CHAPTER 7

1.4K 33 1
                                    

LUMIPAS pa ang mahabang oras at nag gabi na. Iniisip niya palang na makikita na naman niya ang binata ay kinakabahan na siya. Lumabas siya ng kwarto dahil kanina pa siya tinatawag ng mga kasambahay upang kumain na. Pagkababa niya palang ng hagdan ay nakita na niya ang binata doon na nakaupo. Tinarayan niya ito ng mag angat ito ng tingin sakaniya. Umupo siya sa tabi ng kaniyang ina. Napabaling siya ng mag salita ang Tito Vern niya. 

"Hija, aalis kami ng Mommy mo bukas pupunta kami ng San Francisco para sa honeymoon namin." tumingin siya sa asawa ng kaniyang ina. Nakita niya pa sa gilid niya na kilig na kilig ang ina niya. 

Napabuntong hininga siya at ngumiti rito bago sumagot. "Ilang days po kayo mag stay roon?"

"Mga two weeks, anak. Kaya kayo muna ni Wyatt ang maiiwan dito sa bahay. Nakapagbilin naman ako kay Wyatt, alagaan niyo ang isat-isa." ang ina na niya ang sumagot. 

Hindi siya nakapagsalita at tumingin sa harapan kung nasaan ang binata. Nakangisi na ito sa kanya na akala mo'y may masamang binabalak. 

"Mommy kung wala ka naman dito I can stay at Ria's house." ayaw niyang makasama ang binata sa halos dalawang linggo na wala ang kanilang mga magulang. 

"Anak, pwede mo namang papuntahin si Ria dito at dito kayo mag stay habang wala pa kami." hinawakan pa ng ina niya ang kamay. 

"She's afraid of me, Tita," napahalakhak pa ang binata sa sinabi nito. Tumingin siya dito at inirapan. 

"Of course not, tsk. Wag ka ngang epal, Kuya," inis na sabi niya. 

"Oh, nag aaway na naman kayo. Wyatt Alexander, lagi mo nalang inaasar ang kapatid mo." dahil sa sinabi ng step-dad niya pareho pa silang nasamid ng binata. 

What? Kapatid? Iw. 

Binilisan niya nalang ang pagkain para maka-akyat na sa itaas. Iniwasan na niyang tignan ang binata dahil hindi siya nagiging komportable sa pag sulyap nito sa kanya. 

KINABUKASAN ay hinatid nila ang mga magulang sa airport. Kanina pa siya gusto ng umalis doon dahil kung ano-ano na ang binibilin sa kanya ng ina na akala mo ay hindi pa ito sanay na hindi sila magkasama. Halos sa dalawang taon na pananatili niya sa Palawan bibihira lang sila magkita ng ina. Doon ito tumitira noon sa mansyon nila ngunit ng makapag-asawa ulit ay tuluyan na ngang binenta ang bahay na iyon. Wala namang problema sa kanya dahil hindi rin naman siya lumaki roon. Lumaki siya sa Canada kung nasaan ang kaniyang lola. Bibihira lang talaga niyang masakama ang ina pero kahit ganoon hindi naman ito nawala sa mga importanteng kaganapan sa buhay niya.  

"Anak, mag ingat kayo ni Wyatt ha? Papuntahin mo nalang si Ria sa bahay." hinalikan pa nito ang pisngi niya at yumakap sa kanya. 

"Huwag na kayo mag-away lalo na kapag nasa hapag. Dalawa nalang muna kayong kakain roon baka mag-away pa kayo. Wyatt, fix your problem as soon as possible. Natawagan ko na ang ate Seiah  mo nasabi ko na rin siya na muna ang bahala sainyong dalawa. Bibisita raw siya bukas o sa sunod na araw," sabi ng Tito Vern niya. 

Ngunit napaa-isip siya sa sinabi ng step-dad niya na problema raw ng binata. Hindi ito mukhang namomroblema. Sinulyapan niya ang binata at nakitang nakatingin pa ito sa kanya. Umiwas siya ng tingin dahil baka mahalata ng kanilang magulang.  

"Wyatt, take care of my baby. Okay?" nakangiting bilin pa ng ina sa binata. 

"No worries, Tita. I'll take care of her," napabaling siya sa binata at kinindatan pa siya nito. 

Take care of me? Is he serious? 

Nagpaalam na nga sa kanila ang ina at ng mawala ang dalawa sa paningin niya pumasok na siya sa sasakyan na dala nila. Doon siya umupo sa passenger seat dahil ayon naman ang puwesto niya kanina at ang driver ay si Wyatt.

MY RUTHLESS STEP-BROTHERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon