CHAPTER 10

0 0 0
                                    

"May tira pa ba kayong ulam diyan?" bulong sakin ni Janine habang papasok kami sa bahay.

"Bakit? Di pa kayo nag lunch?" tanong ko. Agad naman na tumango ang dalawa.

Dumeretso ang dalawa sa kusina, ako naman ay sa kwarto nila para ilagay doon ang kanilang mga maleta. Tig-dalawang maleta sila kaya apat lahat. Dalawang araw lang naman sila rito pero ang dami ata nilang dinalang mga damit.

Pumunta rin akong kusina nang matapos kong mailagay ang mga bagahe nila. Naabutan ko si Janine na nag pi-prito ng itlog.

"Wala ng ulam?" tanong ko kay Grace na nag lalagay ng tubig sa petsel.

"Kunti nalang, kulang samin eh." sabi niya. Tumango ako at lumapit kay Janine. Ako na ang nag prito dahil alam kong pagod ang dalawa.

Hinayaan ko muna silang kumain, nag punta muna ako sa sala at nanood ng TV.

Wala dito sina Lola, umalis sila kaninang umaga. Tutulong daw silang mag hanap ng pangdecorations para sa fiesta.

Tinitigan ko ang phone ko na nag ri-ring. Naka patong siya sa center table. Hindi ko ito pinansin at itinuon nalang ang atensiyon sa TV.

"Gaga! Nakakarindi ang phone mo!" mahina pa akong sinampal ni Janine sa ulo. Tinitigan ko siya ng masama at inayos ko ang buhok ko.

"Sino si Kienn?" napatingin ako kay Grace na may hawak na ngayon ng cellphone ko. Agad akong tumayo at binawi iyon sa kaniya. Mabuti nalang at hindi mabilis ang mga galawan nitong si Grace kaya naagaw ko agad.

"Just someone I know." sagot ko agad para hindi mag duda ang dalawang ito. Ni-reject ko ang tawag ni Kienn at in-off ang cellphone.

"Sure?" tanong ni Janine na kunotnoong nakatingin sa cellphone ko.

"Yeah."

Gusto nilang matulog muna kahit one hour lang kaya pinapunta ko na sila sa nakahandang kwarto nila. Naiwan naman ako dito sa sala, nanonood ng isang hollywood movie.

Maya maya lang ay may nag doorbell, dali dali akong lumabas ng bahay. I thought it was Manang and Lola but I'm wrong.

It's a girl, younger than me. First time ko siyang makita dito. Pero anong kelangan niya?

"Need anything?" I ask her. Medyo nahiya pa siyang tumingin sakin.

"Nandito po ba si Miss Winter?" naka tingala niyang tanong sakin. Mas mataas kasi ako sa kaniya.

"That's me." sagot ko na medyo naguguluhan na.

"Gusto ka po raw makausap ni Sir Kienn. Sagutin mo na raw po ang tawag niya." nahihiyang sabi niya. Kienn? Si Kienn ang nag papunta sa kaniya rito?

"Okay." maikling sagot ko para makaalis na siya. Mukang kasambahay nila ito sa kanilang mansion. Inutusan pa ni Kienn na pumunta dito. Oo at mag katabi lang ang bahay namin pero, baka kasi maraming ginagawa ang tao.

Nag paalam na siya at agad naman akong pumasok ng bahay. Pinulot ko ang cellphone na naka patong sa mesa at tinitigan ito ng ilang segundo.

Should I answer his call?

I open the phone and wait for it to start up. Tumunog ito ng sunod sunod. Puro texts ni Kienn.

It suddenly rang. Again, its Kienn.

What now?

Should I answer it?

What if mapagalitan yung maid? Or isturbuhin nanaman siya ni Kienn?

The heck! I'll answer it!

"What?" agad na sabi ko ng pindutin ko ang answer button.

(Oh shit! Finally!) sumigaw siya sa kabilang linya. Mukhang amaze na amaze dahil sinagot ko ang tawag niya.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon