Ilang beses namin tinawagan si Janine, hinanap na rin namin siya sa club. Inisa isa rin namin ang mga cottage sa tabing dagat pero hindi namin siya makita.
Isang text lang ang na tanggap namin sa kaniya. Pagkatapos, hindi na namin siya ma contact.
From: Janine
Mauna na kayong umuwi. Don't wait for me.
That is her last text. Hindi niya sinasagot ang tawag namin.
Napag desisyonan namin ni Grace na umuwi nalang. It's already one in the morning.
Nag shower lang ako at nag bihis ng pang tulog. Kumuha ako sa kwarto ng dalawang unan at kumot, dinala ko ito sa sala.
To: Janine
Just knock kung nandito ka na.
Text ko sa kaniya. I didn't lock the gate para makapasok siya, dito na rin ako sa sala matutulog para may mag bukas ng front door for her.
Nag hintay ako ng ilang minuto pero hindi siya nag reply. So I decided to sleep in sofa.
Nagmamadali akong inabot ang phone na nagri-ring. Nahulog pa ito sa mesa dahil sa pagmamadali ko.
"Hello? Janine!" agad na sigaw ko sa kabilang linya.
"It's me." hindi boses ni Janine ang narinig ko kaya nilayo ko muna sa tenga ko ang cellphone para tignan kung sino ang caller. It's unknown.
"Who's this?!"
"Landon." kumunot ang noo ko. Why is he calling me?
"Bakit?"
"Open the damn door." iritang sabi niya. Door? Mabilis akong tumayo at pumunta sa pintuan. I open it.
"Janine!" nilapitan ko agad si Janine. Hawak siya ni John para suportahan sa pagtayo. Tinapik tapik ko siya pero ngumiti lang siya sakin, nakapikit parin.
"Is she drunk?" tanong ko.
"Is it not obvious?" pinukulan ko siya ng masamang tingin.
Niluwagan ko ang bukas ng pinto so they can enter. Inayos ko ang unan sa sofa para doon nalang mahiga si Janine.
"Bakit kayo magkasama? San kayo galing?" tanong ko agad nang maihiga na namin si Janine.
"Pake mo?" supladong sabi niya at walang paalam na umalis. Hindi ko na siya pinigilan dahil wala naman akong makukuhang impormasyon sa kaniya.
Naupo ako sa katabing couch. Tulog na tulog na si Janine. Kinumutan ko siya at pinatayan ng ilaw. Alas kwatro na ng umaga. Pumunta akong kwarto at doon nalang natulog ulit. Hindi ko naman kayang buhatin si Janine mag isa papuntang kwarto niya.
Alas onse na nang magising ako. Hindi na muna ako nag shower at nag mumog nalang. Naabutan kong tulog parin si Janine sa sofa ng sala. Si Grace naman ay nasa kusina, umiinom ng kape. Umupo ako sa harap niya at kumain ng tinapay.
"Sina Lola?"
"Garden." sagot niya. Tumango ako at tumayo muna para mag timpla ng kape.
"Kelan alis nyo?" tanong ko.
"Mamayang two." babalik na silang Manila mamaya.
"Naka empake kana? Gisingin ko na si Janine baka malate kayo." sabi ko, tumango siya sakin. Inilapag ko muna ang kape ko sa mesa at nag puntang sala.
Tinapik ko siya sa balikat.
"Wake up." sabi ko at tinapik tapik pa siya.
"Putangina!"
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...