Margaux

5.5K 83 0
                                    

Para akong nawalan ng kaluluwa nang matanggap ko ang tawag galing sa school ni Shawn. I even had to slap myself to be able to believe that it was real.

"Is this Miss Margaux Marbel?" The urgency in the principal's voice kept me nervous.

Nasa ospital ako at busy sa mga pasyente. I wouldn't even plan on taking the call if it wasn't Shawn's school.

"Speaking. Bakit po?" I tried to calm down kahit may kung ano sa aking kinakabahan na dahil sa posibleng nangyayari.

I texted Quinn to fetch Shawn at 3:30. Hindi niya ako nireplyan kaya kinulit ko siya. Siguro naman ay nandoon na iyon at kasama na niya ang anak ko. Quinn may be a grade A asshole but I believe he would take care of my son.

He should try and hurt Shawn and he will see!

"Ma'am, si Shawn po, dinala po namin sa ospital."

Para akong natabunan ng buong building nang marinig ko iyon. Paano? Shawn's with his father! Paanong school ni Shawn ang tumatawag sa akin?

Dali dali akong nag-ayos ng gamit. "Saan pong ospital? Bakit po?"

Halos manginig ako sa pagbubukas ng pinto ng opisina ko habang hinihintay ang sago ng principal. Damn it.

"Nabangga po kasi siya ng bike, Miss. May mga galos at parang nagkafracture rin. Sa ospital po ninyo namin siya dinala..."

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nang marinig iyon. May mga sinabi pa siya ngunit hindi ko na iyon inintindi.

Galit na galit at sobrang ninenerbyos akong tumakbo pababang ER. Hindi ko na nga hinintay ang elevator dahil nasa 11th floor pa iyon.

Tinakbo ko ang hagdan at pagod na pagod na tumakbo sa ER. Nakita ko roon sina Theo at ang iba ko pang mga kasamahan.

Patakbong sumalubong sa akin si Deonna. Mainit at mahigpit akong niyakap.

"Where's my son?" nanginginig na tanong ko.

Theo looked at me with worried eyes. Nang matapos akong yakapin ni Deonna ay siya agad ang lumapit sa akin para yakapin ako.

"Sorry, Margaux." Iyon ang sinabi niya sa akin.

Hindi ko na napigilan ang mga luha ko. Galit na galit ako kay Quinn. Simpleng bagay lamang na pagsundo sa anak ko ay hindi man lang niya nagawa!

Kung sana ay inabisuhan man lamang niya akong hindi niya masusundo o mahuhuli siya sa pagsundo, wala sanang ganitong nangyari.

Kumalas ako sa yakap at agad na nagtext kay Quinn. I don't want to hide how angry I am right now. At him. Dahil putang ina niyang lalaki!

To: Guevarra

I CAN HANDLE YOU FUCKING WITH ME BUT NOT WITH MY SON! YOU'RE A REAL MOTHERFUCKER, ASSHOLE! DON'T SHOW YOUR FACE TO SHAWN EVER AGAIN!

Wala akong ibang nakikita. All I'm seeing is red and I feel like I could kill someone this instant.

It wasn't enough that he left me lost and broken. Now, he's breaking and hurting my son.

I swear I'm going to sin!

Ilang beses nagring ang cellphone ko at alam kong si Quinn iyon. Gusto kong sagutin pero alam kong hindi ko siya kayang awayin ngayon dahil humahagulgol ako.

Ipinasok nila si Shawn sa operating room para sa open reduction. Shit! My son's just a kid!

Muling nagring ang cellphone ko at nakitang si Quinn iyon.

Agad kong sinagot at sinigawan siya. I don't care if people saw me. They don't know hard and painful it is to see my only baby go through something like this.

More Than Anything [UNEDITED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon