Ilang araw na hindi nag paramdam sakin si Kienn. Walang text or tawag. As in wala.
Alam kong mas mabuti na naganito kami. Alam kong makakalimutan din namin ang isa't-isa dahil ilang buwan palang naman kaming nag sama eh! Minsan nga, naisip ko. What if, hindi ako umuwi dito? What if hindi nalang ako nag bakasyon? Or sa ibang bansa ako nag bakasyon...makikilala ko kaya si Kienn? Mamahalin ko ba siya ng ganito?
Pero na realize ko na mas mabuti na ito. Sa apat na buwan ko dito, at least nakilala ko si Kienn. Nakaramdam ako ng tunay na kasiyahan, at nag mahal ako ng sobra. Natuto akong mag tiwala at intindihin siya. It was the best moment of my life! Pero...it is also the saddest memory. Because I need to let go of him. I am not sure kung makakahanap pa ba ako ng lalakeng katulad niya. I guess nag iisa lang siya. Nag iisa lang ang Kienn sa mundong ito.
"Winter kain na." kumatok si Janine sa pinto ng kwarto ko bago niya binuksan ito.
Tumayo ako at nag lakad palabas. I smiled at her. Sa ilang araw na nakalipas, pinipilit kong maging okay. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa dalawa kong kaibigan na nakabantay sakin. Silang dalawa lang ang nakakaalam nang pinagdaraanan ko. Kaya as much as possible, ayaw kong maging pabigat sa kanila.
"Ang sarap ng ulam ah!" komento ko ng maamoy ko ang ulam namin.
"Winter, stop pretending." binatukan ako ni Janine.
"Masarap naman talaga! Amoy palang, busog na." they gave me a blank expression.
"That's not we---" Grace cut her off.
"Just let her. Hayaan mo siya kung 'yan ang mag papagaan ng loob niya." umirap ako at kumain nalang.
I don't want to say something. Baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili ko tapos umiyak nanaman ako sa harap nila. Alam kong may kaniya-kaniya silang problema kaya ayaw ko ng dagdagan pa.
Wala silang trabaho ngayon kaya nag aya silang pumunta ng mall. Hindi sana ako sasama dahil wala ako sa mood. Kaya lang, pinipilit nila ako. Ayaw ko namang mag mukmok sa kwarto at isipin nanaman si Kienn at ang fourth monthsary namin bukas, kaya sumama nalang ako.
Nag punta kami sa salon sa loob ng mall. Balak nilang mag paayos ng buhok.
"Pagupit ka kaya Winter?" si Grace.
"Okay." walang buhay na sabi ko. I don't really care.
Tinanong ako kung hanggang saan ang gusto ko. Gusto ko hanggang balikat kaya iyun ang sinabi ko sa babae. Si Janine naman ay mag papakulay ng ash grey habang si Grace ay mag papalagay ng bangs at mag papakulot.
Madali lang naman yung akin kaya natapos agad. Tumingin ako sa salamin. Sobrang ikli na ng buhok ko pero bagay naman sakin. Naupo ako sa sofa at hinintay na matapos ang dalawa.
It's looks perfect for the both of them. After that nag pa nail spa kami. I want the hot pink color with more glitters on it. After an hour natapos na rin kami. Simple nude lang ang kay Grace tapos white with some black dots naman ang kay Janine.
Nag punta kami sa mga designer clothes at sinukat ang lahat na nagustuhan namin. Marami akong sinukat na damit pero dalawa lang ang binili ko. Namili din kami ng mga sapatos and designer bags.
Gabi na nang matapos kami kaya kumain nalang kami sa McDo para hindi na kami mag luto sa condo.
Ring nang ring ang cellphone ko habang kumakain kami kaya kinuha ko ito sa bag.
Kumunot ang noo ko ng makitang si Cindy ito.
"Hello?" I tried to act normal. Nakatingin na ngayon sakin sina Grace.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...