CHAPTER 6

2 0 0
                                    

"Then, you're flirting with me." I said, as if it would change.

"Stop being sarcastic." he look pissed.

"I'm not." sabi ko at umalis na.

Mag isa akong nag lalakad pabalik ng bahay. Medyo basa pa yung shorts ko ganon rin ang damit kong see through.

Wala naman akong magawa dahil wala naman akong damit na ipampalit. Malapit na rin naman akong makauwi.

Mas lalo ko pang binilisan ang pag  lalakad.

"Hey!" It's John. Papasok palang siya ng gate ng kanilang mansion.

Hindi ko sana siya papansinin kaya lang na realize ko na mali iyon. It's being rude.

"What?" sabi ko at niyakap ang sarili ko dahil ang lamig na talaga.

"Where is my cousin?"

"Nasa cottage pa ata." sagot ko. He nodded and take off his jacket.

"Here." mahinang binato niya sakin ang jacket at pumasok na siya sa kanila.

Agad kong pinulot ang jacket ni John na nahulog dahil hindi niya manlamang binigay ng maayos.

Pinagpag ko muna ito bago isinuot sa sarili.

Agad akong pumasok ng bahay at dumeretso sa banyo para mag shower.

Wala akong balak na kumain dahil busog pa naman ako. Nag paalam nalang muna ako kina Lola na mauuna na akong matulog.

Alas nuwebe na akong nagising kaya agad akong lumabas ng kwarto at nag punta sa kusina. Naabutan ko si Manang na nag huhugas na ng kinainan nila ni Lola.

"Akala ko nag jogging ka." sabi ni Manang. Kumuha ako ng baso at nag salin ng tubig.

"Kagigising ko lang po eh." sagot ko.

"Asan si Lola?"

"Andon sa bakuran." tumango ako at nag simula na mag breakfast. Agad din naman akong natapos.

Ako na ang nag hugas ng kinainan ko at nilinis ko ulit ang mesa.

Naligo muna ako bago ako pumuntang bakuran. Nakita ko doon si Lola na nag didilig ng kaniyang mga halaman.

"Morning La." I greeted her. Kinuha ko sa kaniya ang pandilig at ako na ang tumapos niyon.

"Kamusta swimming nyo kahapon?" tanong niya habang naka upo sa bench.

"Okay lang po." Kahit nag kasagutan kami ni Kienn ng slight.

"Did you enjoy?" tumango ako sa kaniya at ngumiti. To give her assurance.

"Sino nga ulit kasama mo?"

"Si Kienn po." sagot ko at umupo sa tabi niya.

"Lalake?" tanong niya at tinignan ako sa mata.

"Opo."

"Boyfriend mo?" kinunutan ko siya ng noo.

"Lola naman!" sabi ko at nag kunwaring galit.

"Nag tatanong lang!" sabi niya. Tumahimik nalang ako.

"Boyfriend mo nga?" pangungulit niya.

Hanapan ko kaya 'to ng boyfriend? Parang mas sabik pa siya kesa sakin magkaboyfriend eh!

"Apo, tumatanda na ako. Tumatanda ka na rin. Gusto ko bago ako mawala, makita ko muna yung apo ko sa tuhod." hayystt ayan nanaman tayo sa matanda.

"Opo, opo." sabi ko nalang at nag paalam na may gagawin pa.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon