Halos hindi rin ako naka focus sa pinapanood namin. Text nang text si Kienn sakin mula ng pinatayan ko siya kanina. Makikinood daw siya ng balitang pinapanood ko. First time nya raw makakanood ng balitang umu-ungol kung sakali. Halos murahin ko siya sa mga text niya sakin. Ang lakas mang asar!
"Anong gagawin natin mamaya?" tanong ni Janine. Kumakain kami ngayon ng breakfast.
"Ewan. Mamayang gabi pa naman tayo pupuntang club." sagot ni Grace.
"Swimming kayo?" alok ko sa kanila. Sabay silang umiling.
"Kakaligo lang namin kahapon. Baka mangitim ako." sabi ni Janine.
"Kayo. Kung ano ang gusto niyo." sabi ko sa dalawa.
"Visit your house." si Grace.
"Hindi pa tapos 'yun. Maybe a week or two?" sabi ko at tumayo na para kumuha ng tubig.
"So, anong gagawin natin ngayon?"
"Hindi mo naman sinabi na nakaka boring naman pala dito." si Janine. I laugh at her.
"Maglibot kayo sa isla kung gusto niyo. Isa-isahin nyo ang mga kapit bahay para iwas bored." suggest ko sa kaniya na ikinasimangot niya.
"Let's watch a movie again?" umirap ako sa suggest ni Grace. Fuck them! Pinahamak ako ng ungol nila kagabi eh!
"Let's try horror movie naman." si Janine.
At iyun nga ang nangyari, mag hapon kaming nanood ng horror movies. Wala kaming ginawa kung hindi ang mag sisigaw.
"What's better?" tanong ni Janine sakin. May hawak siyang dalawang fitted skirt. Ang isa ay black with white glitters around it. Yung isa naman ay red na nag fe-fade pababa.
"The red one." turo ko. She nodded.
I just wore a bodycon backless mini dress na kulay black paired with black stiletto with grey fur. Kinulot ko muna ang dulo ng buhok ko at tinali ng high ponytail para kitang-kita ang likod ko.
Si Grace ay naka tube top dress na maroon. As of Janine, she's in mini skirt na pinili ko sa kaniya kanina, naka white tube top siya na hanggang sa taas lamang ng pusod kaya kita ng slight ang tummy niya.
At dahil wala namang trycicle or anything dito na pwedeng sakyan ay nilakad lang namin papunta sa may club. Hindi kasi maluwag ang kalye dito dahil nga nasa isla kami. Malapit lang naman kaya nakarating kami kaagad.
Nag iisa lang ang club dito kaya talagang dinadayo ito ng mga turista. Maraming taong nag sasayaw na sa dance floor. Sobrang malikot na rin ang ilaw. Karamihan na naririto ay mga turista, either from other islands na malapit or from here talaga. Hindi naman kalakihan ang bar pero may second floor ito. Tumingala ako at nakita ang iilang tao sa second floor. Naka palibot kasi sa itaas ang balcony tapos sa gilid non ay may mga round tables.
Mas marami parin ang tao na naririto sa first floor, mas lalo na sa dance floor. Siksikan na ata sila doon.
"San tayo?" tanong ni Grace.
"Sa taas?" suggest ko.
"What? No! Kunti lang ang tao don kaya, kunti lang rin ang chance na makakakita ako ng gwapo!" tanggi agad ni Janine. Bumuntong hininga ako.
"Fine. Dito nalang." sagot ko at nag lakad sa bakanteng table na nasa malapit. Mabuti nalang at meron pang bakante.
Naupo na ako sa isang couch, sa sofa naman si Grace.
"Where's Janine?" tanong ko.
"Kumuha ng drinks. Hard drinks." sagot niya. Tumango nalang ako at pinalibot ang tingin sa paligid. Matagal-tagal na rin akong hindi nakapag club. Bihira lang naman kasi akong pumuntang bar sa New York.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...