Chapter 46

1.5K 67 6
                                    

Samantalang sa buhay namn ni Calex.

Calex

Ako nga po pala si Calex Reyes Ibanez, 7 taong gulang ko na .. pero ni kahit kailan ay hindi ko pa nakikilala ang tunay kong mga magulang..

Sinabi lang sakin ni Nanay Julia na wala na daw ang mga magulang ko .. kaya namn sobrang lungkot at inggit ko sa iba na may mga tunay na magulang.

Pero maswerte paren talaga ako kase, nandyan si tatay ben at nanay julia. Napakabait nila sakin..

Ngayon nga nasa Ika unang baitang nako sa mababang paaralan ng Baguio Elementary School..

"Oh calex, asan na yung baon mo" wika ng aking kaklase na si Junio.

"Ah baon ba, ano kase eh walang naihandang baon ang nanay julia ko kanina, kaya siguro magtitiis muna ako ng gutom.."

"Ganun ba, oh heto hati nalang tayu sa tinapay na nabili ko sa panaderya kanina"

Inabutan nya ko ng isang piraso ng tinapay..

"Salamat junio, pasensya kana kung laging ikaw ang nahihingan ko ng pagkain kapag oras na ng Recess ha"

" No kaba wala yun "

"Sge ubusin nanaten , mag sisimula na mamaya ang klase".

Mahirap lamang ang buhay namn dto sa baguio ni Nanay Julia at Tatay Ben.

Si Nanay Julia ay naglalako ng mga kakanin, at si tatay Ben namn eh nagtatanim ng gulay sa lupain nmn saka binibenta o kaya dinadala sa palasyo.

Nakapunta nako minsan sa palasyo pero hindi ako pinapasama ni nanay julia sa loob sa hindi ko maipaliwanag na dahilan..

Dumating ang oras ng uwian..

"Oh Calex, mauuna nako kita tayu bukas ha"

"Sge Junio, bukas ulit salamat kanina sa tinapay.."

Tumakbo na si Junio sa kanyang daraanan..

Masayang masaya ako ngayon sapagkat may maganda akong balita kay nanay..

"Nayyyy!!" Sigaw ko sa labas ng aming bahay..

"Oh, ano baga yoon Calex at sumisigaw ka.. dalian mo at mag bihis ka na muna sa loob.. at kakain na tayu" wika ni nanay .. sinunod ko namn sya agad para masabi ko na sa kanya ang aking magadang balita..

Pagkatapos ko magbihis ay dumiretso nako sa kusina para kumain ng hapunan..

"Oh calex, kumain kana .. ito oh nagluto ako ng Tinola na paborito mo.. "

" Nako ka inay, niluto mo nanamn ba ang manok ni tatay ben, nako lagot ka.."

" Ano banmn ka Calex, syempre hindi ko na gagwen yun, alam mo namn na nung huling ginawa ko yun eh hindi umuwe ang tatay ben mo.. hahaha"

"Oo nga nanay haha.. "

"Ano ang inyong pinagkakatuwaan .. tila narinig ko ang aking pangalan kanina ah "

"Wala tatay ben ... Haha"

"Oh maupo kana, at kakain na tayu.."

Masaya naming pinagsaluhan ang pagkain nmn..

"Ahm nanay julia ito po" inabot ko sa kanya ang papel na kanina ko pa gusto ibigay .

"Oh anak, antaas ng marka mo ha.. nakoo .. antalino talaga ng anak ko haha.. "

" Oo nga ano haha. Nagmana talaga sakin ang bata to ah"

"Ano Ben haha.. ni hindi mo nga maisulat ang pangalan mo eh.. ahahahahaha"

"Oo nga hahahahahahhaa"

Masaya kaming palagi sa aming tahanan .. pero sana makilala ko man lang ang aking ina at ama. Siguro ay mas magiging masaya nako ..

Direk

Ako si Direk ang Prinsipe ng Bansang Pilipinas..

Anak ni Haring Jordan at Reyna Jas.

Hindi ko alam kung bakit ganoon nlng ang galit saakin ni ama. Ni minsan ay hindi nya ako pinakitaan ng pagiging ama.. lagi nya akong pinapalo at sinasabihan ng d maganda..

Tok** tok** tok**

"Direk, buksan mo nga itong pinto" rinig ko sabi ng ama ko.. tila galit nanamn ito.

"Pa bakit po, natutulog napo ako"

"Ano itong nasa Pagsusulit mo.. bakit mababa ang marka.. hindi kaba nag aaral ng mabuti.. ano ang yung ginagawa at ganito ang yung marka.. hindi ganto ang magiging Hari ng palasyo.."

"Papa patawad, patawad papa huhu"

"Hmmp . Hindi ko alam kung anak ba talaga kita..."

Maya maya ay dumating si Ina..

"Ano bang nangyayare dto.. Jordan anong ginagawa mo kay direk.. "

"Pagsabihan mo yang anak mo.. "

"Simula ngayon ay hindi kana papasok pa sa Eskwelahan.  Simula ngayon ay dto kana sa bahay mag aaral.. hindi ka naren aalis dto.. tandaan mo yan Direk.. "

"Huhu papa wag papaa" pagmamakaawa ko kay papa..

Umalis namn sya agad..

"Anak tahan na.. halika sa kama mo.. dba sinabi ko sayu na galingan mo sa pag aaral.. nahihirapan kaba sa Eskwelahan.. "

"Ina patawad kung hindi ako matalino.. hindi ko kase talaga kaya ang mga aralin sa eskwelahan.. "

"Ays lang yun, o sya matulog kana bukas malamig na ulit ang ulo ng Papa. Okay .. tulog na "

Mabait sa akin ang aking ina.  Lagi nya akong pinapatahan sa pag iyak ko at lagi nya akong sinasamahan ..

Pero sana pati ang aking Ama ay ganoon ren sa akin. Sana balang araw ay maging mabait na saakin ang amang hari..

.
VOTE AND FOLLOW ME..

The Royal Gay CoupleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon