"Hey..." Marahang tapik ang gumising sa akin. Unti-unti kong ibinukas ang mga mata ko at halos magulat nang makita ko si Quinn na nakatingin sa akin.
Nakatulog ako sa bench kaya nandito siya't nakaluhod na nakangiti sa akin. Ngumiti ako pabalik.
"Mommy!"
Nagulat ako nang biglang sumulpot si Shawn sa likod ni Quinn. Nakabihis siya at nakangiti sa akin. Lumapit siya para yakapin ako.
Umupo ako para mas mayakap ko siya nang maayos. Kinarga ko siya sa hita ko habang umuupo sa tabi ko si Quinn. Inaayos niya ang buhok ko bago niya hinapit ang baywang ko.
Rinig ko ang paghagikgik ni Shawn dahil sa ginawa ng ama niya. Tiningnan ko si Quinn na nakangisi lamang sa anak namin.
Parang may mainit na kamay na humawak sa puso ko. Anak namin. Now, I can easily think about it, huh? Everything has changed in just a night. Overnight was all it took to bring back everything I feel for him.
"Kailan pa kayo narito?" Tanong ko kay Quinn.
Itinuon niya ang mata niya sa akin. Halos matunaw ako sa mga titig niya. This feeling...is so familiar, I'm so scared everything will happen the way it happened years ago again.
"Kanina pa. Noong nasa loob ka pa ay umuwi muna ako dahil tumawag si Mela sa akin. Nagising na raw si Shawn." Normal ang pagkakasagot niya pero bakit abot-abot ang lakas ng pintig ng puso ko?
Sumimangot ako at tumingin kay Shawn. He's looking around. Ibinaling ko muli kay Quinn ang mga mata ko. "You've been here for a while?" Tanong ko. "Bakit hindi niyo ako ginising?"
Ngumiti siya. "I thought you're tired. Kaya hinayaan ka muna naming magpahinga."
Mas lalo akong sumimangot. "Hindi ba ikaw ang pagod sa ating dalawa?" Tanong ko.
He just smiled. "Nawawala naman ang pagod ko kapag kasama kita." Sagot niya.
Humagikgik muli si Shawn. Tumingin siya sa kanyang daddy at nag-high five pa sila. Parang pinag-usapan nila ito. I feel so out of place in between these two boys!
"Margaux." Baritonong boses ni Daddy ang narinig ko nang tumayo siya sa harap ko.
Ramdam kong humawak sa akin si Shawn. He's not familiar with my parents because he hasn't seen them all his life.
Unti-unti akong tumingin kay Dad. Papagalitan ba niya ako dahil dinala ko rito ang anak ko? Did he want to see his grandson?
Gumapang ang kaba sa aking sistema. Paano kung paalisin niya rito si Shawn? Hindi ako makakapayag kapag nangyari iyon. I will defy him again and then we'll fight again. But this time, I won't feel guilty because it's my son we're talking about.
Fuck. Chill, Margaux. Wala pa nga, nagagalit ka na!
I tried to calm down. Ramdam ko ang paghigpit ng hawak ni Quinn sa aking baywang. Maybe he feels it too. We should be in this together, though!
I stared at Dad looking down at Shawn. His eyes look unreadable. Paano ako magrereact sa ganito?
"Is that your son?" Tanong niya.
Nanlaki ang mga mata ko nang lumuhod siya sa harap ko para makita nang maayos ang anak ko. He smiled widely at Shawn, dahilan kung bakit medyo lumuwag ang hawak niya sa akin. My son smiled back at my Dad.
Kita ko ang pagkislap ng mga mata ni Daddy habang tinitingnan si Shawn. Parang natutunaw ang puso ko. He looked so happy to see my son! He looked delighted to meet him right now.
Why I doubted my dad, I don't know.
"Who's he, Mommy?" Inosenteng tanong ni Shawn. Ibinaba ko siya dahil sobrang naiiyak na ako sa sitwasyon.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
RomansQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...