CHAPTER 7

0 0 0
                                    

Kakatapos lang namin mananghalian. Ako na ang naghugas ng mga pinagkainan dahil marami pang gagawin si Manang.

Pumasok ako sa kwarto pagkatapos.

Nakita ko ang jacket ni John na naka lagay sa hanger sa may terrace.

Oo nga pala. Ibabalik ko pa ito kay John.

Kukunin ko na sana kaya lang medyo basa pa. Papatuyuin ko nalang muna.

Nahiga ako sa kama at maya maya lang ay nakatulog.

Alas kwatro na rin ako nagising. Inayos ko muna ang itsura ko sa salamin at kinuha na yung jacket ni John. Itinupi ko ito at nilagay sa paper bag.

Lumabas ako ng kwarto at nakita ko si Lola na may tinatahi na kung ano.

Nag paalam muna ako na lalabas lang saglit, pumayag naman siya.

Pumunta ako sa mansion nila. Nag doorbell ako ng ilang beses bago may nag bukas.

It's Kienn. Hawak niya yung hard hat nya sa kabilang kamay at sa kabila naman ay yung naka pabilog na papel.

Mukha siyang nag mamadali.

"Is John here?" I remained calm. He look confuse dahil si John ang hinahanap ko.

"Wala siya dito. Why?" tanong niya.

"Paki bigay nalang sa kaniya nito." sabi ko at inilahad ang paper bag.

"Can we talk?" hindi niya pinansin ang sinabi ko kanina.

Talk? E mukang super busy siya.

"No. May gagawin pa ako. Here. Take this." sabi ko at nilapit pa sa kaniya ang paper bag. Kinuha niya rin naman.

"I want us to talk. May nagawa ba akong mali?" he ask me. He look really confused.

His phone rang. But he ignored it.

"Let's talk when you are not busy." I said and walked.

Bumalik ako sa bahay. Nandoon si Lola at Manang sa sala. Nanonood ng TV.

Umupo ako sa tabi ni Lola. Nag kunwaring nanonood din ng TV.

Hindi ko alam pero masyado atang maraming laman ang isip ko.

Hindi ako tanga para hindi malaman na si Kienn ang dahilan non.

Klaro niya naman na sinabi sakin na he is just flirting with me. Nilalandi niya lang ako! But, why am I like this?

Why am I so distracted over Kienn?

Maybe, because he is handsome?

Hell! May mas gwapo pa akong nakilala sa New York.

At hindi lang naman siya ang kina una-unahang lumandi sa 'kin.

But...if he is really flirting with me, is he allowed to flirt other girls too?

What the heck?! Of course! He is not in a relationship with me to avoid flirting others!

Really? Im thinking of this right now?

Argh!!!!!

"Winter! Let's eat!" tinignan ko si Lola na naka tayo sa harap ko.

Tinignan ko ang inuupuan ni Manang kanina pero wala na siya roon.

"Ija! Are you deaf?" tinitigan ko muna si Lola for a few seconds before I realized what is really happening.

Tumayo ako agad at nauna na kay Lola na pumunta ng kusina.

Nakita ko si Manang na nag lalagay na ng mga pinggan.

Nag lagay na rin ako ng tubig sa petsel at nag latag ng mga baso.

Almost PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon