NAGISING siya dahil sa sunod-sunod na katok sa kuwarto niya. Pinilit niyang matulog kanina para makalimutan ang mga sinabi sa kanya ni Wyatt pero ito siya naalala na naman niya. Inis siyang bumangon at binuksan ang pintuan nakita niya doon ang isa sa mga katulong.
"Ma'am, pinapatawag na po kayo sa baba, kakain na raw po," magalang na sabi nito.
"Sige, susunod nalang ako," muli niyang sinarado ang pinto at nag ayos sa sarili. Tumingin pa siya sa wall clock 7:30 PM. Pumasok siya sa banyo at nag hilamos. Muling sumagi sa isip niya ang mga sinabi ni Wyatt at napailing sa sobrang inis.
Psh. Sana wala ito sa hapag.
Pagkatapos ayusin ang sarili ay bumababa na siya ngunit ganoon nalang ang gulat niya ng makita na magana itong kumakain kasama ang mga magulang nila. Padabog siyang dumiretso sa hapag kainan ng marinig nito ang yabag niya saka siya nito tinignan at nginisian.
"Good evening, Mommy and Tito Vern," magiliw na bati niya sa mga magulang at dumiretso na sa tabi ng kanyang ina kung saan nakalagay ang kanyang plato at kubyertos.
"Good evening, hija. Balita ko ay maaga kang nakauwi ayon sa iyong Mommy," nakangiti siyang binalingan ng Tito Vern niya.
Bumaling siya dito at nginitian. "Opo, may ka-meeting lang po ako kanina," ngunit hindi niya inaasahan ang pag sasalita ni Wyatt.
"Tss. Ka-meeting o ka-date? Mahilig ka sa mga oldies," inis na sabi ng binata sa kanya.
"Oh, plase! Kanina ko pa ine-explain sa'yo na gusto nga no'n bumili ng sasakyan. Paulit-ulit ka, Kuya!" medyo pasigaw na asik niya rito.
"Sino ba 'yon anak?" tanong ng kanyang ina.
Sinamaan niya muna ng tingin si Wyatt bago bumalik sa kanyang ina. "Si Mr. Ballejo, Mom. Actually kaya rin ako bumalik ng Manila para i-meet siya."
"See, Tita, nakikipag date ang anak niyo sa matanda," sinulyapan pa siya ni Wyatt bago tumuloy ito sa pagkain. Tinignan niya ito ng masama dahil sa mga sinasabi nitong wala namang katotohanan. Tumayo siya at muling sinulyapan ang binata.
"Alam mo kanina ka pa. Nag seselos ka ba do'n sa matanda na 'yon para paulit-ulit mo ring sabihin 'yan?!" iniwas niya rito ang tingin at sumulyap sa Mommy at Tito Vern niya na nakatingin lang sa kanila ni Wyatt at muli siyang nag salita. "Mauna na po ako sa taas, nawalan na po ako ng gana kumain," at walang lingon-likod siyang pumanik sa engrandeng hagdan ng mansyon na iyon.
Pagkarating niya sa kanyang silid ay nag pupuyos siya sa sobrang galit. Hindi niya maintindihan ang binata at sobrang napipikon na siya. Kung ayaw nitong nasa mansyon siya pwede naman nito iyong sabihin. Hinanap niya ang cellphone niya at tinawagan ang numero ng kaibigan niyang si Ria. Naka-ilang ring lang sinagot na nito iyon.
[Hello, Hexxin? Napatawag ka? Ginugulo ka na naman ba ng step-brother mo?"]
"Yeah. Nasaan ka? Mag bar tayo?"
[Omg, bes! Sure! G ako d'yan! Ang totoo niyan alak na alak ako today.]
Napailing siya. "Sige na, mag ayos kana at gano'n rin ako. Sunduin kita d'yan sa condo mo after 30 minutes. See you!" at pinatay na nga niya ang tawag at dumiretso na sa banyo upang makaligo at makapag ayos.
Suot niya ay isang itim na v-neck strap body con dress na hapit na hapit sa kanyang katawan pinaresan niya iyon ng simpleng high heels at silver na kuwintas. Bumagay pa kanyang pulang pula na labi. Nang makita na maayos na ang kanyang suot ay saka siya bumaba sa hagdan at nakita pa ang kaniyang ina at Tito Vern niya na nasa sala pa at nanonood ng palabas.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Step-Brother
RomanceAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...
