuloy niya ang pagda-drive dahil wala rin namang papatunguhan kung makikipag argumento pa siya sa binata. Napabaling siya dito ng mag ring ang cellphone nito, sinagot iyon ng binata.

"Hi, baby! Oh napatawag ka?... I miss you too," tinitigan siya nito at saka gumilid ng konti para siguro hindi niya makita ang reaksyon nito.

May girlfriend na pala ito. Tapos ang kapal ng mukha na basta basta nalang sasakay sa kotse niya. Pano kung bigla nalang makita kami ng girlfriend niya na mag kasama? Anong iisipin no'n, na kabit siya ng gagong 'to?! Ipinilig niya ang kaniyang ulo at imbis na dumiretso sa Mall na u-turn siya papunta sa daan patungo sa mansyon na tinutuluyan niya ngayon.

Natapos ang tawag. Sumilip sa bintana ang binata at takang napabaling sa kanya. "Bakit tayo bumalik? Akala ko ba pupunta ka ng mall, ha?" inis na tanong nito. Imbis na sagutin ito sinamaan niya lang ito ng tingin at hindi na pinansin. "Woy! Ano ba? Sumagot ka nga!" muling sabi nito pero kagaya ng nauna hindi niya parin ito pinansin hanggang sa makarating sila sa mansyo .

Inis na bumaba siya ng sasakyan niya at sumunod naman sa kanya si Wyatt. Nag patuloy siya sa pag lalakad hangang sa maka salubong niya ang Mommy niya. Lumapit siya rito at nakipag beso.

"Hi, Mom," naka ngiting bati niya rito.

"Oh, anak? Bakit ang aga mo naman?" sabi nito at tumingin sa likuran niya napabaling rin siya at nakita ang binata doon.

"Hi, Wyatt! Ang aga mo namang umuwi ata ngayon?" lumapit ang binata dito at humalik din sa pisngi ng ginang.

"Wala naman po akong gagawin sa opisina ngayon at nakipag kita po ako kay ate Seiah," nakangiting tugon ng binata sa kanyang ina.

"Ganoon ba? Eh, kumain naba kayo? Ba't nga pala kayo mag kasama mga anak?" tinignan niya ang ina at hindi mapigilang magulat dahil sa reaskyon ng mukha nito.

Eh kinikilig ba ito?

"Naka salubong ko lang siya, Mommy. Mukha kasing pulubi sa kalye nakakaawa naman kaya sinabay ko nalang," tumingin pa siya muli kay Wyatt sabay irap dito. Muli siyang tumingin sa ginang. "Aakyat na ako sa taas, Mom. Mag papahinga muna ako," bumeso pa siya dito at sabay nag lakad patungo sa hagdan. Napahinto siya sa paglalakad ng muling mag salita ang binata.

"Hindi ko alam na selosa po pala ang anak niyo, Tita," halata sa boses nito na nakangisi ito. Humarap siya ulit at tinaas ang kaniyang gitnang daliri. Gulat na napatingin sa kanya ang binata pero hindi nawala ang pagkangisi nito.

Fuck you!

Umakyat na nga siya sa hagdan at dumiretso na sa kanyang kuwarto.

TATAWA tawa si Wyatt sa isip niya sigurado siyang napikon ang dalaga dahil sa sinabi niya. Bakas sa mukha nito ang pagka-pikon. Muling pumasok sa isip niya ang magandang mukha nito hindi niya maiwasan na mapangiti. Aminado si Wyatt na nagagandahan siya sa dalaga lalo na kapag inaasar niya ito at bigla mamumula ang mukha nito.

Nagpaalam na siya sa ginang at umakyat na sa kaniyang silid. Naririnig niya ang boses ng dalaga sa kabilang kwarto kaya sumilip siya sakanyang teresa at nakita ang dalaga doon sa sarili nitong teresa na may kausap sa cellphone. Nakatalikod ito sa teresa niya at bakas ang inis sa boses nito.

"Puwede naman niyang sabihin na ayaw niyang nandito ako sa mansyon nila, hindi 'yung sasabihin niya pa ako ng ganoon," pagkausap nito sa kabilang linya. Napaisip si Wyatt at naalala niya ang sinabi niya sa dalaga kanina.

Ayon ba 'yung tinutukoy nito sa kausap?

"Guwapo nga siya, Ria, pero ang sama ng ugali niya. Unang araw ko palang dito badtrip na ako sa kanya!"

Natawa si Wyatt sa sinabi ng dalaga. Guwapo daw siya pero masama ang ugali. Pinakatitigan niya pa ang buong likod nito.

Hmm. Mahaba na mapuputing hita, magandang hubog ng katawan, ang pang-upo nitong matambok at masarap lamasin, ang baywang nitong perpekto ang pagka-hulma.

Naramdaman ni Wyatt ang biglang pagka-buhay ng kaniyang alaga. Bumaba ang tingin niya sa kanyang pantalon at pinakalma ang sarili.

Ano bang iniisip ko? Maganda ang katawan niya at mukhang masarap ang kaniyang labi pero hindi pwede ang iniisip ko dahil may girlfriend ako!

Napa-angat ang ulo niya ng biglang mag salita ang dalaga. Tumama ang mata niya sa mga mata nito hindi niya maiwasan tignan ang mukha nito pababa sa mayaman nitong dibdib. Naramdaman niyang mas tumindi ang pag tigas ng kaniyang alaga. Ipinilig niya ang ulo para maiwasan ang tingi nito.

"Anong tinitignan mo sa pants mo? At bakit ka nandyan? Nakikinig kaba?" nagtatakang tanong nito.

Tumikhim muna siya at tumingin sa dalaga. "Bakit wala ba akong karapatan pumunta dito sa teresa ko? Tsk," tumalikod siya at akmang mag lalakad ng mag salita na naman ito.

"You have a nice ass, Kuya!" malakas pa na pag tawa nito.

Lumingon siya rito at kitang kita nito ang pipigil ng tawa. Ngumisi siya at tinitigan ang mayaman nitong dibdib. "You have delectable pair of breast. I can't wait to lick that and pinch your nipple," nakangising tinignan niya ang mukha nito. Namula ang dalaga at halata ang pagkainis, natawa siya ng ituro siya nito at biglang nag martsa papasok sa loob ng kuwarto nito. Tumawa pa siya ng sobrang lakas dahil alam niyang maririnig nito ang pag tawa niya. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at dumiretso ng banyo dahil kailangan niyang ilabas ang kanina niya pa pinipigilan.



To be continued.

My Ruthless Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon