"FUCK! This is wrong, Wyatt," ayon lang ang nasabi niya at iniwan na ang binata sa kusina.
Tatlong araw na ang nakalipas simula ng mangyari ang ang eksenang 'yon sa kusina. Hanggang ngayon ay pinag sisisihan niya pa rin dahil alam niyang mali, dahil may girlfriend ito. Pero kahit alam niyang mali hindi mawala sa isip niya kung gaano kasarap humalik ang binata at hanggang ngayon nararamdaman niya pa rin ang malambot na labi nito.
Tatlong araw na rin ang nakalipas simula ng huli niyang makita si Wyatt. Umalis raw ang binata ng kinaumagahan ayon sa mga katulong ng minsang mapadaan siya sa kusina at marinig ang pinag uusapan nila. Hindi na siya nag tanong pa kung bakit ito umalis dahil baka kung ano pang isipin sa kanya ng mga katulong. Napadpad siya sa swimming pool ng mansyon at umupo sa gilid ng pool at nilublob ang mga paa. Iniisip niya kung nasaan ang binata at kung pinag sisisihan rin ba nito ang nangyari.
Malamang, Hexxin. Umalis nga eh!
Inisip niya kung malaman kaya ng mga magulang nila ang nangyari, malamang magagalit ang mga iyon. Kahit hindi sila magka dugo mali pa rin dahil una, may girlfriend ito at pangalawa mag asawa ang Mommy niya at Daddy nito. Hindi 'yon pwede dahil mag step-sibling sila. Napayuko siya at napahilamos ang mga palad sa mukha.
Gusto na niyang umalis sa mansyon pero hindi pa natatapos ang isang buwan na napag usapan nila ng ina. Nakaka isang linggo palang siya rito baka mag tampo iyon kung mag aalsa balutan man siya ngayon. Nag isip siya ng pwedeng gawin kung sakali mang umuwi ang binata sa mansyon pero kahit anong isip niya walang pumapasok sa utak niya. Napabalikwas siya ng may marinig na tawa napabaling siya sa likuran at nakita ang binata doon kasama ang isang lalaki. Napatigil din ang dalawa sa pag lalakad ng makita siya. Tumayo siya at akmang mag lalagpasan ang dalawa ng mag salita ang kasama nito.
"Hey, ikaw yung nasa bar doon sa BGC 'di ba?" napabaling siya sa binatang nag salita. Iniisip kung nakita na niya ba ito. "Hindi mo ata ako natatandaan. I'm Ashton, ako 'yong nag pakilala sa'yo doon sa bar counter kaso bigla kang umalis. Remember?" natatawa pang sabi nito.
Napatingin siya kay Wyatt at nakita niyang bakas sa guwapo nitong mukha ang pagkainis. Napabaling siya sa kasama nito at sumagot. "Yeah, I remember. I'm sorry kung bigla akong umalis. Nice meeting you, anyway." ngumiti siya rito at muling sinulyapan si Wyatt bago nag lakad papasok sa mansyon at dumiretso sa kanyang kuwarto.
Napahawak siya sa dibdib dahil hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ngayon niya lang ulit nakita ang binata at pakiramdam niyang natutuwa siya at namimiss niya ito. Pinilig niya ang ulo dahil sobrang mali ng iniisip niya. Hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.
UMAALIS na ang bestfriend niyang si Ashton pero ito pa rin siya sa gilid ng pool. Lumipas ang tatlong araw na hindi siya umuuwi ng mansyon nila dahil pinipigilan niya ang sarili dahil baka mas higit pa sa halik na iyon ang magawa niya kay Hexxin. Tumayo siya at pumasok sa kanyang kuwarto dumiretso siya sa kanyang balkonahe para silipin kung naroon ba ang dalaga. Nang makitang wala ito ro'n dumungaw siya para silipin ang loob ng kuwarto ng dalaga pero tinigil niya ang pag silip ng hindi ito makita dahil baka mahulog pa siya.
Tumunog ang cellpone niya at agad niyang kinuha iyon nang makita kung sino ang caller inis niyang sinagot ito.
"Baby, I'm sorry. Please don't do this to me."
"Do what? Micha ikaw ang may gusto niyan. " inis na sagot niya.
Nang araw na nakita niya si Hexxin na papaalis kausap niya noon ang kanyang girlfriend na si Micha Baller. Nakikipag hiwalay ito sa kanya dahil hindi niya nasunod ang gusto nito. Gano'n naman ito palagi halos hindi na nga niya mabilang kung ilang beses itong nakipag break sa kanya pero palagi rin naman itong bumabalik kapag napapansin na nitong hindi na niya ito tinatawagan. Pinapasunod siya nito sa New York para makapag bonding sila ngunit hindi pwede dahil nagkaroon ng problema sa opisina niya at kailangan niyang gawan ng paraan 'yon ora-mismo. Pero nainis siya dahil hindi ito naintindihan ng kasintahan. Hindi sila madalas mag kita nito dahil palaging busy ito sa shooting pero naiintindihan naman niya iyon.
BINABASA MO ANG
My Ruthless Step-Brother
RomanceAll her life she only wants three things and that includes her mother's happiness, a peaceful life and travel around the world. For Hexxin Amanadayle Sebastian that all she needs but what about her soon to be step-brother? Would he ruin her life? R1...
