Nag lalakad-lakad ako ngayon dito sa buhangin kung saan maraming cottages na naka hilera. Papalubog na ang araw at damang-dama ko ang ihip ng hangin na medyo maalat dahil sa dagat.
Kanina, pinuntahan ko yung pinapatayo kung bahay na nasa likuran lamang ng bahay ni Lola. Malapit na rin naman siyang matapos, Siguro mga dalawang buwan nalang kung tuloy tuloy ang pag papagawa.
Kunti lamang ang tao ngayon dito kaya sobrang tahimik. Hindi rin kasi ganon karami ang nakatirang mga pamilya na nandirito. May ilang mga bakasyonista na nandoon sa ilang cottage at may ilan naman mangingisda na papunta nang laot para mangisda.
"Hiyaah!" agad akong napa tabi dahil sa nag mamadaling kabayo na dumaan sa harapan ko.
"The fuck!" I cursed.
Tinignan ko ng masama ang lalakeng nakasay dito na hindi manlang lumingon pabalik. Tsk. Anong klase? Nangangabayo ba naman dito sa may buhangin? Pinagpagan ko ang suot kong pajama na may kunting buhangin dahil sa lakas ng takbo ng kabayong iyun.
Nag madali akong nag lakad papuntang bayan kung saan nandoon ang mga bahay ng mga tumitira dito.
"Manang, si Lola po?" tanong ko kay manang na nag lilinis ng kusina.
"Nag papahinga na. Andon sa kwarto nya. Kumain ka na muna." tumango ako at agad na kumain na sa lamesa. Kasabay ko si manang na kumain at kwento siya nang kwento tungkol sa kay Lola na palagi nalang daw gustong matulog.
"Manang, may tanong ako." sabi ko nang tapos na siyang mag kwento.
"Sino po yung lalakeng na ngangabayo don sa may buhangin?" tanong ko. Dati naman kasi walang kabayo dito tapos ngayon meron na. Matagal nga akong nawala dito sa isla.
"Ahh yun ba? Si John yun. Anak ng katabi natin." inisip ko muna kung alin yung katabi ng bahay ni Lola. Mag kalayo-layo naman kasi yung bahay dito.
"Yung mansiong malaki?" tanong ko. Yun lang naman kasi ang pinakamalapit na bahay dito.
"Oo yun nga." tumango tango ako.
Kinaumagahan, maaga akong umalis sa bahay para mag jogging. Hindi gaano karami ang mga bahay dito kaya magandang mag jogging dahil na rin sa maraming puno na naka palibot at magandang simoy ng hangin. Naka suot ako ng V-neck shirt at leggings tsaka rubber shoes.
Habang tumatakbo, marami nang mga matatandang kapitbahay ang gising na at nag kakape sa labas ng kanilang bahay. Hindi rin nakalampas sa mga mata ko ang paparating na kabayo, pero hindi gaya ng pag papatakbo niya kagabi na sobrang bilis. Ngayon, halos parang may ibuburol sa sobrang bagal ng pag lalakad ng kabayo.
Tumigil ako sa harapan ng kabayo ngunit hindi ako gaano lumapit dahil baka bigla nalang itong mag wala. Tiningnan ko ang nakasakay dito. Tinaasan niya ako ng kilay. Aba! Sinubukan niyang idaan sa gilid ko yung kabayo ngunit hinarangan ko ulit ito.
"Can you please step aside?" the man ask.
"Can you say sorry first?" tanong ko pabalik at tinaasan rin siya ng kilay.
"Sorry for what?" mahina akong tumawa. Tsk. Really?
"For yesterday. Muntik mo na akong masagasaan ng kabayo mo dahil sa sobrang bilis ng pag papatakbo mo. Nalagyan pa nga ng buhangin ang damit ko." now, mas lalo niya pang tinaas yung kilay niya. What the!
"I didn't ride a horse yesterday." sabi niya at nginisian ako. Ako ba pinagloloko ng lalakeng ito?!
"Really? But its the same horse that I saw yesterday."
"Then, I'm not the same rider." he said calmly.
"You can just say sorry you know. You don't need to make a lie." I said and smirked at him.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...