"Hindi ka sumabay?" Tanong ni Theo sa akin nang makaalis sina Quinn at Shawn.
"Ayoko." Maikling sagot ko.
Tinitigan ako ni Theo. "You were so cold to him. Kita ko namang seryoso siya sa pagiging ama para kay Shawn." Aniya.
Ngumiti ako. "He has a girlfriend. She will hinder him from being a good father."
Tumaas ang kilay ni Theo. "Hindi ang girlfriend niya ang problema mo, Margaux." Humalukipkip siya. Tumitig ako sa kanya. "You still have feelings for him."
Nanliit ang mga mata ko. "Wala na. Matagal na iyon."
Hearing that made me want to punch Theo's face. Wala na akong nararamdaman para kay Quinn. Kung mayroon man ay puros galit na lang iyon. Hindi ako pwedeng makaramdam ng kung ano sa kanya. Si Shawn na ang buhay ko ngayon. Siya lang ang mahal ko.
"Kung ganoon ay bakit ka nagsinungaling na nandito ang sasakyan mo? Dapat ay sumakay ka na lang doon para nakapagbonding pa kayo!" Humalakhak siya.
Naningkit ang mga mata ko sa kanya. "You are not helping! Ayoko lang sumabay dahil galit ako!"
Mas lalong lumakas ang tawa ni Theo sa sinabi. Kinurot ko ang tagiliran niya pero hindi pa rin siya tumitigil. Ano ba ang gusto niyang palabasin? Nag-usap ba sila ni Deonna tungkol dito? Pareho sila ng ipinipilit na punto! Hay naku!
"Ihatid mo ako sa amin." Utos ko sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. "O tapos ngayon, magpapahatid ka sa akin? E, sana sumama ka na lang, nakatulong pa tayo sa pagbabawas sa air pollution!" Reklamo niya pero inirapan ko lang siya.
"Tara na kasi! Andami mo pang arte, e!" Hinila ko na siya papuntang parking lot.
Wala ring nagawa si Theo kaya hinatid pa rin niya ako sa bahay. Kahit na puro siya reklamo habang nagmamaneho, wala pa rin siyang magawa dahil nasa EDSA na kami.
Nagpasalamat na lang ako sa paghatid niya sa akin at nangakong ililibre ko siya sa susunod na magkita kami. Patuloy pa rin siya sa pagrereklamo pero tinalikuran ko na lang siya.
Theo and Deonna has been my closest friends in the hospital. Si Deonna dahil simula college ay magkakilala na kami, at si Theo dahil malapit ang departments naming dalawa. Maraming nanunukso sa akin at kay Theo pero hindi nila alam na ang gusto talaga ni Theo ay si Deonna. If Luke didn't show up, there's a chance that Theo would've gotten her.
But well, that attorney is hot.
Hindi ko alam kung mayroon bang bagong pinopormahan si Theo ngayon pero narinig ko siya minsang may tinatawag na honey sa phone niya, kaya malamang ay mayroon. And besides, Theo is handsome, and he's a doctor. It actually says something about him.
Laking pasasalamat ko nang makarating ako sa bahay bago sina Quinn. Siguro ay naglunch pa sila ni Shawn sa labas. Ayos na rin naman para hindi magutom ang anak ko.
Pumasok ako sa bahay at tumambad sa akin si Mela na nanonood ng aerobics sa TV. Tumingin ako sa orasan. Tanghali na. Bakit ngayon lang siya nag-eexercise?
"Ma'am!"
Agad siyang umayos at pinatay ang TV nang makita ako. Parang nahiya pa.
"Sige lang, Mela. Ituloy mo lang iyan." Ngiti ko. There's nothing wrong with exercising anyway. Mabuti pa nga siya at nakakapag-exercise. Samantalang ni jogging nga ay hindi ko magawa.
"Ayos lang po, Ma'am." Aniya at niligpit ang Yoga mat. "Asan po si Shawn?" tanong niya at luminga linga.
"Kasama siya ng Daddy niya." Sagot ko.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
RomanceQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...