CHAPTER 12

2K 40 2
                                        

HANGGANG sa mag simula ang pelikula na kanilang pinapanood ay hindi pa rin maiwasan ni Hexxin na sulyapan ang binatang katabi niya. Halos gusto na niyang lumipat ng upuan dahil ang lakas ng kabog ng dibdib niya sa ginawa nito kanina. Hindi siya makapag focus sa pinapanood. Muli siyang bumaling dito at mas trumiple pa ang kabog ng kaniyang dibdib ng makita na nakatingin din ito sa kanya. Siya ang unang nag iwas ng tingin.

Hindi ko yata kailanman matatagalan ang mga titig mo.

Para siyang kinakapos ng hininga. Pinilit niya ang sarili na manood nalang. Kumuha siya ng chips na nasa ibabaw ng lamesa. Hinatiran sila ng mga kasambahay ng snack kanina at may beer itong kasama. Ayon ang iniinom ng mga kasama niya sa silid. Hindi siya uminom dahil kapag nalasing sila ni Ria baka kung ano pang mangyari dito at hindi niya pa mabantayan.

"Bakit hindi ka umiinom?" bulong sa kanya ni Wyatt.

Napalingon siya sa mga kasama na naroon pero nang makitang nakatutok pa rin ang atensyon ng mga ito sa palabas. Bumaling siya sa binata at nakatitig na naman ito sa kanya na para bang kinakabisado nito ang reaksyon ng mukha niya.

"Hindi ako pwedeng malasing kapag kasama ko si Ria," bulong niya rin dito sabay iwas ng tingin.

"Nandyan si Ashton siya ang bahala kay Ria," bulong naman sa kanya ni Wyatt.

Para silang tanga dito na nag bubulungan habang ang mga kasama ay tutok ang atensyon sa palabas. Muli niyang tinignan ang binata at umiwas ulit siya ng tingin.

"Hindi ko pwedeng ipagkatiwala ang kaibigan ko kahit kanino man, kahit kaibigan mo pa," mahinang sambit niya.

Napatingin siya sa palabas at doon lumabas ang mukha ng serial killer. Napalundag siya nang biglang sumigaw sa gulat si Ria. Napabaling siya kay Ashton at tatawa tawa ito sa naging reaksyon ni Ria.

Hula niyang lasing na si Ria dahil sobrang baba ng alcohol tolerance nito. Hindi ito basta bastang natatakot sa mga palabas o nagugulat. Mas gusto pa nga nito na manood ng horror movies kahit ito lang mag isa. Kaya pinagmasdan niya maigi ang kaibigan.

Lasing na nga ang gaga. Paano kita maaalalayan, naka posas ako. Hindi nag iisip!

"Ang ganda mo," tumaas ang balahibo niya sa katawan ng marinig ang bulong sa kanya ni Wyatt.

Lasing na rin ba ito?!

"Anong pinagsasabi mo d'yan ha? Lasing kana rin ba?" mariing bulong niya.

"Baka 'yung kaibigan mo ang lasing?" ngumisi pa ito.

Hindi na niya ito sinagot at bumaling nalang siya sa harapan pero hindi nakaligtas sa paningin niya ang pag ngisi ni Ashton habang nakatingin sa kanila ni Wyatt. Ipinag sawalang bahala nalang niya iyon.

Lumipas pa ang minuto hanggang sa naging oras. Natapos nila ang palabas. Agad namang tumayo si Ashton para patayin na ang TV. Akala niya ay pwede na silang matulog pero mukhang may naisip na naman ito.

"Tutal maaga pa naman, let's play a game." ani nito.

Kung ano-ano nalang ang naiisip nito. Parang hindi nawawalan ng lakas. Si Ria naman ay sumang-ayon bigla. Isa pa ito, lahat nalang ay sinasang-ayunan. Kapag natalo na naman siya rito at may consequence na naman lulunurin niya talaga si Ria.

NAKAMASID lang si Wyatt sa paligid niya. Nag-aya na naman kasi ng laro si Ashton. Ipinagtataka niya na hindi pa rin ito umuuwi. Wala namang kaso kung sa mansyon ito matulog. Madalas itong naglalagi doon kahit nga wala siya ay doon ito natutulog. Si Ashton ay isa sa mga best friend niya noong college siya. Sa pito pa nilang kaibigan ay ito ang madalas niyang kasama.

My Ruthless Step-BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon