Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil hinintay kong tawagan ako ni Kienn o kahit text manlang.
Pero sumikat nalang ang araw at walang dumating.
Tsk. Nag dududa nga ako kung ibinigay ba talaga ni John ang number ko eh!
Hayst! Nasayang lang yung kakahintay ko kagabi!
Kakatapos ko lang mag breakfast kaya nandito ako ngayon sa veranda, naka tambay. Sumusulyap sa labas baka mamaya makita kong dumaan si Kienn.
Malay mo nakabalik na pala siya kaya hindi na siya tumawag.
Ayoko munang pumunta sa mansion nila baka si John nanaman ang madatnan ko doon at kumulo nanaman ang dugo no'n sakin eh, maging kasalanan ko pa!
At dahil sa pagkabored ko kinuha ko muna ang cellphone sa kwarto at bumalik ulit sa veranda.
Tinawagan ko si Janine para naman may kadaldalan ako at hindi masayang ang oras ko sa pag tunganga dito.
Si Lola at Manang kasi andon sa bakuran. Nag ga-gardening. Haayy, ang mga matanda talaga.
Naka ilang ring na ako ngunit hindi sumasagot si Janine. Un-attended daw kuno.
Ano naman kaya pinaggagawa ng babaeng yun.
Sunod kong tinawagan si Grace. Kaibigan namin ni Janine na isa ring weirdo.
"Yeoboseyo?" agad akong napa irap nang sagutin ni Grace ang tawag ko.
Isa siyang k-drama and k-pop fan. Sa sobrang addict niya ay ginagaya niya na rin ang mga lengwahe nito. At ang huling balita ko sa kaniya ay nag-aaral siya kung paano mag sulat in korean.
"Yeoboseyohin mo yang mukha mo!" pasinghal kong bati sa kaniya. Tsk.
"Unnie galit ka nanaman?" niliitan niya pa talaga ang boses niya! Letse!
"Ayusin mo yang pananalita mo ha! Para mag kaintindihan tayo!"
"Mianhae." inikot ko ulit ang mata ko. Hayyysstt.
Hindi na ako nag salita at pinatay ko na ang tawag. Walang kwenta.
Alam niya naman na na bwe-bwesit ako kapag nag sasalita siya ng korean eh! Wala akong ka alam-alam diyan.
Nag ring ang cellphone ko at ang pangalan ni Grace ang naka register dito.
Papatayin ko nalang sana kaya lang na awa naman ako. Minsan lang kami non mag kausap sa cellphone dahil madalas ay busy siya sa k-drama niya.
Hindi rin siya madalas bumisita sa New York kaya halos matagal na rin noong huli kaming mag kita.
"Siguraduhin mo lang na maayos iyang pananalita mo!" banta ko agad sa kaniya.
"Eto naman! Minsan na nga lang tayo mag kausap ginaganyan mo pa 'ko. Isa nalang talaga at mag seselos na ako sa inyo ni Janine." nag tatampo pa siya sa lagay niyang 'yan.
"Baliw ka kasi eh! E lugar mo naman kasi 'yang lengwahe mo! Tanda-tanda na nito nagdadalaga parin diyan sa mga koreano!" singhal ko sa kaniya.
"Bwesit! Makatanda naman 'to! Hoy mas matanda ka sakin ng isang buwan! Tandaan mo iyan!" tumawa nalang ako dahil sa sinabi niya.
"Oo na tumahimik ka na nga! Busalan ko 'yang bibig mo eh!"
"Sooooo, nandito ka na nga sa Pilipinas?" tanong niya. Outdated kasi itong gaga.
"Oo noong isang araw pa! Nandito ako sa isla!"
"Ba't ngayon mo lang sinabi sakin?" pag tatampo niya.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...