Jordan
Hindi ko alam ang nasa isipan ngayon ng mahal na hari , kung bat nangyare to pero ngayon naguguluhan na talaga ako.
Tinawagan nya ko kanina mula sa palasyo .. para pagmadaliing pumunta sa palasyo at ng makarating ako ay hindi pa mn ako nagsasalita ay pinangunahan nako ng mahal na hari.
"Anak sya nga pala si Miss Jas ang anak sya ni Ministro Sony, ipinapakilala ko sya sayo para iyong maging asawa"
"Pa ano?"
Nakita ko nmn ang babae na humarap sakin .
Oo maganda at sexy sya pero kahit tingnan ko pa sya ay hindi manlang ako namangha sa meron sya.
"Alam ko anak na mabilis ang naging desisyon ko pero ito ang ikabubuti ng kaharian, dahil kung ikakasal kayu ni miss jas ay mas maraming kapanalig na mga tao ang magtitiwala sa pamamahala mo sa bansa. Ako nmn anak ay magreretiro na sa araw ng kasal mo para nmn ay makapagpahinga naren ako." Sabi ng ama ko pero tila may hindi sya sinasabi . Halata sa kanya ang pangamba ng mga sinasabi nya. Ano ba ito.
"Hi im Jas Moren, well im a model from a france and dad just told me na ikakasal ako sa prinsipe kaya nagpunta agad ako dto" sabi ng babaeng nasa harap ko at lumapit ito sakin para yakapin ako.
Gusto ko sana sya pigilan sa paglapit sakin pero ang hari ay nagsenyas saakin . Na wag
" Ahm .. ako si prince Jordan nice to meet you" maikli kong bati sa kanya, wala akong masabi sa ngayon. Dahil talagang napipi ako sa mga nangyayare.
Marami pang naging usapan ang hari at si Jas , ako namn ay oo lang ng oo kung ano man ang sabihin nila.. maya maya ay may biglang pumasok sa kwarto .. oo sya nga si Janjan.. ang dapat lang na mapangasawa ko.
Alam ko na hindi ko pa man sya mahal ay napakahalaga na nya skin.. ano bang dapat kong gawen. Hayyys
Janjan
Nakatulala paren ako sa babae .. pero ng magising ako ay agad nako nagsalita.
" Ah ganun po ba, hi ako po ai Janjan taga paglingkod po dto sa palasyo kamahalan" wika ko sa babae
"Ah ganun ba . Good magaling at mabilis kang matuto haha" tawa nmn nito . Tila yata iniinsulto ako nito .
"Mahal na hari mauuna napo ako, kailangan ko pong ipabalita kay ama ang plano at magandang balita tungkol sa kasal, paalam mahal kong prinsipe( at lumapit ito kay jordan sa muka para halikan sya sa labi, pero nakita kong d tumugon si Jordan dto) byee"
Lumabas na nga ang babae at naiwan kaming tatlo sa loob ng kwarto ng opisina ng hari.
Nakita ko si Jordan na humarap sa ama nya at nakayukom ang mga kamay.
"Pa .... ANO TOH!!" galit na sambit ni jordan alam kong kanina pa nya ito kinikimkim..
"Anak para ito sa ikabubuti ng lahat, dahil kapag nakapagpakasal kayu ay mawawala ang kahihiyan sa ating pamilya, ayoko namng maging isang bading ang susunod reyna ng bansa.. ano nalang ang iisipin ng iba pang bansa.. makinig ka Crown Prince. magpapakasal ka sa ayaw at gusto mo maliwanag ba.. at ikaw Janjan pagkapanganak mo ay iiwan mo bata dto sa palasyo . Wag ka mag alala palalakihin nmn ang bata ng maayos dahil ang anak mo ang susunod kay jordan sa posisyon bilang hari.. at ikaw aalis ka s palasyo ng walang nalalamn tungkol sa pamilyang ito .."
Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig , anong sinasabi ng hari . Anong nangyare sa mabait at mapagkalingang hari na nakilala ko nitong mga nakaraang araw.
Oo hindi nga ako siguro babae, kaya wala ako karapatan sa korona ng reyna pero ang insultuhin ang pagkatao ko ay masakit sakin un.
At anong sinasabi ng hari na kukunin nila ang anak ko malayo sakin hindi ako papayag..
" Mahal na hari mawalang galang napo pero tumututol po ako sa inyong desisyon para sa aking anak, hindi nyo po makukuha sakin ang anak ko" maiyak iyak kong sambit sa hari pero kita den sa mata ng hari na nagpipigil ito ng luha. Pero ang imusyon ng muka nya ay matigas..
"Ito na ang desisyon ko .. at wala na katung magagawa ako ang hari ng bansang ito .. at susundin nyoko." Sambit ng ngayoy matigas ng puso ng hari.
Huhuhuhu
" Hindi , ikaw nga ang hari pero hindi ako susunod sa iyo. Tara na Jan, " kita ko ang galit ni Jordan sa kanyang mga mata.. hinila nya ko palabas ng kwarto para mag punta sa aming silid..
Huhuhuhuhu..
Hi Readers.
Sana magustuhan nyo ung plot hehe ..
follow nyo po ako plsss lab you❤️
BINABASA MO ANG
The Royal Gay Couple
RandomAng kwento ng aksidenteng tadhana para sa isang bakla na si Jan, at sa isang maharlikang tulad ni Crown Prince Jordan. Ang aksidenteng babago sa kanilang mga buhay. Ang aksidenteng hindi pangkaraniwang mangyayari. Pano kung mangyari ito. Matatangg...
