Peng
Nasa pagtitipon ako ngayon dto sa palasyo para pag usapan ang magiging Posisyon ko sa emperyo..
Hindi man daw ako Anak ng inang Emperatris ay may karapatan den akong pamunuan ang aming Emperyo..
Maya maya ay dumating na ang mhal na hari at ang asawa nito na si Emperatris Sungkyo. Kasama ren nila si inang Emperatris..
"Ina mabutit nakarating den po kayu sa pagtitipon, Mahal na Emperador mhal na Emperatris.. maraming salamat sa pagdalo."
"O sya simulan nanaten ang pag uusap na ito.. " wika ni kuya..
"Maupo ang lahat" wika namn ni ina.
Pagtapos ay nagsalita ang tagapagsalita ng plasyo..
"Ngayong araw na ito, ay pag uusapan ang pagtaas sa posisyon ni Prinsipe Peng.. kasama ang mahal na hari at mga ministro dto sa palasyo ng Ming.. ngayon ay sisimulan na ni Ministro Jung ang pagbibigay basbas sa prinsipe.."
"Mahal na hari, malugod kong ibinibigay kay Prinsipe Peng ang pamumuno sa Sandatahang Militar Bilang Admiral kasama si Heneral Michael. Dahil ito sa nakita naming galing sa pakikipaglaban at kakayahan ng Prinsipe sa paggamit ng ibat ibang Armas mapa sandata man o baril.. sya ay Fleet Admiral Peng kung inyo pong mamarapatin ito kamahalan.. "
Wika ni Punong Ministro Jung, isa sa pinaka mapagkakatiwalaang ministro ng emperyo..
"Ngayon ay si Ministro Cy namn ang magpapahayag ng kanyang basbas sa mahal na prinsipe"
"Ako bilang Ministro ng Kagawaran sa Pagsisiyasat.. ay binibigyan ko ren po ng kapangyarihang pamunuan ni Prisipe Peng ang aming kagawaran sa kadahilanang sya po ay may aking galing sa paglutas at pag hahanap ng solusyon sa mga problema maging sa mga krimen ng ating Emperyo.. "
Wika ni Ministro Cy, isa sa itinuturing kong tiyo.
" Susunod ay si Ministro Samon "
"Mahal na hari, akin pong bibigyang kapangyarihan si Prinsipe peng na maging Isang magitin na pinuno ng Kagawaran ng Pananalapi at Yaman ng ating Emperyo.."
"Ngunit ministro Samon, dba ito ay pinamumunuan na ni Lady Shen.. bakit ibinibigay mo pa kay Peng ang pamumuno rito.. "
Lady Shen isa sa mga walong asawa ng emperador..
"Sapagkat nalaman namn na nagkakaroon ng Korapsyon sa pamahalaan ng Pananalapi, pumasok ka Miss Wendy... Si miss wendy po ay mula sa kagawaran ng pananalapi sinabi nya saamn ang pag uutos sa knya ni Lady Shen na Bawasan ang mga yaman ng emperyo at ilipat ito sa kanyang pangalan.. yun po ay malaking pagtataksil at pagnanakaw sa emperyo mahal na Emperador.."
Nagulat ako sa naging kwento ni Ministro Samon.. Hindi maaring maging mag nanakaw si Lady Shen. Isa syang mabait at mapag kakatiwalaang babae ng Emperador. Hmm tila ay may mali sa mga pambibintang na ito..
"Saka nanatin lulutasin ang Problemang yan ngayon.. ang susunod.. si Lady Goum .."
"Ako po mahal na hari ang tagapag turo at namumuno sa kagawaran ng pagluluto at pangkalusugan .. ay binibigyang pahintulot si Prinsipe Peng na pamunuan ang Kagawaran ng Pagluluto at Pangkalusugan sa buong Emperyo.. dahil ito sa kanyang Angking galing sa pagluluto at Panggagamot.. tunay ang kanyang talento sa larangang ito kamahalan.. "
Wika ni Lady Goum.. napakabait at Mapagkumbabang tiya..
Ngayon ay tapos na ipahayag ng mga Ministro at Lady ang kanilang pahayag sa kapangyarihang ibibigay sakin ng Mahal na Emperor..
"Kung gayon, ay binabasbasan ko si Prinsipe Peng Bilang Tagapamahalang Pangkalahatan ng Emperyong Ming.. kayat susundin nyo ang anumang utos mula sa kanya pagkat sa araw na ito ay ang utos nya ay utos ko rin.. palakpakan ang mahal na Prinsipe Peng.. "
"Magbigay pugay sa kamahalan.. "
"binabati namn kayu , Prinsipe Peng.. mabuhay kayu kamahalan"..
Bati ng mga ministro..
"maraming salamat sa responsibilidad at tungkulin na ibigay ninyo sa akin. Hayaan nyo at ako ay magiging mabuting pinuno sa lahat.. "
Natapos ang ceremonya . Ngunit ako ay nababahala paren sa Problemang pumasok sa palasyo..
Lalong lalo na sa pangbibintang kay Lady Shen..
Agad kung pinuntahan si Empress Sungkyo para kausapin sya dto.
" empress, gusto sana kita makausap"
"Ako ren, Peng tila mali ang bintang nila kay Shen.. talagang mananagot sa akin ang gumawa nito.. "
" Kamahalan kung mamarapatin nyo ay ako ang gagawa ng pagsisiyasat sa palasyo tungkol dto.. ikaw namn ay hanapin mo si Shen . Maaring may hindi sya sinasabi at dapat mo syang tanungin dahil ikaw lamang ang kanyang lubos na pinag kakatiwalaan mahal na empress. "
"Siguro nga Peng. O sge gawen nanaten.. "
Naghiwalay na kami ni Sungkyo .. sya ay pumunta sa silid ng mga Babae ng Emperor .. at ako namn ay nagbihis na pangkaraniwang tagapagsiyasat ..
Pumunta ako agad sa Pamahalaan ng Pananalapi..
"Magandang araw, ako si Jung in pinadala ako dto upang hanapin ang ulat sa buwis ng bansang englatera at Pilipinas.."
Tila ay kinabahan ako sa huling bansa na aking nabasa.. ano ang saan ko ba narinig ang bansang ito..
"O sge pumasok kana" wika ng gwardyang nagbabantay.
Wag ka mag alala Lady Shen .. Makakaligtas ka dto.
Mahina po talaga net ko sorry . Bukas nako mag update ulit..
vote ang Follow mee😊
BINABASA MO ANG
The Royal Gay Couple
De TodoAng kwento ng aksidenteng tadhana para sa isang bakla na si Jan, at sa isang maharlikang tulad ni Crown Prince Jordan. Ang aksidenteng babago sa kanilang mga buhay. Ang aksidenteng hindi pangkaraniwang mangyayari. Pano kung mangyari ito. Matatangg...
