CHAPTER 3

3.1K 53 8
                                        


MAAGA siyang nagising kinabukasan dahil na rin siguro sa kadahilanang pinilit niyang matulog at hindi kumain para maiwasan si Wyatt. Hindi niya kasi gusto ang huling sinabi nito bago pumasok ng tuluyan sa kanyang silid kagabi.

Inihahanda niya ang sarili tuluyan na siyang bumaba ng hagdan upang makakain ng almusal dahil alam niya sa sarili na anumang oras maari ng magising si Wyatt at ayon ang kinakatakutan niya. Posibleng gumaganti ang binata dahil sa pang-aasar niya rito kahapon.

Ngunit laking gulat niya ng makita na nasa hapag na ito at nag uumpisa ng kumain kasama ang ina niya at Tito Vern niya. Nag angat ng tingin sa kanya ang dalawa maliban kay Wyatt na abala pa rin sa pagkain, hindi manlang siya nito sinulyapan o ano.

"Good morning, hija! Hindi ka na namin ginising kagabi dahil baka napagod ka sa byahe. Come here and have a seat beside Wyatt," bati sa kanya ng ina.

Nakaisip na naman siya ng paraan upang makaganti sa sinabi ni Wyatt kagabi. Nag lakad siya papunta sa ina at binati ito ganoon din sa step-dad niya at naglakad papunta sa bakanteng upuan sa tabi ni Wyatt.

"Good morning, Kuya! Hindi mo manlang ba babatiin ng magandang umaga ang kapatid mo?" yumukod siya at hinalikan ito sa pisngi.

Mukhang nagulat ito sa ginawa niya, nginitian pa niya ito lalo upang maasar sa kanya. Tinignan niya ang kaniyang ina at step-dad kung anong reaksyon sa ginawa niya, nakaawang ang mga labi ng mga ito. Binalik niya ang tingin kay Wyatt napa-atras siya ng makita ang pikon nitong mukha. Umupo siya sa tabing upuan nito.

Akmang mag lalagay na siya ng kanin sa kanyang pinggan ng mag salita si Wyatt. "What's good in the morning kung mukha mo lang din naman ang makikita ko?" lumingon ito sa kanya.

"What did you just say?" napipikon na turan niya.

"I don't consider you as my sister. Ayaw kitang maging kapatid. So stop calling me 'kuya'. I'm not your brother," tuluyan na itong tumayo at nag paalam na, papasok pa raw ito sa trabaho.

Masama ang loob niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Alam niyang tinitignan lang siya ng ina niya at gusto na siyang batukan dahil sa mga inasal niya sa binata. Agad niyang tinapos ang pagkain at tumayo upang mag paalam na rin.

NAKARATING siya sa sariling opisina na naka-busangot ang mukha. Agad naman siyang binati ng mga empleyado niya at ang iba ay nagulat pa sa presensya niya dahil alam ng mga ito na bibihira lang siyang pumasok sa opisina at mag stay sa syudad.

"Good morning, Miss Hexxin," bati sa kanya ng sekretarya niya bago siya pumasok sa kanyang opisina.

"Morning. Anong oras ang meeting ko with Mr. Ballejo?" agaran niyang tanong.

"Tumawag po ang sekretarya niya kanina, Ma'am, ang sabi around 10 am daw po. Nag request po siya na sa Cafe de Amore mo siya i-meet," turan ng kanyang sekretarya.

Nainis siya sa narinig, napaka-demanding naman ng matandang iyon. Inaaksaya nito ang oras niya. "Bakit kailangan doon pa? Masyado niyang sinasayang ang oras ko," napayuko bigla ang kaniyang sekretrya na para bang humihingi ng paumahin

"Tell his secretary that I will come and exactly 10:00. I want his boss to be there. I won't wait for him, his wasting my time," tuluyang na siyang pumasok sa opisina at inumpisahan ang pag re-review ng bagong sasakyan na ilalabas nila sa susunod na buwan.

Lumipas ang ilang oras at tumingin siya sa kaniyang relong pambisig. It's nearly 10 in the morning. Kinuha niya ang maliit na salamin at tinignan ang sarili. Nang makitang maayos naman ay tuluyan na siyang lumabas ng opisina. Napatingin pa sa kanya ang sekretarya. Lumapit siya sa lamesa neto.

My Ruthless Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon