Ang sakit-sakit ng katawan ko paggising ko. Ang nakakapagtaka, paano ako nakarating sa kwarto ko gayong ang huling alaala ko ay nasa sa reception ako kasama sina Theo?
Tiningnan ko ang suot ko at nanliit ang mga mata ko. This is not my shirt.
Napapikit ako sa sobrang sakit ng ulo ko.
Suddenly, flashbacks of what happened last night came crashing to my head. I looked at the floor and saw my dress and my undies thrown wherever.
Napahawak ako sa sentido habang nagmumura.
That wasn't a dream?!
Hinawakan ko ang suot kong damit at nanlaki ang mga mata ko nang makitang damit ito ni Quinn. Bakit ko suot ang damit ni Quinn?
Sinong nagpalit sa akin?
Tangina! What happened?!
Agad akong tumayo at napatigil nang makaramdam ako ng sakit doon. Gusto ko na lang tumawa dahil hindi ako makapaniwala. Pinulot ko ang mga nagkalat na damit ko at inilagay sa laundry basket.
Bumukas ang pinto at nagulat ako nang makita si Quinn doon na may hawak na tray ng pagkain.
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya.
Ngumiti lang siya at inilapag ang tray sa kama ko. "Breakfast in bed?" Malambing na sabi nito.
Kumunot ang noo ko sa kanya. "I can walk down. Bakit ka pa nagdala ng pagkain dito?" masungit kong tanong.
"You're sore."
Napanganga ako sa sinabi niya. Hindi ako agad nakarecover kaya dinugtungan pa niya iyon.
"You are sore because of what happened between us last night." There was no humor to his voice. It was so stern and serious.
Ramdam ko ang pamumula ko dahil sa sinabi niya. Walang hiya! Kung may namgyari sa amin kagabi, wala lamang iyon! I was so drunk I can't even remember!
"I'm fine." Sagot ko habang naglalakad patungong banyo. Papasok na sana ako sa loob nang biglang humarang itong si Quinn sa pinto.
"Ano ba?!" Iritado kong tanong. Sumasakit na iyong ulo ko tapos nandito siya at nang-iinis!
Umigting ang bagang niya. "We need to talk about what happened last night." Puno ng awtoridad ang boses niya.
Umirap ako. "I can't even remember it! Paano natin pag-uusapan kung ikaw lang naman ang nakakaalala?" Tanong kong pabalang.
Kumunot ang noo niya. "Kahit na! Ramdam mo namang may nangyari sa atin 'di ba? So, we need to talk!" Mapilit niyang sagot.
I shut my eyes because my head throbbed. Nahihilo ako dahil sa sakit ng ulo ko. I took a mental note to kill Deonna and Theo when I see them at work. Humanda talaga ang dalawang iyon!
"Come on, Margaux. Kumain ka muna para makainom ka na rin ng gamot. Alam kong masakit ang ulo mo." Biglang nagbago ang tono ng boses niya. From authoritative to the caring one.
Suminghap ako at tinitigan siyang mariin. "Magbibihis muna ako." Sabi ko.
Tumikhim siya pero tumango rin. Umalis siya sa harap ng pintuan at dumiretso sa kama ko. Medyo binagalan ko nang maligo pero nang matapos ako ay naroon pa rin. Binuksan na rin niya ang TV at nakita kong nanonood na siya ng NBA.
Pinatay niya lang iyon nang makita akong papalabas na sa bathroom. Inilapag niyang muli sa kama ang pagkain bago ako tinitigang papalapit sa kanya.
My heart is racing fast. I think this has happened before. It's the same day. Pagkatapos ring may mangyari sa amin dati ay todo alaga rin siya sa akin.
BINABASA MO ANG
More Than Anything [UNEDITED]
RomanceQuinn Leonard Guevarra is Margaux Cynthia Marbel's greatest love. However, he cheated on her with his secretary because she couldn't the attention he thinks he deserves. Five years later, nagkita silang muli pero ngayon, iba na ang situwasyon. Isa...