Halos wala akong tulog kagabi dahil sa text ni Kienn. I don't know if it's really Kienn but I assume it's him. Hindi na rin ako nag reply para mas exciting.
Kahit wala akong tulog ay bumangon ako ng maaga para mag jogging. Tulog pa si Manang at si Lola kaya hindi nalang ako nag paalam.
Pagkalabas ko ng bahay ay sinimulan ko na ang pag jogging dahil nag stretching na rin naman ako kanina sa kwarto.
Nakikinig ako sa earphones ko habang tumatakbo pero ang isip ko ay nasa ibang mundo.
Na e-emagine ko na si Kienn na nag se-swimming. Ako naman, siguro nasa cottage lang dahil hindi naman ako marunong lumangoy.
Magiging audience nalang siguro ako mamaya ni Kienn at ng mga taong dumadaan.
Pero pano kung ayain niya akong maligo sa dagat?
Oo mahilig ako sa sun set at sun rise pero hindi ko naman hilig mag tampisaw sa dagat. Lalo na't hindi ako marunong lumangoy. Alang naman tumayo lang ako doon.
Hindi naman ako pwede sa malalim dahil malulunod naman ako non.
Bakit naman kasi biglaan? E di sana naka hire pa ako ng tuturo sakin mag langoy. Baka mag butterfly swim pa ko mamaya!
Umuwi agad ako dahil nga mag de-date kami mamaya ni Kienn sa tabing dagat. Char!
Nag pahinga muna ako sandali at naligo na rin.
See through lang na blouse ang isinuot ko. Syempre, yung pinaka magandang bra ang pinili ko. Naka shorts lang rin ako na maong dahil wala naman akong balak mag swimming dahil nga di naman ako marunong.
Nauna na akong kumain ng tanghalian kina Manang dahil eleven nga kami mag kikita doon sa cottage.
Hindi pa ako nakakapag paalam kay Lola. Kaya pumunta muna ako sa bakuran dahil nandoon daw siya sabi ni Manang.
"La, pupunta po kami sa tabing dagat ni Kienn. Yung kaibigan ko po. Mag sas-swimming." paalam ko kay Lola.
"Oh sige. Uwi ka agad ha. Kumain ka na?"
"Opo." tumango siya at sininyasan akong umalis na. Kaya naman, abot tenga ang ngiti ko habang nag lalakad papuntang tabing dagat. Sa may mga cottage.
Madali ko lang nahanap ang cottage 5 na tinutukoy ni Kienn dahil may mga numero naman na naka paskil sa kawayan. Na tanaw ko agad si Kienn.
He's wearing a grey v-neck shirt and a beach shorts.
Pumasok ako sa cottage and I saw his hair up close.
Naka braid siya. Triple braids with bun. Oo medyo mahaba ang buhok niya compared to a normal hair of boys but, I didn't expect him to do this kind of hair style.
"Your hair." I point out.
"Uhh yeah. Is it weird?"
No. It looks hot.
I want to answer that pero pinigilan ko ang bunganga ko.
"No. It's fine." I said and smiled, a bit amazed.
"Who did that?" sabi ko.
"Uhh yung anak ng kasambahay sa mansion. Hindi naman kasi ako marunong mag braid. It's my first time to do this hairstyle." he said.
Tumango ako at itinuon ang mata sa mga pagkain na nasa mesa.
May pagkain pala siyang dala?
Maraming junk food, soft drinks, kaldero na nag lalaman siguro ng kanin. May mga tupperware na may mga laman na ulam, may ilan pang prutas. May mga pinggan, kutsara, tinidor at plastic cups sa gilid.
BINABASA MO ANG
Almost Perfect
RomanceFour months vacation turned into heart breaking vacation ever. It was the happiest yet saddest moment of my life. Witnessing him to marry her. Witnessing him to say 'I do' to someone. Witnessing him to love her and his child. It was the most devasta...