Agad akong bumangon dahil sa alarm ng cellphone ko. It's three thirty in the morning. Halos hindi ako naka tulog ngayong gabi, binantayan ko lang talaga na mag ring ang alarm.
Hindi ako maka tulog dahil doon sa forehead kiss. Hindi ko naman first time mahalikan sa noo pero first time kong makaexperience na tumakbo ang lalake pagkatapos akong halikan sa noo.
Pumunta muna ako sa banyo para maghilamos at magmumog. Bumalik ako sa kwarto at nagpalit ng shorts. Nag suot din ako ng jacket dahil malamig sa labas.
Nag madali akong lumabas ng bahay at pumunta sa mansion nina John. Agad akong nag doorbell at hinintay na may mag bukas.
"Good morning po." bati ko sa mas matandang babae na nag bukas ng gate. Bahagyang kumunot ang noo niya.
"Nandito pa po ba sina Kienn?" tanong ko.
"Kaibigan ka ni Kienn? O katrabaho?" tanong niya.
"Girlfriend po." naka ngiting sagot ko. Hindi naman siya nagulat sa sinabi ko. Agad niya akong pinapasok at pinaupo sa sala. Tatawagin niya lang daw si Kienn.
Pinag masdan ko muna ang paligid. May mga paintings na nakasabit sa pader. May malaki silang flat screen TV at may mesa sa gilid non. May mga picture frame na naka patong doon.
Nakita kong bumaba si John mula sa hagdan. Tinignan niya lang ako ng blangko at nag patuloy na sa paglalakad.
Naka maong pants na siya at white shirt sa loob na may patong na leather jacket.
Ilang minuto pa ang hinintay ko at bumaba na si Kienn. Naka maong pants din siya at gray na sweater. Agad siyang ngumiti ng makita ako.
"Good morning! Ba't ka nandito?" agad na tanong niya at umupo sa tabi ko. I smiled at him.
"To see you." sabi ko na mas nagpalaki ng ngiti niya.
"Kienn, double time." sabi ni John na kakadaan lang. May hawak siyang tasa na naglalaman ata ng kape. Pumunta siya sa taas.
"Sorry, we need to hurry." sabi niya at hinatak ako papuntang kusina. Gumawa siya ng kape sa coffee maker at binigay niya sa akin ang isa.
"Tapos ka na mag impake?" tanong ko. Tumango lamang siya at ininom na yung kape niya.
Hindi na ako nag salita pa dahil nag mamadali na sila. Inubos ko nalang ang kape ko at pumunta ako sa sala. Hinihintay si Kienn na bumaba mula sa second floor.
Maya maya lang ay bumaba na siya. May dala siyang maliit na maleta. Ganoon din si John.
Agad akong tumayo at nilapitan si Kienn. He smiled at me.
"I'll call you okay? Hatid kita sa inyo ha tapos matulog ka ulit." naka ngiting tumango ako sa kaniya.
"Bye. Text me okay?" sabi ko.
"Yeah, I will. I love you." sabi niya. Ngumiti lang ako at tuluyan na akong pumasok sa gate. Ayoko namang malate sila ng dahil sa akin, baka mamaya ako pa ang sisihin ni John.
Alas onse na ako nagising, nag kape lang ako at tumambay sa terrace habang kinakausap yung dalawa kong kaibigan gamit ang video call.
"Matagal ka pa ba diyan?" tanong ni Janine.
"Siguro? Hindi pa ako nag iisang buwan dito eh." sagot ko at sumipsip ng kape mula sa tasa.
"Anong ginagawa mo diyan? Araw araw kang nasa tabing dagat?" tanong niya pa.
"Wala. Tambay lang." sabi ko at tumawa.
"Try mo manood ng k-drama para hindi ka ma bored." suggest naman ni Grace.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomantizmFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...