CHAPTER 3

3 0 0
                                    

"Winter! Kain na tayo!" tawag sakin ni Lola mula sa kusina. Agad naman akong nag tungo sa kusina para makakain na.

"Ba't tanghali ka na nagising?" tanong ni Lola.

"Naka limutan ko po kasing e-set yung alarm." sabi ko at nag simula nang kumain.

Hindi ako naka jogging kanina dahil nga tanghali na'ko nagising. Hindi kasi tumunog yung alarm 'yun tuloy. Di ko nakita si Kienn kanina. Baka nangabayo 'yun.

Nag madali ako sa pagkain at nag paalam kay lola at manang na pupunta sa pinapatayo kong bahay.

Nilakad ko lang papunta doon dahil malapit lang naman.

May ilang trabahante na nagta-trabaho na ng bahay ko.

"Good morning Miss." nginitian ko yung engineer na namumuno sa pag papatayo ko ng bahay. Binigyan nya ako ng hard hat.

May hawak siyang malapad na papel kung saan naka print out yung bahay na gusto kong ipatayo. Isa siyang kilalang Engineer dito sa Pilipinas.

Hindi naman super laki yung ipinapatayo kong bahay. Hanggang dalawang palapag lamang ito pero may maliit na pool sa gilid ng bahay. Meron ring maliit na fountain at maliit na green house. Halos karamihan ay salamin na see through dahil 'yun ang gusto ko.

"Umm...Engineer ilang buwan po ito bago matapos?" pagkausap ko sa Engineer na nasa malapit.

"Give us two and a half month miss. Malapit na rin naman. Medyo hindi kasi madali yung pag angkat ng mga materyales dahil nasa isla po tayo." tumango-tango ako. Atleast malapit na rin.

"Hey Dad." napatingin ako sa bagong dating na lalake.

And, It's John.

"Ba't mo ko pinapunta dito?" tanong ni John sa Engineer and it's his father.

"Bantayan mo muna ang mga trabahador. May meeting kasi ako, don't worry hindi ako magtatagal. Ikaw na muna bahala." sabi ni Engineer kay John at tumingin sakin.

"Miss Sallow, ang anak ko muna ang pansamantalang mamamahala dito. Don't worry licensed Engineer siya. Importante lang kasi, hindi naman ako aabutin ng dalawang oras." ngumiti ako sa Engineer at nag sabing okay lang at nag madali na siyang umalis. Mukhang importante nga.

Tinignan ko si John at siya na ngayon ang may hawak ng tracing paper na naka tupi ng pabilog.

"Hey!" tawag ko sa kaniya. Hindi niya kasi ako pinansin kanina.

Tinignan niya lang ako ng isang beses at ibinalik ulit ang mga mata sa harap kung saan nag sisitrabaho ang mga trabahador.

"Hmm, sorry about your shirt last time." sabi ko, ngunit 'di parin nya ako tinitignan. Hayst.

"Nasa inyo ba si Kienn?" tanong ko. Pupuntahan ko kasi si Kienn maya-maya.

"Why? You two are friends already?" he ask me this time with his so uncomfortable gaze.

"Uhh I guess?" hindi rin siguradong sagot ko. I really don't know.

"Wala siya sa bahay." sagot niya.

Tatanungin ko pa sana siya kung nasaan si Kienn kaya lang, nag lakad na siya papalayo sa akin.

Napabuntong hininga nalang ako at ipinalibot ang paningin sa bahay.

Nanatili pa ako nang dalawang oras at napagpasyahan kong pumunta sa mansion nina John. Nag babakasakaling nandoon na si Kienn.

Nag doorbell ako ng dalawang beses at bumukas naman agad ang gate.

"Uhh, hey." awkward kong bati kay John. Siya yung nag bukas ng gate. Hindi ko alam na umuwi na rin pala siya.

"Why are you here?" tanong niya ng naka taas ang isang kilay.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon