"Morning La~" hinalikan ko sa pisngi si Lola na naabutan kong kumakain ng breakfast sa hapag.
"Morning Manang." binati ko rin si Manang na kasabay ni Lola kumain.
Umupo na rin ako at sinaluhan sila.
"Nag jogging ka?" tanong ni Lola.
"Yup. Nga po pala, papatapos na po yung bahay na pinapagawa ko. Binisita ko po kahapon."
"Tapos? Gusto mong lumipat ako don? Winter, sinabi ko naman na diba na ayokong iwan itong bahay na 'to." yeah right.
"Pero La, hindi mo naman po ito iiwan. You can visit here every time. I just want you to move to my house dahil mas matibay at may security po 'yun." I reason it out again.
"Look apo. I'm fine in here, matibay pa naman itong bahay ko at wala namang mag nanakaw dito." tumango tango nalang ako dahil ayaw ko nang pahabain pa ang usaping ito. Tsk.
So yeah. I want her to move but It's like it wouldn't happen. Noon pa man ayaw nya na magpatayo ako ng bahay dito dahil okay pa daw naman itong bahay niya. This house is antique but I'm fine with it. Pero yung plano ko talaga noon ay iparenovate itong bahay pero ayaw niya kaya napag desisyonan kong mag tayo nalamang ng sarili kong bahay. Rest house kung baga. Not that I can't stay here, on Lola's house. Gusto ko lang na may maipundar yung pera ko kahit papaano.
It's almost 3:30 pm. Nandito kaming tatlo nina Lola sa beach. Sa loob ng isang cottage with some foods on our table. Dito kami kanina nag lunch at mamaya pa kami uuwi.
It's summer kaya medyo marami nang turista ang nandirito. Hindi ito ganon ka sikat tulad ng ibang islands, pero may mga nag babakasyon naman dito kahit papano. May ilang naliligo na sa dagat at may ilan namang naka upo lang sa buhangin.
"Winter. Hindi ka pa maliligo?" tanong ni Lola. Umiling ako. Hindi ko naman kasi talaga hilig ang mag tampisaw sa dagat kahit noon pa. Hindi rin ako marunong lumangoy kahit na dito ako halos lumaki.
Inaya ko silang maupo doon sa buhangin dahil papalubog na ang araw. Ito ang pinaka magandang tanawin na nais kong makita ng paulit ulit. Ang pag lubog ng araw dito sa Licuas Island.
Inilapag ko ang sapin na dala ni Manang at tinulungan ko silang maka upo ng maayos.
Inilibot ko ang paningin ko bago ako umupo at halos lahat ata ng mga turista dito ay inaabangan rin ang pag lubog ng araw. May ilang may dalang camera at handang kunan ng litrato ang pag lubog ng araw. Napangiti ako.
Gaya ng inaasahan, dahan-dahang lumubog ang araw na nag dulot ng napakagandang kulay sa kalangitan.
Maya-maya lamang ay dumilim na ang paligid at napag pasyahan naming bumalik na. Pinauna ko na sina Manang dahil mag liligpit pa ako ng kalat na naiwan namin sa cottage.
Isa-isa kong pinupulot ang ilang basura at inilagay sa plastic. Umalis muna ako sa cottage at nag tungo sa malapit na basurahan at itinapon iyon.
Habang papalapit ako sa cottage, naaninag ko ang isang bulto ng lalake sa loob ng cottage na ginamit namin. Nakatayo siya at parang may ginagawa.
Tumakbo ako papalapit and It's Kienn. The guy that I just met. Isa isa niyang inaayos ang mga pinggan at iba pang gamit pangkain.
"Hey, Kienn." I called his attention.
"Hi. I'm here to help." siya habang nag liligpit parin. Tinulungan ko siya at nag salita ulit.
"Bakit ka nandito?"
"Nakita kita kanina na nag liligpit. Tatanungin sana kita kung pwedeng tumulong kaya lang, umalis ka agad at nag tapon ng basura."
"Uhh thanks." sabi ko at kinuha na sa kanya ang ilang pinggan na naka patong-patong. Ipinasok ko ito sa malaking box na hawak ko na yari sa plastic. Ganon din ang ginawa ko sa ilang kutsara, tinidor, at baso.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...